Kabanata 8
Hope
Sumigaw ako at nagmamadaling lumapit sa kanya. Natakot ako sa dugong nasa kamay niya kaya ng makita iyon ay mabilis akong natauhan. Hinawakan ko siya sa braso at pinilit na itayo kahit nahihirapan ako. Maraming istudyante ang nanonood sa amin at wala manlang umawat ni isa! Nang maitayo ko siya, mabilis kong niyakap ang katawan niya upang hindi na sumugod kay Renier.
Ramdam na ramdam ko ang katigasan ng katawan niya, hindi ko siya binitawan kasi alam kong babalikan niya ang kawawang si Renier. Hingal na hingal pa siya at igting na igting ang panga. Natakot talaga ako, lalo pa't president siya ng SSC at baka maka-apekto ito sa kanya. Nang tinignan ko ang nabugbog, maraming dugo ang nasa mukha niya at pakiramdam ko'y bugbog sarado talaga siya.
"You fucking asshole!" he said fuming mad.
Hindi ko pa rin siya binibitawan kahit alam kong hindi na siya lalapit. Hindi ko pa rin siya bibitawan kasi natatakot ako para sa kanya. Nung makita ko kung gaano niyang pagsusuntukin si Renier, para siyang papatay ng tao. Natakot ako kasi sobrang dilim ng mukha niya at handa siyang gawin ang mga iyon. It's my first time seeing him in rage. Nakakamangha pero may takot at kabang nararamdaman.
Dumating ang guidance counselor na malamig ang tingin kay Tajik. Napalunok ako at kinain ng matinding kaba. Tumingin ang matanda kay Renier at napailing-iling. Dumating ang medic upang kunin ang nakahandusay.
"Come to my office now." the counselor said coldly.
Tumango si Tajik. Tumalikod ang matanda ngunit hindi ko pa rin siya binibitawan. He sighed heavily.
"I won't let you go." mahina kong sabi sa kanyang likod.
Narinig ko ang buntong-hininga niya. Wala na ang mga istudyante kaya kaming dalawa nalang ang nandito. Ang iba ay bumalik sa pagkain lalo pa't naistorbo sila kanina.
"I will talk to him." in his cold voice.
Umiling-iling ako.
"No, Taj!" I tried to soft my tone.
"Ciandra, I need to face it. We will just talk and then after that, we will go home." he explain.
Niyakap ko pa rin ng mahigpit ang baywang niya. Hindi ko talaga siya hahayaan na pumunta doon. Gusto kong sumama at malaman ang gagawin sa kanya. Gusto kong malaman ang ipapataw na parusa sa kanya. Kung makaka-apekto ba 'to sa pag-aaral niya o hindi, o baka i-ban siya sa campus.
"Taj…" I said softly.
"Wait me outside the room." iyon ang kanyang sinabi kaya pumayag ako.
Ayaw niyang hawakan ko ang kamay niya dahil may dugo pa, kaya sa uniform niya nalang ako kumapit. May mga istudyanteng nagiging marites ngunit wala na akong pakialam. Pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat ng ito. Pakiramdam ko nang dahil sa akin kaya nagawa 'yon ni Tajik. At ngayon papunta kami sa guidance counselor dahil sa akin.
Huminto kami sa tapat ng pinto, tinignan ko siya sa mga mata. Pagod ang mukha kaya kinain ako ng hiya. Kung hindi dahil sa akin, hindi sana siya pupunta dito ngayon. Kung hindi nalang sana ako lumabas ng office niya, hindi sana aabot sa ganito! Ang laki kong sakit sa ulo kasi kahit ngayon nakakagawa pa rin ako ng mga bagay na makakapahamak sa taong nakapaligid sa akin.
"I want to come inside, Taj." marahan kong sabi.
Umiling siya at huminga ng malalim.
"No. Prepare yourself, we will talk on my boarding house." malamig niyang boses.
Natigilan ako at kinabahan. Wala akong nagawa kundi hayaan siyang pumasok sa loob ng opisina. Napatunganga ako sa labas at kabadong-kabado. Oh my goodness! First time kong kabahan ng ganito, yung tipong parang nakapatay ako ng tao at papatawan ng malaking parusa.
BINABASA MO ANG
Almuevo Series 1: Started With You (HANDSOMELY COMPLETED)
RomanceConciandra Ricote is known for being a classy and radiant girl. Kung ano ang gusto niya ay nakukuha. Spoiled by her parents and cousins, ginagawa niya ang mga bagay na gusto niya. Ngunit may isang gusto siya na hindi makuha dahil alam nito ang ugali...