Wakas continuation...Kasama ko papuntang Spain ang Doctor na nag-opera sa mag-ina ko. Pinalabas naming namatay ang baby para sa kaligtasan niya. Walang ibang nakakaalam na ligtas ang anak ko maliban sa akin at kay Dr. Alfonso.
Pagkarating namin sa Spain matapos ang ilang oras, sinimula agad nila ang pagta-transfer ng anak ko sa Artificial Womb na naimbento ng mga taga Barcelona Spain.
Malaking pera ang nilabas ko para sa machine na iyon. Maraming bagay rin akong sinakripisyo para sa kaligtasan ng anak ko. I almost lose everything. Binenta ko ang ilan sa condo unit ko, maliban sa binigay sa akin ni Aki, at five star restaurant na binili ko dahil alam kong hindi magiging sapat ang mayroon ako ngayon.
Pumirma din ako ng ilang dokumento na kahit anong mangyari hindi ako magsasampa ng kaso sa kanila. At hindi rin makakalabas ang sikretong ito lalo na sa pamilya ko.
Hindi ko iniwan ang anak namin ni Talia hanggang sa makita ng dalawang mga mata ko na ligtas siya. She's perfectly fine. Humanga ang Doctor sa pakikipaglaban ng anak namin sa buhay niya.
Gagawin kong lahat para sa anak namin. Kahit na maubos ako huwag lang silang mawala sa akin. Nagpabalik-balik ako sa Spain at Pilipinas kahit halos wala na akong tulog mabantayan lang pareho ang mga mahal ko sa buhay.
“Magpakasal kayo ni Lily kapalit ng pagtatapos ng usapan natin. That's my one and final order.”
My jaw clenched. “Hindi mo pa rin ba kami titigilan? Namatay ang anak namin dahil sa kasakiman mo, Aki. We lost our baby because of you!”
“Me? Really?” He chuckled, sarcastically. “Baka dahil sa'yo. Nakakalimutan mo yatang nahuli ka niyang nakikipaghalikan sa sekretarya niya.”
“Huwag mo akong binabaliktad. Ikaw ang may kagagawan kung bakit nangyayari itong lahat. You planned all of this! You planned to destroy us!”
“Sumunod ka naman, hindi ba?” Hindi nawala ang ngisi niya kaya mas lalo akong nag-init sa galit. “Sinunod mong lahat ng pinag-uutos ko kaya hindi lang ako ang may kasalanan dito. Aminin mo na dahil sa tulong mo mas napadali ang pagkuha ko kay Natnat. Babalik din siya sa akin sa ayaw at sa gusto mo.”
“Baliw ka na talaga! Kahit na kailan hindi na siyang magiging sa'yo. Umaasa ka lang sa wala, Aki. Ako ang mahal niya at hindi ikaw. Kaya hanggang dito ka na lang—nagmamakaawang mamahalin niya—”
Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang nakatanggap ako ng suntok mula sa kan'ya. Hindi talaga siya marunong lumaban ng patas. Palagi niyang dinadaan sa pisikalan. Kaya nang hindi niya makuha ang gusto niya kinidnap niya si Talia sa araw ng kasal.
Pumayag akong magpakasal kay Lily, na si Puala rin pala na pinsan ni Talia, dahil gusto ko na ring matapos itong lahat. Nasasakal na ako. Walang-wala na rin ako kaya wala akong magawa.
“Kailangan ba talaga nating gawin 'to? Ayokong magpakasal.” Kita ko ang takot sa mga mata ni Lily. Alam kong pati siya napipilitan na rin sa mga nangyayari. Maliban sa akin, alam kong pati siya may dahilan kung bakit niya ginagawa itong lahat.
“Let's just do this. Magpapakasal lang tayo sa mata nila pero hindi sa papel. Trust me.”
Natuloy ang kasal gaya ng gustong makita ni Aki. He's not here. Humabol si Daddy pero si Ark na umuwi para sa kalokohan ni Aki wala rin dito. Pero nasisiguro kong may mga mata siyang naghihintay na magtagumpay siya sa plano.
“Nasa lumang bahay natin sa Cavite si Aki kasama si Talia,” bulong ni Daddy pagkayakap niya sa akin. “Congratulations, anak!” Mabilis na nagbago ang ekspresyon ni Daddy pagkaharap sa akin. Pilit siyang ngumiti pero kitang-kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala at takot sa maaaring gawin ng anak niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/293845985-288-k202959.jpg)
BINABASA MO ANG
✔ || Midnight Mask
Aktuelle Literatur[ El Paradiso Collaboration Series 1 ] WARNING: RATED SPG! Talia, a fond of perfection. Living alone, tons of money, beauty and brain. She's also known as the heartless, fearless, sophisticated, and expensive woman. But her life were full of surpri...