Kabanata 16
Annoying
Ngumiti ako sa salamin habang pinagmamasdan ang sarili doon. Suot ang pang-summer kong dress, para pa rin akong nasa mababang edad sa itsura. Walang make-up, tanging lipgloss lang ang nasa labi. Talagang gusto kong ganito lang ang porma, para naman hindi na ako mahirapan sa pagtanggal. Isang ngiti pa bago ako umalis sa harapan ng salamin. Inabot ko ang travel bag at magaan ang loob na bumaba sa taas.
In fairness, maganda ang pagkaka-renovate ng bahay. Mas detailed siya ngayon, may mga inibang parts si Conrado. Pero over all, bet ko ang bagong design ngayon. Gusto ko ito. Spacious, nabihisan ng bago dahil sa kapatid ko. Napahinga ako at humalik sa pisnge ni Papa. He's on the sofa, watching a news. Bumaling siya sa akin at kumunot ang noo.
"Where are you going?" he ask.
I smiled.
"Bakasyon lang, Papa. Gusto kong magpahinga na mag-isa lang po." magalang kong sagot.
Tumango-tango siya at wala namang angal. Simula ng maging independent ako at natutong humawak sa sarili kong desisyon, lahat ng kagustuhan kong gawin ay approved sa kanya. Hindi manlang siya natatakot o nangangamba na baka mag-fail ako noon, hinayaan niya akong matuto, lumaki sa sariling desisyon. And that's what I like from my father.
"Mag-iingat ka doon, hija." tanging sabi niya.
I nodded while smiling. Hinalikan ko din si Mama ng lumabas siya mula sa kusina. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakauwi sila Conrado at Alisha. Nasa bakasyon pa rin sila kaya walang ibang maiiwan dito kundi ang mga magulang lang namin. Pagkatapos ng pagpa-paalam, lumabas na ako ng bahay. Off sa trabaho si Donny, binigyan ko ng isang buwan na bakasyon upang makapag-unwind naman.
Nilagay ko ang bag sa compartment bago pumasok sa driver seat. Medyo malayong-malayo ang biyahe ko pero alam kong worth it naman doon. Nararamdaman kong mag-i-enjoy ako doon. Sa mga nakikitang pictures na mula sa islang iyon, siguradong ganoon din ang mararamdaman ko. I can't wait to see the white sand, blue ocean and fresh ambiance of the hotel.
Umalis na ako at napahinga ng malalim. Binilisan ko ng kaunti ang pagpapaandar. Nang makaalis sa village, naging malaya agad ang sasakyan ko. Tinahak ko ang daan papunta sa isla. Bukas ang stereo habang nagbibiyahe. Napapatingin din ako sa mga tanawin na sobrang ganda. Well, ang Pilipinas ay mayaman sa mga puno, kaya para sa akin mas lamang pa rin ang bansang ito kaysa ibang bansa. In States, puro mga buildings na ang naroon. Para na ngang plastic ang lahat. High-tech lahat, pero hindi na fresh ang hangin.
Sa Pilipinas, masarap ang hangin dahil sa mga punong nagbibigay ng sariwang hangin. Nakakadagdag ng magandang tanawin kung kaya't maraming mga turista ang gustong manatili dito dahil sa ambiance ng bansa. Although, minsan humaharap tayo sa matinding init mula sa araw, hindi pa rin mawawala ang mabuting naidudulot nito sa ibang nayon ng bansa. Ngayon, habang pinagmamasdan ko ang mga puno, napapahinga nalang ako sa gaan ng loob.
Well, hindi na rin masama ang pagpilit sa akin ni Conrado na umuwi. At least, I had the chance to see this beautiful yet unwind trees. Napatingin ako sa side mirror, may isang kotse ang nakasunod sa akin. Isang Navarra iyon at siguro bago palang. Nagkibit-balikat nalang ako at hindi na binigyan ng pansin ang sasakyan sa likod. Binilisan ko pa ang pagmamaneho, mabuti nalang at kulang ang dumadaan sa kalsadang ito.
May nakita akong isang convenient store kaya huminto muna ako upang bumili ng makakain. I forget to prepare for sandwich! Dapat nagpagawa nalang ako kay Mama upang may baon ako ngayon. But anyways, bibili nalang ako. Biscuits can do. Bumaba ako at pumasok sa loob. Halos walang tao dahil siguro sa matumal na dumadaan dito. Kumuha ako ng isang pack ng Cream-O at tatlong C2 Apple. Pina-counter ko iyon at binayaran. Nang lumabas sa store, natigilan ako dahil sa kotseng nakaparada sa likod ng sasakyan ko.
BINABASA MO ANG
Almuevo Series 1: Started With You (HANDSOMELY COMPLETED)
RomanceConciandra Ricote is known for being a classy and radiant girl. Kung ano ang gusto niya ay nakukuha. Spoiled by her parents and cousins, ginagawa niya ang mga bagay na gusto niya. Ngunit may isang gusto siya na hindi makuha dahil alam nito ang ugali...