Kabanata 4

2.9K 96 6
                                    

Kabanata 4

Damn


Pagkatapos ng tagpong iyon sa library, lumabas ako upang bumalik sa klase para sa panghapong subject. Hindi na rin ako nakakain kasi naubos ang oras kaya nang dumating ang alas-tres, nakaramdam ako ng matinding gutom. Lunok ako ng lunok kasi kanina pa sumisigaw ang tiyan ko sa gutom. Huminga ako ng malalim bago lumabas ng classroom. Tapos na ang pasok at uwian na. Nanghihina na rin ang tuhod ko kaya napasandal muna ako sa pader ng university. I wiped my sweat while hugging my stomach. 

Gosh, if I know I will be like this, I'll definitely eat my lunch! Kapabayaan mo na naman, Ciandra! You should think your health also! Umiling ako at pinikit ang mga mata. I swallow hard, walang tigil sa pagtulo ang pawis ko. I try to compose myself again, pero sadyang nanghihina na talaga ako. Malayo pa naman ang village namin dito. I am in town, samantalang ilang oras pa ang biyahe bago makauwi sa bahay!

Tinignan ko ang paligid, maraming sasakyan ang dumadaan at ang usok na galing sa mga kotse ay mas lalong nagbibigay sakit sa ulo ko. Goodness, what is happening to me? Why I'm feeling this? Dahil ba 'to sa gutom? Dahil sa nalipasan ako ng pagkain? I shook my head while trying to make myself better. Pilit kong kinukuha ang cellphone sa bag ngunit nahihirapan ako at sumasakit na ang tiyan ko. 

Napatingin ako sa gate ng campus, napalunok ng makitang lumabas doon si Tajik. Seryoso ang kanyang mukha habang yakap ang isang makapal na libro. Mabilis akong tumayo ng tuwid at pilit inaayos ang sarili. Nang bumaling siya sa banda ko, mabilis kong iniwas ang tingin sa kanya. Huminga ako ng malalim bago lumunok ng maraming beses. Gosh, mauubos pa yata ang laway ko kakalunok! 

Ramdam na ramdam ko ang malalim niyang titig sa akin. I shrugged my shoulder and compose myself to make me feel better pero sadyang madaya ang tiyan at mas lalo siyang sumakit. Tumalikod ako at pinahid ang pawis sa noo. Narinig ko ang yapak niya sa likod ko kaya lumakad ako ngunit napakagat-labi dahil sa pagkirot ng tiyan ko. Mabilis kong naramdaman ang presensya niya sa likod ko. I stop walking and prepare for myself.

"Anong problema?" seryoso niyang tanong.

Umiling ako at ngumisi ng hilaw habang bumaling sa kanya.

"Ah? Hehe w-wala naman." nanginginig ang boses ko.

Kumunot ang noo niya at pumantay ang kilay. Sobrang fresh niya pa ring tignan kaya kahit masakit ang nararamdaman ko ngayon, namamangha pa rin ako sa kanya. Tinignan niya ang kamay kong nakahawak sa tiyan, ngumuso siya at bumuntonghininga.

"You didn't eat your lunch?" he probed.

I swallow.

"Ah…hehe," hindi ko na alam ang sasabihin.

Tumingin siya sa kalsada at mabilis na pinara ang isang tricycle. Kumunot ang noo ko at nagtaka sa kanyang ginawa. Huminto ang pinara niya at humarap siya sa akin.

"Let's go. May pagkain ako sa boarding house, doon ka kumain." he said seriously.

Napalunok ako at kahit nahihiya, walang nagawa kundi sumakay sa tricycle kasi hinawakan niya ang palapulsuhan ko. Nauna ako sa upuan samantalang nasa may pintuan siya. Medyo kumalma naman ang sakit sa tiyan ko kaya kahit papaano'y nawala ang pawis sa katawan. Nakita kong kumuha siya ng twenty pesos sa bag at inabot sa driver.

"Dalawa manong, sa quarry po." he said to the driver.

Tumango naman ito at tinanggap ang pamasahe. Nahiya ako kasi bakit siya ang nagbayad para sa akin? I can pay for my fare. 

"M--may pera naman ako." mahina kong sabi sa kanya.

Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo, siguro'y naapakan ko ang kanyang pride. I swallow hard.

Almuevo Series 1: Started With You (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon