Kabanata 18

3.3K 104 7
                                    

Happy birthday to Julliana Grace Jacobe. I hope your day is happy. Thank you for reading. I wish you a good health and study well. Again, happiest birthday to you.
-----------------------------------

Kabanata 18

Again

Ngumisi ako dahil bagay lang sa akin ang towel na ginamit. Wala akong suot na undergarments, tanging tiwalya lang talaga ang nasa katawan ko kaya kailangan ko din namang mag-ingat sa party. Lalo pa't alam kong may sayawan na mangyayari, kaya siguradong maraming sasayaw at baka matanggalan ako ng takip kapag ibuhos ang sarili sa party. 

Light make-up lang ang gamit ko, nude lipstick ang nasa labi na sobrang bumagay sa akin. Napangisi na naman ako, ang ganda ko talaga! Kahit fifteen years na ang lumipas, maganda pa rin ako. Self compliment is good, at least you are honest with yourself. Hindi ko dinala ang cellphone kaya ng lumabas mula sa kwarto, agad akong nakaramdam ng kaginhawaan. This is very cool. 

Hindi ko na ginising si Tajik. Baka hindi niya gawain ang party-party kaya hindi ko na i-istorbohin pa. May mga nakasalubong akong papunta rin yata sa party, tanging suot lang din ang mga tiwalya. Bakas na bakas ang kasiyahan sa mga mukha nila kaya ganoon din ang naramdaman ko. This is exciting! This is very exciting! Taas noo akong naglakad papunta sa dalampasigan. Rinig na rinig ko ang ingay mula sa party, neon lights na masyadong nagbigay saya sa akin ngayon.

May registration desk kaya huminto ako at pumila sa mga pumapasok. Nang mapunta na sa akin ang linya, nilagyan ng tatak ang palapulsuhan ko. Pagkatapos tumuloy na ako sa loob. Sa katunayan, open naman ang venue kasi tanging puno ng niyog ang nagsisilbing harang sa paligid. Beach party siya ngunit towel ang costume. May lumapit sa akin na waiter at nag-alok ng inumin, kumuha ako ng isa at sumimsim habang nagsisimulang sumayaw. 

Ang kanta ay sobrang nagbibigay ng gana sa mga sumasayaw. Napapasabay na rin ako habang umiinom ng alak. Ilang sandali na pakikipagsayaw, may hose na nagbuhos sa amin ng tubig. Mas lalong umingay dahil sa sigawan ng mga tao. Goodness, this is fantastic! Nabasa ako ngunit hinayaan ko iyon, muli akong sumayaw at sumabay sa mga tao. Nang maubos ko ang isang baso, muli akong kumuha ng isang baso pa ng alak at nagpatuloy sa pagsasayaw. 

Muling nagbuga ng tubig ang hose kaya sumigaw kami. Sobrang saya, para akong nakawala sa hawla. Ilang oras na pagsasayaw, may naramdaman akong mainit na presensya sa likod. Sumasabay rin sa akin sa sayaw. Hinayaan ko 'yon dahil okay lang naman sa akin. Mas lalong lumapit ang katawan ng lalaki sa akin, nararamdaman ko na ang matigas niyang tiyan. Gosh, may abs pa ang isang 'to! 

We continue dancing while the music makes us wild. Umindayog ako sa kanyang katawan, para akong nasa bar at sumasayaw sa stage. Sunod na ginawa ng lalaki ay pumulupot ang kanyang braso sa aking baywang. Nagpapatuloy pa rin kami sa pagsasayaw, init na init na ako sa kanya. This is unbelievable! Ibang lalaki 'to at nabuhay niya ang init ko sa katawan. Dumampi ang labi niya sa leeg ko. Nakiliti na ako dahil sa mainit niyang hininga at sumabay pa ang balbas!

"Stop dancing like this, baby. You make me damn turn on." malambing na sabi ng lalaki.

Pamilyar ang boses at siguradong hindi ako nagkakamali dahil iisang boses lang ang may-ari ng ganoon! At alam kong nasa room namin siya ngayon kaya imposible na nandito siya at sumasayaw sa akin gayong mahimbing ang tulog no'n! Napalunok ako at medyo bumagal ang sayaw dahil nakaramdam ako ng kakaibang kaba. 

"We should stop this." mahina kong sagot.

Balak ko ng lumayo ngunit nakalimutan kong yakap niya ang baywang ko. Hindi ako nakalayo dahil mas lalong dumikit ang katawan namin sa isa't-isa. Shit! Nag-iinit na talaga ako! This is uncomfortable! Hindi ko naman kilala ang lalaking kasayaw tsaka baka mabastos ako dito! 

Almuevo Series 1: Started With You (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon