Kabanata 14
Muntikan
Gusto kong matawa sa gagong pinsan ko dahil sa hindi niya pagsasabi sa akin ang tunay na pangalan ng Engineer na tinutukoy niya. Gusto ko siyang sugurin ngayon at pagsabihan ng masasama kasi hindi pa ako handa na makaharap siya. Hindi pa ako na makita siya ngayon. This is very awkward! Napalunok ako at umiwas ng tingin sa kanya. Baka naman nagkakamali lang ako? Baka hindi siya ang sinasabi ni Braze!
Inabot ko ang juice at uminom dahil sa hindi malamang nararamdaman. Calm down, Conciandra! Baka hindi naman talaga siya papunta sa akin. O baka, ibang lamesa ang tungo niya. Imposible naman na dito siya sa akin gayong hindi naman siguro siya ang tinutukoy ni Braze na engineer. Huminga ako ng sobrang lalim bago inayos ang sarili sa inuupuan.
Seryoso ang mukha niya, gaya ng description ko sa kanya ng papasok kanina, ganoon pa rin 'yon. Tumingin siya sa paligid at parang may hinahanap. Nang tumapat sa akin ang mga mata niya, nakita ko ang pagbuntong-hininga niya. I make my face serious, tinutok ko ang mata sa cellphone at mabilis na kinuha upang magtipa ng mensahe kay Braze. Mula sa unahang paningin, nakikita ko ang anino niya na palapit sa lamesa ko. Hinigpitan ko ang paghawak sa cellphone bago siya huminto sa harap ko.
Kung pwede lang mawasak ang cellphone, baka nagawa ko na kasi kuyom na kuyom ang kamay ko. Malalim akong huminga at nag-isip ng pwedeng gawin dahil kinakabahan talaga ako sa totoo lang. Hindi ko alam ang dapat ikilos o sabihin gayong hindi pa ako handa! Yes, hindi ako galit o nagdadamdam sa kanya dahil sa ginawa niya sa akin noon, hindi ako galit o nagmumuhi kasi nasaktan ako, alam kong wala naman siyang kasalanan dahil ako ang umasa. Ako ang lumapit at pilit sumiksik kahit alam kong walang pag-asa, sadyang hindi talaga ako nakapasok sa puso niya kaya sa huli, nasaktan ako.
Hindi ako nagmumuhi, pero hindi rin ako handa na makaharap siya ngayon din. Kahit ilang taon na ang lumipas, hindi ko pa rin kayang harapin ang lalaking ito, dahil sa hiyang nararamdaman ko, sa kaba dahil sa ginawa ko sa kanila noon. Hindi pa 'yon nawawala sa sistema ko, at hanggang ngayon, hindi pa rin ako handa. Pero kailan nga ba ako magiging handa? Kailan ako magiging matapang upang harapin siya? Kailan dadating ang araw na makakaya ko siyang harapin?
Wala akong maisagot dahil kahit ngayon, hindi ko rin alam kung kailan. Pero kung nandito na rin naman siya, at baka siya ang sinasabing engineer ni Braze, then I have no choice but to face it. I had to face him. Ayokong maging bastos at walang respeto kung aalis ako ngayon dahil sa immaturity na nararamdaman ko. It's been 15 years, and I know we both move on from that past. He may a family now. We don't know, so I have to respect him in a good accommodation.
Nilapag ko ang cellphone sa lamesa at inangat ang ulo upang makita siya. He look at me like I'm impossible to be here. I formed a smile, showing him that I'm okay and ready to face him. He look really serious, and maturity present to his face now. I breath heavily.
"Good day, Mr. Almuevo." malamig kong bati.
He nodded. Nilagay niya ang susi yata ng kotse sa lamesa bago umupo ng hindi tinatanggal ang titig sa akin. Bumuntonghininga na naman ako dahil parang nauubusan ako ng hangin sa katawan. Mabilis kong napansin ang pamilyar na kwintas sa kanyang leeg. It was my present to his birthday years ago. And why the heck he still wearing it? I bit my lower lips, to control myself. Hindi siya nagsalita, titig na titig lang siya sa akin kaya nagtataka na ako. May problema ba sa mukha ko? May dumi ba? Umiwas ako ng tingin at pinigilan ang sarili na magsalita dahil nahihiya na ako.
Sana pala sinama ko dito si Donny! Para kapag matapos kami mag-usap, hindi ako mag-drive dahil baka mabunggo lang ako sa panginginig ngayon. Kalma lang, Ciandra! Wag mong ipakita na kinakabahan ka. Be serious. Be cold. The way you treat people abroad, do it here!
BINABASA MO ANG
Almuevo Series 1: Started With You (HANDSOMELY COMPLETED)
RomanceConciandra Ricote is known for being a classy and radiant girl. Kung ano ang gusto niya ay nakukuha. Spoiled by her parents and cousins, ginagawa niya ang mga bagay na gusto niya. Ngunit may isang gusto siya na hindi makuha dahil alam nito ang ugali...