Chapter 27
Pagkatapos ng ilang buwan, sa wakas nakabalik na ako ulit sa dati kong buhay. CEO sa umaga, nasa El Paradiso sa gabi. Here I am now, looking for some sexy comeback.
Kung inaakala ni Aiko na maghihintay ako, nagkakamali siya. Bukas na ang kasal at nandito ako ngayon magpapakasaya. Ilang araw din akong hindi makatulog sa gabi kaya napagpasyahan ko nang bumalik dito.
Habang nakatayo malapit sa may bar counter, maingat kong sinusuri ang mga lalaking namamataan ng mga mata ko. Ayoko nang maulit ang mga pagkakamaling nagawa ko noon. Tama na ang isang beses na sakit at paghihirap na mga nangyari sa akin.
I'll now stick to my saying... One man, one sex.
“Hi.”
Napalingon ako sa lalaking naka-suit at kagaya kong naka-gold mask. Hindi ko sigurado kung siya na iyong nagsalita pero nakatingin siya sa akin. And he's smiling.
Bumaba ang tingin ko sa katawan niya. Malaki iyon at halatang conscious sa sarili. Bakat na bakat kasi sa suot niya ang laki ng katawan niya dahil halos matanggal na ang butones ng suot niyang puting polo sa ilalim. Maging ang mga braso niya ay sumisigaw na sa suot niyang suit.
Shit. For sure malaki rin ang sandata niya. Hard pass.
Nag-angat ako nang tingin sabay iling. “No, thanks.” Pilit ko siyang nginitian bago ko binalik ang tingin sa mga tao.
Parang ayoko lang today sa mga big boy. Gusto ko muna ng baby boy and maging sugar mommy for a day. Walang basagan ng trip.
Naramdaman ko ang pag-alis ng lalaki sa tabi ko kaya naging komportable na ulit ako sa paghahanap ng target.
My eyes suddenly landed on a guy who looked younger than me. He's wearing a suit but his mask was silver.
Tinitigan kong maigi ang mga mata niya. Nawawala ang mga mata niya kapag ngumingiti. I like chinito pa naman noong medyo bata pa ako. Bumaba ang mga mata ko sa mga labi niyang mapupula at matangos na ilong. The fuck! Baby boy!
Hindi rin masyado malaki ang pangangatawan niya, pero matangkad siya na tamang-tama lang sa baby boy na gusto ko.
Bahagya akong napangiti at binaba ang hawak kong wine sa bar counter. It's showtime!
Habang naglalakad patungo kay chinito, dumako ang mga mata ko sa dalawang babae na kausap niya. Masayang-masaya ang mga ito na parang nakabingwit ng malaking isda sa dagat. Let's see kung magiging masaya pa ba sila kapag sa akin gustong magpakain ang isdang nahuli nila.
Huminto ako hindi kalayuan sa kanila. I cleared my throat para kunin ang atensyon nilang tatlo.
Nagtagumpay naman ako nang matatalim na tingin agad ang pinukol sa akin ng dalawang babae. Nanatili namang nakangiti si chinito kasama ang mga mata niya nang tumingin sa akin. I like that.
I cleared my throat. “Bahay at lupa, o sampung milyon. Choose.” I blurted.
It's been a long time since I wasted my money for fun. Marami pa naman akong pera at mas dumarami pa kaya walang problema sa akin kung gumastos ako ng ilang milyon ngayong gabi.
Parehong nalaglag ang panga ng dalawang babae sa gulat. Ngumiti lang naman ang lalaki na parang hindi na bago sa kan'ya ang pag-aalok ng pera.
“You must be Lily.” Mas ngumiti pa si Chinito na parang na-a-amaze na makilala ako. “I heard a lot about you. At totoo nga na nagbibigay ka ng milyon-milyon para lang mapaligaya ka.”
“They're right.”
“Kalahating milyon nga natatakot pa akong bitawan para sa isang gabi.”
BINABASA MO ANG
✔ || Midnight Mask
Romance[ El Paradiso Collaboration Series 1 ] WARNING: RATED SPG! Talia, a fond of perfection. Living alone, tons of money, beauty and brain. She's also known as the heartless, fearless, sophisticated, and expensive woman. But her life were full of surpri...
