Kabanata 10

3.1K 96 3
                                    

Kabanata 10

Nagtitiwala

"Ang baboy mo, Brazier!" inis na sabi ni Vizier.

Tumawa ang siraulo kong pinsan at tumalikod sa amin. Lintek talaga ang lalaking 'yon! Akala ko kung ano nang nangyari sa kanya! Iyon lang pala ang problema niya! Walanghiya! Nagising tuloy ako ng wala sa oras! Mabilis na pumasok sa isip ko si Tajik kaya pumunta ako sa tapat ng kwarto niya at kumatok. Walang may sumagot kaya nagtaka na ako. I knock again, for the third time ngunit walang may sumagot pa rin.

I open it forcedly. Kumunot ang noo ko ng makita na malinis ang kama, walang bahid ni Tajik na hinigaan. Nasaan siya? Pumasok ako at hinanap siya sa buong kwarto. Wala sa banyo, wala sa kahit saan ng kwarto. Where is he? Kinabahan ako at mabilis na lumabas ng kwarto upang hanapin si Papa. Nakita ko siya sa garden, magkaharap ni Mama habang nagka-kape. Lumapit ako at mabilis na nagtanong.

"Pa, where's Tajik?" tanong ko, batid ang pag-aalala sa boses.

Bumaling sa akin si Papa habang casual ang reaksyon. Ngumuso siya bago sumagot.

"Umuwi na, hija. Maaga daw kasi siya sa campus niyo." he said.

Napahinga ako ng malalim bago tumango. Hays, bakit hindi niya manlang ako ginising! Bakit umalis siya na hindi ako kasama? Nakakainis naman ang lalaking 'yon! Sabay kaming pumunta dito kaya dapat sabay kaming umalis! Anong ginawa niya! Oh my goodness! 

Tumalikod ako na mabigat ang nararamdaman. Gusto ko siyang tawagan kaya nang makapasok sa kwarto, hinanap ko ang cellphone at mabilis na tinawagan ang kanyang number. Napahinga ako at naiinis! He didn't answer my call. Kinain na naman ako ng kaba kaya muli kong tinawagan ang kanyang number ngunit ganoon pa rin. Oh my gosh! What is happening? 

Kinagat ko ang ibabang labi habang galit na tinignan ang screen ng cellphone. Ano bang ginagawa niya? Bakit ganito siya? Nakapatay ba ang kanyang phone? Did he silence it? Ano bang nangyayari? Oh my goodness! Umiling-iling ako at mabilis na naligo upang umalis. Nang matapos ang ilang minuto na pag-aayos, pinilit ko si Conrado na ihatid ako sa campus, mabuti nalang at pumayag siya.

Nanginginig ang puso ko habang hindi mapalagay sa upuan. Tahimik si Conrado habang nagmamaneho kaya hindi nalang ako nagsalita. Tinignan ko ang cellphone, wala manlang siyang feedback sa tawag ko! Ano, basta-basta nalang siya aalis na hindi ako sinasabihan! Calm down, Conciandra! Dapat hindi ka mag-isip ng mga negatibong bagay. Kailangan niya ding pumasok ng maaga kasi anniversary ng university kaya kailangan nandoon siya. 

I swallow hard. After minutes of traveling, nakarating kami sa harap ng entrance. Hinarap ko si Conrado, nakanguso siya habang umiling-iling sa akin.

"You wake me just so I can drive you here. I didn't even take my breakfast." reklamo niya.

Mabilis akong kumuha ng pera sa bag at binigay sa kanya.

"Kumain ka muna sa fast food restaurant bago umuwi." sabi ko at mabilis na lumabas ng kotse.

Hindi ko na siya nilingon habang nagpapasalamat sa akin. Pumasok ako sa entrance at napahinga ng malalim. Tinignan ko ang building ng department kung nasaan ang office nila. Siya ang pupuntahan ko ngayon dahil gusto ko siyang makita. Kaya walang alinlangan akong dumiretso doon. Kahit kabado, hindi ko 'yon inalintana. Ang importante, makita ko siya at makausap manlang. 

Nang nasa bungad na ako ng office nila, hinarangan agad ako ni Lucia. Dumilim ang paningin ko sa kanya. Nandito na naman ang papansin 'to!

"Sorry but Mr. President is not available at this time." she said bitchly.

Kumuyom ang palad ko. 

"I need to talk to him!" mariin kong sabi.

She smirked.

Almuevo Series 1: Started With You (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon