Panimula
"Renier, we have to end this toxic relationship. Masyado ka ng boring bilang karelasyon ko. I want something new, something that makes me challenge. Kaya gusto kong maghiwalay na tayo." maarte kong sabi sa kaharap na lalaki.
Renier Ranay looking at me with seriousness in his eyes. Siguro'y hindi sanay na marinig ito, o masyado ng gasgas para paniwalaan pa. Siguro may nagsabi sa kanya na ganito ako sa mga lalaking nagiging karelasyon, hinihiwalayan kapag ayaw na.
Well, this is my hobby. If I found relationship were boring, hinihiwalayan ko na. I don't want to stick to that person, kung ayaw ko na, kung wala na akong nararamdaman sa kanya. And I didn't fall in love. It is not my forte. Ayokong mahulog, ayokong magmahal, ayokong masaktan sa mga lalaki. As long as possible, ako ang mananakit kasi iyon naman ang hilig ko.
Itong si Renier, siguro nasa panghuli ko siyang lalaki na hinayaan na maging boyfriend ko. Hindi ko mabilang, masyadong marami para isipin pa. Tsaka wala akong panahon para isipin pa sila. Ang past ay nakaraan, kaya hindi na dapat pang alalahanin at pag-aksayahan ng oras.
"Really, Conciandra?" he said sarcastically.
Tumango ako habang nakangisi, making him feel that I am really serious. That I am serious breaking up with him. Kasi boring na siya bilang boyfriend ko. Tsaka wala na akong gusto sa kanya. Gusto kong ma-challenge ngayon, gusto kong makahanap ng bagong lalaki na magbibigay challenge sa akin. Yung hindi mayaman, tsaka kakaiba.
"Hindi ba ako seryoso sa paningin mo, Renier? I want a break up. Sawa na ako sa mga text mong hindi naman nagpapakilig sa akin. Sawa na ako sa tawag mong hindi naman ako natutuwa. In short, walang saysay ang pagri-relasyon natin." walang alinlangang kong sabi.
Bumuntonghininga siya at lumamig ang anyo ng mukha. Umatras siya palayo sa akin, para bang ang dumi kong babae habang lumalayo siya. I smirked.
"Okay fine. Let's break up. Wala ka rin namang saysay na babae. Walang boobs, hindi magaling humalik, tsaka feel kong hindi ka magaling tumira sa kama." walang preno niya ring sabi.
Nagngingitngit ako sa kanya. Anak ng tipaklong siya! Anong karapatan niyang sabihin sa akin iyon huh! Hampaslupa siya!
"Tapos hindi ka rin naman sexy, at mas mataas pa ako sayo. In short, pandak ka! So fine, let's break up." dagdag niya pa.
Fuck this man! How dare him saying that to me! Ang kapal ng mukha niya! Lumapit ako sabay sampal sa kanyang mukha. Namula ang pisnge niya, dulot iyon ng panggigigil ko.
"Hindi ka naman daks e! For your information, jutay ka lang!" pang-i-insulto ko pabalik sa kanya.
Mabilis akong tumalikod at lumakad paalis. Iniwan ang lalaking wala namang kwenta. Nakataas ang kilay ko, galit na galit sa kanya. He's a big fuck boy! Walang kwenta! Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa university namin. First year college na ako, and I am taking Fashion Designer. My cousin, Braze Costiño is the president of their company. Mabuti nalang at hindi maarte ang asawa niya, kundi baka inaway ko talaga.
I smiled sweetly while walking sophisticatedly. Ang mga istudyante ay nagtitinginan sa akin, siguro'y manghang-mangha sa kagandahan ko. Syempre, pinaghalong Costiño at Ricote ang lahi ko. I got the beauty from my mother, and height from my father. But my attitude, it goes to my mom. Pareho kaming maarte, nakukuha ang mga gusto ko, at syempre, paborito sa pamilya. My brother, Conrado still at lower class.
Habang naglalakad, hindi ko mapigilan na ngumiti dahil ramdam na ramdam ko talaga ang mga tingin sa akin ng mga istudyante. At syempre, habang palapit sa room niya, hindi mapigilan ng puso kong maghuramentado. Deep breath, Conciandra! Hindi ka dapat nagpapa-apekto sa lalaking iyon.
BINABASA MO ANG
Almuevo Series 1: Started With You (HANDSOMELY COMPLETED)
RomanceConciandra Ricote is known for being a classy and radiant girl. Kung ano ang gusto niya ay nakukuha. Spoiled by her parents and cousins, ginagawa niya ang mga bagay na gusto niya. Ngunit may isang gusto siya na hindi makuha dahil alam nito ang ugali...