Kabanata 11
Plan
Siguradong sigurado ako sa kanya kung kaya't binigay ko ang sarili. Nagtitiwala ako kasi alam ko at nararamdaman kong hindi niya ako bibiguin. Alam kong hindi niya ako sasaktan kasi nararamdaman kong meron na akong puwang sa puso niya. Meron na akong lugar sa puso niya, at iyon ang pinanghahawakan ko ngayon. Iyon ang alam ko sa sarili, hindi niya ako lolokohin at sasakyan.
Bitbit ang ngiti sa labi habang naglalakad papunta sa kanyang office, lunes ngayon at alam kong nasa opisina siya. Tapos na ang party days para sa mga students kaya balik na kami sa reyalidad kung saan finals ang haharapin. Balik na kami sa reyalidad kung saan kailangan naming harapin ang mga major subjects. Napahinga ako habang naglalakad, sobrang tahimik ngayon at malamig ang simoy ng hangin.
Kahit nasa alas-dyes na ang oras, malamig pa rin at ang mga istudyante ay nakasuot ng makapal na jacket upang hindi sila lamigin. Wala akong panglaban sa lamig, hinayaan kong maramdaman iyon dahil nakalimutan kong magdala kanina. Pagkatapos ng gabing pagsasama namin, naramdaman ko ang kakaibang tibok ng puso para sa kanya. Sabado ng umaga ako umuwi at nagpasundo kay Papa, at alam kong sobrang nag-alala siya sa akin dahil hindi manlang ako nagpaalam.
Masakit sa bandang ibaba kasi birhen pa ako ng makuha niya 'yon. Ang dalawang araw na iyon ay nagsilbing pahinga ko upang mawala ang sakit na nararamdaman sa katawan. At ngayon, medyo okay naman na ako. Kailangan ko lang ipakita sa mga tao na wala akong nararamdaman na masakit. Na okay lang kasi baka makahalata sila at magduda sa akin.
I smiled softly. Pumasok ako sa entrance ng office ngunit tumigil ng magsalita si Lucia. Napahinga ako ng malalim bago bumaling sa babaeng ito.
"Mr. President is busy, Conciandra. May kausap siya sa loob ngayon." malamig niyang sabi.
Kumunot ang noo ko. Sino naman ang kausap niya? Importanteng panauhin ba iyon?
"Sino ba?" tanong ko.
She sighed heavily. Tumayo siya mula sa upuan at tumingin sa akin.
"It's his ex-lover, Ciandra. Her name is Ariella, third year college. Ang balita ko kung bakit sila nag-uusap ay gusto ng babae na makipagbalikan kay Tajik." Lucia said sadly.
Natigilan ako at napalunok. Kumunot ang noo ko habang umiling-iling. Hindi naman siguro two timer si Tajik upang gawin niya 'to sa amin? Hindi niya naman siguro ako lolokohin? Pero ano 'tong pinagsasabi ni Lucia? Ayokong maniwala kasi baka nagsisinungaling lang siya pero naisip kong whole day siyang nandito at nakikita niya ang nangyayari sa loob ng office.
"First year sila ng maging magkasintahan, naghiwalay noong second year dahil kay Laurien. Siya ang dahilan kung naghiwalay ang dalawa, at ngayon nagbabalik si Ariella dahil mahal niya pa rin si Mr. President." she added.
I swallow hard. Napahinga ako ng malalim habang iniisip ang mga sinabi niya. Paano kung totoo nga 'yon? Paano kung nagsasabi ng totoo ang babaeng ito? Paano kung sila nga at gustong bumalik ng babae sa kanya? Ano ang laban ko sa ex-girlfriend niya? Saan ako lulugar? Ano ang gagawin ko? Lucia has the point! She's working here. She knows everything because she stay here all day. At maaaring tama nga siya. Pinakita niya sa akin ang mga larawan nila sa cellphone.
"This one is during the first year, kuha 'yan ng mga students na gustong-gusto sila bilang couple. The second one, kuha ang litrato nung Valentine's day and some events na nangyari dito. For us, they are a perfect couple. Parehong may utak, mataas ang pangarap, magaling sa klase, may mga itsura. Kaya sila ang loveteam ng campus." she elaborate while showing me some of the pictures.
Lunok ako ng lunok habang nanghihinang tumingin sa mga pictures. She's right, the pictures show sweetness, love, passion and all. Kitang-kita ko ang pagmamahal ni Tajik base sa pinapakita niyang reaksyon sa babae. At sobrang sakit lang na nakita ko 'to. I wasn't here that time. Senior high palang ako at hindi ko pa sila kilala. Pero sobrang sakit lang isipin na nangyari ito sa kanila. Nakakaselos kasi nangyari 'to.
BINABASA MO ANG
Almuevo Series 1: Started With You (HANDSOMELY COMPLETED)
RomanceConciandra Ricote is known for being a classy and radiant girl. Kung ano ang gusto niya ay nakukuha. Spoiled by her parents and cousins, ginagawa niya ang mga bagay na gusto niya. Ngunit may isang gusto siya na hindi makuha dahil alam nito ang ugali...