Kabanata 9
Siraulo
Hindi mawala ang ngisi ni Conrado habang nakatingin sa amin. Nasa sasakyan na kami at siya ang nagda-drive. Suot ko na ang damit na dala niya at sa kotse lang ako nagpalit. Lumabas silang dalawa nung pinalitan ko ang damit kaya ngayon, okay na ako. Mabuti nalang at simpleng dress ang kanyang dinala sa akin. It's a blue under knee dress with some petals for the design. I didn't waste my time for make-up.
Nang matapos akong magpalit, tsaka naman sila pumasok kaya ngayon habang nasa biyahe kami, hindi tumitigil sa pagngisi ang kapatid ko. Umirap ako sa kanya at huminga ng malalim.
"Who is he? Your bodyguard?" Tajik said without hesitation.
Mabilis na nawala ang ngisi ng kapatid ko at pumangit ang timpla ng mukha. Nakalimutan kong ipakilala ang kumag na 'to kay Tajik.
"He is my brother, Taj. He is grade twelve now. One year lang naman ang lamang ko sa kanya." I said.
Bumaling ako sa kanya, he nodded while sighing deeply.
"So, you are the man who change my sister huh?" my brother said coolly.
Nanlaki ang mata ko at napalunok. Goodness gracious, Conrado! Ang tabil-tabil ng dila niya talaga! Walang awat kung magsalita!
"Conrado!" I warned.
Ngumisi ang walanghiya kong kapatid. He continue driving while making fun of me. Naramdaman ko ang braso ni Tajik sa baywang ko. Ngumuso ako at umiling-iling. Bumaling ako sa kanya, marahan ang tingin niya sa akin kaya bumuntonghininga ako. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya. Kung okay lang ba sa kanya na sumama sa amin? Hindi ba siya kinakabahan habang nagbibiyahe kami ngayon papunta sa pamilya namin. Siguro hindi dahil sanay siya sa mga ganito.
Ang bilis mawala ng nangyari kanina. Parang mabilis kalimutan ang ginawa niya kaya okay na ngayon sa amin. Hindi rin naman nasira ang imahe niya sa school. Mabuti nalang at ganoon ang kinalabasan. Pero ayoko sa ginawa niya. Ayokong nakikipag-away siya at ayokong nakikita kung paano niya gawin 'yon sa mga nagiging kalaban niya.
Ayoko siyang nakikitang nakikipag-away. Kung maaari lang, gusto ko siyang umiwas sa mga ganoon. Tinignan ko siya, marahan pa rin ang tingin niya sa akin. Napahinga ako at ngumiti.
"Okay ka lang?" tanong ko.
Ngumuso siya at ngumisi sa akin. Hinapit niya ako sa kanya kaya sobrang lapit na ng katawan namin.
"Bakit? Kinakabahan ka ba para sa akin hmm?" marahan niyang boses.
Ngumisi ako at umiling.
"Hindi naman. Baka kasi hindi ka sanay?" mahina kong sabi.
He chuckled softly. Buti nalang at hindi nakikinig si Conrado kaya hindi ako nahihirapan ngayon.
"Honestly, ito ang kauna-unahan kong makipag-kilala sa pamilya ng babae. I'm not really into this but it's because of you, I will." mahaba niyang wika.
Naghuhuramentado na naman ang puso ko sa kanyang sinabi. Sa simpleng mga banat niya, napapakilig talaga ako ng husto.
"Talaga ba? Paano kung masindak ka kay Papa?" hamon ko.
Ngumisi siya at tinignan ako.
"Really, Conciandra? Bakit naman ako masisindak sa Papa mo? May ginawa ba akong masama para magalit siya sa akin?" he said back.
Ngumuso naman ako at umiling-iling. Ang hambog huh! Kahit talaga anong harapin nito walang kinatatakutan e! Kahit si Papa pa yata na magalit sa kanya hindi matatakot.
BINABASA MO ANG
Almuevo Series 1: Started With You (HANDSOMELY COMPLETED)
RomanceConciandra Ricote is known for being a classy and radiant girl. Kung ano ang gusto niya ay nakukuha. Spoiled by her parents and cousins, ginagawa niya ang mga bagay na gusto niya. Ngunit may isang gusto siya na hindi makuha dahil alam nito ang ugali...