Kabanata 7

2.7K 86 5
                                    

Kabanata 7

Galit


"Before the finals, the university will a celebration for the anniversary of the school. It means, there will no class for the whole week. It's for recreational activity." anunsyo ni Tajik.

Tinignan ko siya habang nasa stage, pormal na pormal at poging-pogi sa kayang uniform. Lunes ngayon at gaya ng sinabi ko kahapon, bumili ako ng regalo para sa kanya. Hindi ko mapigilan na mapangiti habang iniisip ang nabiling regalo. Siguro tatawagin ng iba na isang cheap ang regalo ko pero iyon ang gustong-gusto kong ibigay sa kanya. Simple lang siya pero may effort na ibinigay ako do'n.

Katabi ko si Sadam, katatapos palang ng flag ceremony kaya nag-announce siya tungkol sa anniversary ng campus. Tinignan ko ang program na binigay ng SSC sa amin. Umalis na siya sa stage at hindi ko alam kung saan pumunta. Siguro tinawag ng isang professor. Napahinga ako sa flow ng program.

Ngayong araw ang welcome sa anniversary ng university, free lahat ang mga students. Sa second day, magkakaroon ng competition para sa school band. Sa third day, may guest na artista. Sa fourth day ay may live concert at isang sikat na banda ang invited. At sa huling araw ng anniversary, magkakaroon ng masquerade ball kung saan lahat ng mga students sa iba't-ibang department ay magsasama sa isang hall. 

Ngumiti ako kasi alam kong masaya ito. Alam kong memorable ang event na 'to kaya ibibigay ko ang lahat upang mas lalong maging masaya. Kahit nalulungkot ako sa napag-usapan namin nila Papa kagabi, gusto kong sumaya ngayon kasi wala akong magawa kundi pumayag. Wala akong magawa kundi sumama. Meron akong isang pag-asa at kung gagawin 'yon ni Tajik, siguradong hindi ako makakasama sa ibang bansa. 

Alam kong sobrang nakakatawa ang ideyang pumasok sa isip ko pero umaasa akong magagawa niya 'yon para sa akin. Umaasa akong gagawin niya 'yon upang hindi ako makasama sa pag-alis. Hindi pa ako handang umalis, marami pa akong gustong gawin dito. I want more experience with him. I want to experience how he love. At kung matutuloy ako sa ibang bansa, hindi ko na 'yon mararanasan pa. Kaya sa naisip kong paraan, imposible man pero nangangarap akong gagawin niya.

Bumuntonghininga ako at tinago ang program sa bag. Tinignan ko si Sadam, busy siya sa pakikipag-usap sa kapwa mag-aaral. Umiwas ako ng tingin at umalis nalang kasi ayokong maistorbo sila. Umalis ako sa dagat ng mga istudyante at tumayo sa gilid ng hallway. Napahinga ako at sobrang lungkot ng nararamdaman ko ngayon. Nagmu-mukha akong tanga kung tatawa ako ngayon at sasabihing okay lang pero hindi naman. 

Kasi ang totoo, malungkot ako. Nalulungkot ako sa desisyong ginawa ni Papa para sa pamilya namin. Nalulungkot ako kasi iyon ang naging pag-asa nila upang hindi kami maghirap. Sa dami ng branch ng mga hotel ng CVHC, bakit sa ibang bansa pa ang binigay kay Mama at Papa? Pwede namang branch dito huh. Gusto kong sumugod ngayon sa mansion at magalit ngunit wala naman akong magagawa kasi sila pa rin naman ang tama e. 

Kami na ngalang ang binibigyan ng opportunity para sa pamilya namin, kami pa ang maarte. Pero bakit kasi sa ibang bansa pa? Bakit sa States pa? Ang daming business dito at bakit kailangan pa naming sumama? Bakit kailangan pa naming madamay sa pag-alis? Gosh, we can live independently now! Conrado is fine with me! We can live together even my parent are not around! Ayoko talagang sumama papuntang ibang bansa. 

"Hey?" napukaw ako sa marahan niyang boses.

I sighed heavily. Tinignan ko siya at nginitian. He smiled too. May mga istudyanteng nanonood sa amin ngunit balewala lang sa kanya. Bumuntonghininga ako at naisip na ibigay ang regalo sa may fishpond area. 

"Punta tayo sa may fishpond? I have something to give you." I said softly.

Ngumuso siya pero tumango naman kaya naglakad ako at sumunod siya. Simula nung naghalikan kami kahapon, hindi niya ako tinantanan ng tawag kagabi. Kahit sobrang lungkot ko, sumagot pa rin ako sa kanya. Kaya kahit papaano'y nawala ng kaunti ang lungkot sa puso ko. Huminga ako ng malalim at huminto sa harap ng fishpond, medyo tago sa mga istudyante kaya panatag ako. 

Almuevo Series 1: Started With You (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon