Chapter 22
Kinabukasan nagtungo ako sa bahay nila Aiko nang hindi niya alam. Mamaya ko na lang sasabihin sa kan'ya pag-uwi ko. Nagpaalam naman ako sa kan'yang may importante akong pupuntahan.
Ilang taon din kami ni Aki, kaya alam ko kung saan sila nakatira. Hindi pa rin sila umaalis sa dati nilang bahay. May mga nabago lang sa exterior at ipang parte ng kanilang bahay. Para pa rin itong bago kung ibang tao ang pupunta dito. Mayaman sila kaya kayang-kaya nilang mag-maintenance ng kanilang bahay once or twice a year pa.
Pumasok na ako sa loob nang walang sumalubong sa akin. Wala masyadong tao sa bahay nila. Siguro dahil Sabado ngayon at naka-day off ang mga kasama nila sa bahay.
Nabalitaan ko pa na wala rito sa Pilipinas ang mga magulang nila. Siguro ay nasa business trip ang mga ito.
Napangiti ako nang may makasalubong akong matandang babae. Kaagad ko itong nilapitan at nagtanong.
“Good morning po. Nandito po ba si Aki?” tanong ko. Hindi na siya nagulat nang makita ako. I guess she already knows me.
“Nasa itaas po si Sir Akihiro. Tatawagin ko lang po siya. Maupo po muna kayo, Miss Talia.”
She is. But how? Matagal na noong huling beses akong nagpunta rito.
Tumango lang ako at ngumiti. Umupo na ako nang magtungo na siya sa itaas para tawagin si Aki.
Nilibot ko ang aking mga mata at nakitang marami rin ang nagbago sa interior design ng kanilang bahay. Ang kulay, gamit sa bahay, at ang mga portrait na wala rito noon.
“What are you doing here?”
Nag-angat agad ako ng tingin nang marinig ang boses ni Aki. Sa tono pa lamang ng pananalita niya alam kong ayaw niya na akong makita. Pero hindi iyon maaari. Marami akong gustong sabihin sa kan'ya. Marami.
Tumayo ako para pantayan ang mga titig niya sa akin. Halos ayaw ko na rin siyang tingnan dahil sa mga tingin niyang tila itinatakwil ako.
Masakit makita na galit sa akin ang nag-iisang tao na pinagkatiwalaan ko at palaging nandiyan para sa akin. Mahal ko siya pero hindi na katulad ng dati. I love him pero bilang kaibigan na lang kaya sobrang nasasaktan ako.
Alam kong nasaktan ko rin siya kaya nga nandito ako para makausap siya.
“How are you?” Pilit akong ngumiti sa harapan niya kahit ang hirap na makita siyang nagkakagan'yan.
Sarkastiko siyang lang siyang ngumiti bago nagtungo sa sofa na nasa harap ko. Umupo siya doon nang hindi nagbabago ang tingin sa akin.
Nagda-dalawang isip pa akong umupo. Kulang na lang lumabas sa bibig niyang umalis na ako. Hindi ako pumunta dito kung wala akong lakas ng loob na humarap sa kan'ya. At dahil buo na ang loob ko, wala nang makakapigil sa akin.
I sat down without his permission. I was about to talk to him again when he suddenly chuckled. Sarcastically.
“What do you need?” tanong niya. Diretso lang siyang nakatingin sa akin. His eyes were full of anger and hatred.
Hindi ako umiwas nang tingin. Nakipagtitigan ako sa kan'ya. “Ikaw. Gusto kitang makausap.”
“Why don't you just text me. Importante ba 'yan para puntahan mo pa ako dito sa bahay? Nagpaalam ka ba sa lalaking 'yon bago ka nagpunta dito? Baka sumugod 'yon dito at ako na naman—”
“Listen. I'm not here para sa bagay na 'yan. Nandito ako para sabihing buntis ako at ikakasal na kami ni Aiko.” Hindi na ako nagdalawang isip na sabihin ang nais ko sa kan'ya. Wala namang mawawala kung sasabihin ko na sa kan'ya ang totoo.
BINABASA MO ANG
✔ || Midnight Mask
Romance[ El Paradiso Collaboration Series 1 ] WARNING: RATED SPG! Talia, a fond of perfection. Living alone, tons of money, beauty and brain. She's also known as the heartless, fearless, sophisticated, and expensive woman. But her life were full of surpri...
