Kabanata 6

2.7K 89 7
                                    

Kabanata 6

Believe


Lumabas kami ng simbahan na sabay-sabay. Hawak-hawak ni Tajik ang kamay ko habang naglalakad kami pabalik sa kanilang bahay. Nauuna sila Lola sa amin kaya nagkakaroon kami ng pagkakataon na mag-usap habang naglalakad. 

"Nakinig ka talaga ng maayos kay Father huh." ani habang naglalakad kami.

Bumaling ako sa kanya at ngumiti. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko kaya ang kilig na nararamdaman ay labis. He really knows to melt my heart. Sa mga simpleng ginagawa niya, nagbibigay ng hustong pagtibok ng puso ko. Nakakatuwa lang kasi sa dami ng lalaking lumapit at gusto akong maging nobya, sa kanya ko lang naramdaman ang ganitong excitement, kilig, at kaba. Sa kanya ko lang naramdaman ang kabahan ng matindi kapag magkaharap kami at nakatitig siya sa akin.

Sa dami ng mga lalaki, sa kanya lang ako naging ganito. Kaya masasabi kong siya ang nagpatibok sa pihikan kong puso. Before, I only want flings. I don't do commitment because it's choke me. Kapag ang lalaki na sa tingin nila'y may relasyon kami, hindi ko 'yon nararamdaman. I don't take it seriously because I am not into relationship. Kaya nasasabi ng mga nakakakita sa akin na gahaman ako sa lalaki. 

Hello, I'm just beautiful! Sa tingin ko'y naghahabol sila sa ganda ko. Noon pumapayag ako kasi iyon din naman ang habol ko, pero simula ng matutunan ko ang mga bagay na may essence, doon ko na-realize na dapat ang pakikipag-relasyon ay may kasamang pagmamahal. Na dapat ang relasyon may pag-asa at ligaya. Hindi para sa physical appearance lang. Dapat mahal mo ang taong iyon. Kaya ngayon hindi ko na makita ang dating sarili ko. It change and it makes me happy. 

"May sense naman kasi ang sinasabi ni Father. Interesting kaya tapos tagos sa puso ko." sagot ko habang nakangiti.

He sighed. We continue walking. Tumango siya at hindi na nagsalita. Nang makarating kami sa daanan papunta sa bahay nila, huminto kami sa harap ng kotse ko at tumingin sa kanya. 

"Kukunin ko lang ang cake." I told him.

Ngumuso siya at bumuntonghininga. Binitawan niya ang kamay ko, tinignan ko si Lola, huminto rin sila habang nakatingin sa amin.

"Nay mauna na kayo sa bahay, may kukunin lang kami ni Ciandra." aniya sa Lola.

Ngumiti naman sa akin si Lola Marita bago tumango. 

"Bilisan niyo dahil naghihintay ang pagkain sa bahay." si Lola.

I nodded and smiled at her. Nauna silang umalis kaya naiwan kaming dalawa sa kalsada. Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Umiling-iling ako kasi nag-uumapaw ang tuwa sa puso ko ngayon. I never really thought this would happen. It's just a merely dream of mine but what God give to me? We are close to each other now. 

Lumapit ako sa pinto at binuksan 'yon. Naramdaman ko siya sa likod ko kaya kinagat ko ang ibabang labi. Tinignan niya ang dala ko at narinig ko ang buntong-hininga niya.

"You told me it's just a cake? Bakit may soft drinks at prutas pa?" seryoso niyang sabi.

I try to calm the awkwardness.

"It's fine. Para naman may ibang makakain." sagot ko.

Tumingin siya sa akin na galit ang mga mata. Goodness, napaka-sungit naman ng gwapong lalaki na ito.

"You lied to me. I hate liers, Ciandra." in his serious voice.

Ngumuso ako at hinawakan ang braso niya. Naku, mukhang mag-aaway pa talaga kami dito huh! 

"Taj, it's fine. I'm sorry about it. I promise I won't do it again." naglalambing kong sagot.

He breath heavily. Tinanggal ko ang kamay sa kanya at umayos ng tayo. Kapag talaga maging professor siya, siguradong nakaka-awa ang mga magiging istudyante niya. Sa sobrang sungit at paiba-iba ng mood, mahihirapan talaga silang mag-adjust sa gwapong 'to.

Almuevo Series 1: Started With You (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon