Kabanata 3

2.9K 79 4
                                    

Kabanata 3

Napahinga


Umuwi akong malaki ang ngiti sa labi. Hindi ko mapigilan na maging masaya kasi kahit papaano'y nagkaka-usap kami ng ganoon. Nung una kasi hindi ko talaga siya makausap dahil nagsusungit at ayaw niya. Pero ngayon, nagkaroon na kami ng connection sa isa't-isa. Thanks to my bright idea! Buti nalang at pumunta ako sa kanila! Sobrang worth it!

Binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob ng bahay. Natigilan ako ng bumungad sa akin si Papa, seryoso ang mukha habang titig na titig sa akin. Mabilis akong ngumiti at lumapit sa kanya upang halikan siya sa pisnge. Bumuntonghininga siya.

"Hi, Papa." malambing kong sabi.

Masaya talaga ang mood ko ngayon. Hindi mapipigilan ang nararamdaman kong kasiyahan kaya ayokong masira 'yon ni Papa.

"Saan ka nagpunta, Conciandra?" seryoso niyang sabi.

Ngumiti ako at niyakap siya. Alam kong mawawala ang galit niya kapag naglalambing ako. Nakita kong bumaba si Conrado mula sa itaas na kunot ang noo habang kaharap ang cellphone.

"Don't make me melt, Ciandra. I'm asking you. Where have you been?" pag-uulit ni Papa.

Inis kong binitawan si Papa at ngumuso sa kanya. Sabi ng wag niyang sisirain ang mood ko e! Okay na sana kung hindi lang siya magiging ganito!

"Pa, masaya ako ngayon kaya sana wag mong sirain." I trailed off.

He look at me sternly.

"And why are you happy? Did you meet your boy toys?" akusa niya.

Nanlaki ang mata ko.

"What? No, Pa! Haist, basta don't ask me why nalang please? Nasisira na talaga ang mood ko." inis kong sinabi.

Lumapit siya sa akin upang pagsabihan na naman ako ngunit biglang sumingit si Conrado kaya napabaling siya doon. Perfect timing talaga si bunso!

"Aakyat na ako sa taas, Papa." sabi habang nagmamadaling umalis.

Buti nalang at wala dito si Mama. Pero wala naman akong problema kay Mama kasi suportado siya sa akin. Kung ano ang mga ginagawa ko ay okay lang sa kanya basta hindi ako masasaktan. Basta hindi ako mapapahamak.

Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko at pumasok. Napahinga ako sabay higa sa kama. Muling sumilay ang ngiti sa labi ko habang nakatitig sa kisame. Sobrang saya ko talaga ngayon. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko at para akong lumilitaw sa hangin. Masaya ako kasi naranasan ko kung paano sila magdala ng tao sa lugar nila. Tsaka may mga nalaman akong bagay tungkol sa kanya. Marami akong na-appreciate sa kanila and I will treasure it.

Ngayon naisip kong hindi na dapat ako mag-inarte sa buhay. Dapat maging practical ako at iwasan ang mga bagay na hindi naman importante. Naisip kong kailangan ko ng umiwas sa mga kagamitan na hindi ko naman ginagamit. Kailangan kong maging matipid upang isipin ang mga bagay na mga importante. Kaya simula bukas, hindi na ako bibili ng mga make-up na hindi ko naman ginagamit. Hindi na ako maghahanap ng mga ibang gamit na mahal at nakakabutas ng bulsa. I will not tolerate myself buying stuffs that I will not use in the future.

Umupo ako at tumingin sa salamin. Ang sabi sa akin ni Braze, mas maganda daw ako kapag walang make-up. Mas tumitingkayad ang kagandahan ng isang Costiño kapag walang kulay ang mukha. Kaya naisip ko din na simula bukas, hindi na ako gagamit ng make-up upang mabawasan ang mga binibili ko. Siguro liptint nalang ang gagamitin ko. In that way, it will less my budget.

I sighed heavily. Ngayon ay marami akong natutunan at marami din akong naisip sa buhay. Kung inaayos niya ang pag-aaral para sa pamilya, bakit hindi ko rin gawin 'yon para sa pamilya ko? Bakit hindi ako gumaya sa kanya na mas inuuna ang pamilya kaysa sa mga walang kwentang bagay. Kung gagawin ko 'yon, kung iisipin ko ang pamilya namin, makakatulong ako at mapapagaan ko ang loob ni Papa.

Almuevo Series 1: Started With You (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon