Chapter 29
Mukhang hindi ako narinig ng mag-ama dahil nagawa pa nilang magtalo na dalawa bago ko narinig na umalis si Mr. Esguerra. Naiwan namang nagwawala si Aki.
“Tangina! Gaano ba ako kahirap intindihin?! Gusto ko lang naman ng atensyon, hindi ang pera niya! Bwisit!” He cursed and shouted at the top of his lungs.
I bit my lower lip under what was covering me. Natatakot na ako. I was alone with this crazy monster. I need to get out of here.
“And you...” Bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang mga yabag niya papalapit sa akin.
Mariin akong napapikit. Wala naman akong ibang magagawa, kaysa malaman niyang gising na ako. Baka kung ano pa ang gawin niya sa akin.
Nagulat ako at muling napamulat nang bigla niya akong hinawakan. Ramdam ko ang gigil sa kamay niyang nakahawak sa baba ko.
“Anim na taon. Anim na taon akong nagtiis para hindi ka mahirapan. Tapos ito ang igaganti mo? Siya rin pala ang pipiliin mo kahit ako 'yong palaging nandito. Wala kayong pinagkaiba ng Tatay kong palaging bukang bibig ay ang lalaking 'yon. Aiko. Aiko. Tanginang Aiko 'yan. Bakit hindi pa siya mamatay?!” Maging ang kan'yang boses ay nanginginig na rin sa sobrang galit.
Mabigat na rin ang pakiramdam ko sa takot na baka kung ano ang gawin niya sa akin. Hindi ko malaman kung iiyak ba ako o sisigaw kahit na alam kong hindi ko magagawa iyon.
Napalunok ako at halos nagpipigil ng hininga. Hindi ko na alam kung hanggang saan ang kayang gawin ni Aki. Hindi na rin siya ang Aki na kilala ko. Halimaw siya.
“Kung hindi pa rin kita makukuha ngayon, baka mas maigi pang patayin ko na lang si Aiko. Tutal siya naman talaga ang puno't dulo nitong lahat.” Marahas niya akong binatawan na halos mabali ang leeg ko.
Unti-unti ko na ring nararamdaman ang hapdi sa may baba ko dahil sa kuko niyang halos bumaon na sa balat ko.
Fuck.
Hindi ko kasalanan na hindi siya paboritong anak. At mas lalong hindi ko kasalanan na inggitero siya kaya hindi niya matanggap na kahit anong gawin niya si Aiko na ang mahal ko. I admit. Galit ako kay Aiko, pero hindi pa rin nawawala ang lintik na pagmamahal ko sa kan'ya.
Kahit na anong mangyari hindi na magbabago ang nararamdaman kong galit at pagkamuhi sa kanilang lahat. Nawala ang anak ko dahil sa kanila. Hinding-hindi ko sila mapapatawad. Once na makaalis ako dito, gagawin ko ang lahat para mapagbayaran nila ang ginawa nila sa amin ng anak ko.
I will make their life more miserable.
Nakahinga na ako ng maluwag nang akala kong nakaalis na siya. I startled when he suddenly removed my blindfold. Nagliwanag ang paningin ko at nakita si Aki na nag-aalab ang tingin sa akin. Tila gusto nang kumawala ng puso ko sa halo-halong kaba at gulat nang makita ang lalaking pinagmulan ng lahat.
Mas natakot pa ako nang biglang umangat ang isang sulok ng labi niya. “I knew you were listening...” He's smirking.
Kaagad akong tumayo kahit pakiramdam ko namumutla na ako sa takot.
Muli akong napaupo nang tinulak niya ako. “Hindi ka pa pwedeng umalis, Natnat ko. Stay with me for a while,” malumanay at mapupungay ang mga mata niyang sabi. Nagpintig ang tenga ko, nandidiri.
Tinanggal ko ang nakatali sa bibig ko at dinuraan siya sa mukha. “I'm not yours. Kaya tigilan mo na ako sa kahibangan mong babalik pa ako sa'yo. Baliw!” Matalim ko siyang tiningan.
Mabilis na nagbago ang ekspresyon niya. Nagulat siya sa ginawa ko at pagkatapos ay iritableng napahilamos.
Ilang saglit lang bumalik din ang atensyon niya sa akin at sinagot ako ng nakakatakot na titig. “Kung hindi ka mapapasakin, hindi ka rin mapapasakan'ya. Walang makikinabang sa'yo habang nabubuhay ako.” He gritted and gripped my chin again.
BINABASA MO ANG
✔ || Midnight Mask
Romance[ El Paradiso Collaboration Series 1 ] WARNING: RATED SPG! Talia, a fond of perfection. Living alone, tons of money, beauty and brain. She's also known as the heartless, fearless, sophisticated, and expensive woman. But her life were full of surpri...
