WAKAS (PART III)

19.5K 221 45
                                        


Wakas continuation...


Aside sa construction company na binigay sa akin ni Daddy, I also owned a five star restaurant na binili ko noong malapit na itong ma-bankrupt. Lumapit sa akin ang may-ari, Tatay ni Hans, para tulungan sila. I helped them hindi dahil kaibigan ko ang anak nila kun'di dahil gusto ko.

Dalawang taon ko pa lang itong hinahawakan pero nakuha ko na agad ang panlasa ng mga nakasanayan ng mga costumers ng restaurant. Mayroon namang mga chef na matagal na rin ditong nagtatrabaho. Nagpaturo lang ako sa kanila dahil alam kong paborito ni Talia ang mga pagkain dito.

Maliban kay Talia, first love ko rin ang pagluluto. Noong nasa probinsya pa ako nahasa ang cooking skill ko dahil palaging busy si Nanay at ako ang pinagluluto niya. Kaya sa murang edad natuto na akong humawak ng kutsilyo at magbukas ng kalan.

Isang beses na bumisita ako sa restaurant nakita ko si Aki. Hanggang ngayon hindi niya alam na nabili ko ang lugar na ito, at wala akong balak na sabihin iyon sa kan'ya. He's a loyal costumer. Palagi ko siyang nakikita rito. Ayoko namang madamay ang mga taong binubuhay nitong restaurant dahil lang sa alitan naming dalawa.

Bihira lang naman akong magpunta rito kaya wala kaming magiging problema na dalawa.

Papasok na dapat ako sa kitchen nang namataan ko si Talia. She's alone but I noticed the table and chair in front of her. She's with someone.

Pupuntahan ko na dapat si Talia para tanungin nang naalala ko si Aki. I guess, they're having lunch together.

“Eve?” I acted like I was surprised to see her. I actually am, earlier.

Sorry, Aki. You want this? I'll give you this.

Napalingon siya agad sa akin, gulat at nagtataka. I can't wait to confirm that they're together. Kaya bago pa siya makapagsalita tinanong ko na siya.

“Are you Aki's date?”

She just nodded like there's nothing wrong between us. “We're having lunch, wanna join us?” anyaya pa niya.

I shook my head. “No thanks, but I don't share.” I hissed and grabbed her arm.

Pagkatapos kong gawin lahat hindi na ako papayag na babalik lang siya kay Aki. He's a monster. And I will do anything to protect her.

I gently pulled her, and to my surprise she followed me. She even took her bag before we left the restaurant.

“Saan mo ako dadalhin?” tanong niya habang sumusunod naman sa akin. “Si Aki, maghahanap 'yon.” She's obviously worried but I don't care.

Kung may plano silang saktan si Talia, hindi ako magdadalawang isip na gamitin lahat ng yaman ko mapahirapan lang sila. I know what I'm doing. Masasaktan ko si Talia kapag nalaman niya ang totoo, ngunit hanggang doon na lang iyon. I still want her to be mine. I just need to protect her from them, sa lahat ng gustong manira sa kan'ya.

I always have a plan.

“Well, too bad, I already got you.” Huminto ako. Nanlaki ang mata ko sa nagulat nang naramdaman ko ang katawan ni Talia na bumangga sa akin.

Napangiti ako.

Noon halos hindi ako makalapit sa kan'ya, tinitingnan ko lamang siya mula sa malayo. Pero ngayon nasa likod ko lang siya nakasunod sa akin.

Like I said... everything will be all worth it.

Bago pa ako makita ni Talia na kinikilig pinakalma ko na ang sarili ko at binalik kay Aki ang topic. “Mahirap kasi kay Aki, hindi marunong lumugar kaya nasasaktan.”

✔ || Midnight Mask Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon