Kabanata 1
Namumula
Sumakay ako sa kotse na may ngisi ang labi. Hinigit ko ang paghinga kasi first time kong pupunta sa lugar nila. Hindi ko alam kung bakit naisipan ko 'tong gawin lalo pa't alam kong ayaw niya talaga sa akin. Hay naku, Ciandra! Tinakwil ka na nga, ayaw ka nga pero bumabalik ka pa rin. Hindi ka talaga marunong tumigil! Umiling ako at ngumiti pa rin sa salamin ng kotse ko. Mabuti nalang at wala dito si Papa kundi baka hindi ako nakalabas ng bahay ngayon kasi sabado.
Tinawagan ko ang number ni Braze, gusto kong humingi ng pera sa kanya kasi nauubusan na ako. Bumaba na kasi ang allowance ko kay Papa, tapos naghuhulog siya sa ATM ko tuwing 15 at 30 ng buwan. Hindi ko alam kung bakit ganoon na ang allowance namin. Si Conrado naman suportado pa rin niya sa mga bagay na gusto nito. Pero kapag sa akin, ayaw niya! Walanghiya, favoritism is real! Hindi na nga ako favorite sa school, hindi rin ako favorite sa bahay!
"Hello?" antok na boses ni Braze.
Ngumiti ako kahit wala siya sa harap ko.
"Insan, penge ako ng pera. I need 50k in my ATM." I said directly.
"Hindi mo ako bangko, Ciandra. Kay Uncle ka humingi." masungit niyang sagot.
Inis kong hinampas ang manibela. Walanghiya din! Pati ba naman ang pinsan ko hindi rin ako suportado sa mga hinihingi ko! Bakit ganoon sila ka-harsh sa akin? Goodness!
"Braze, kuripot na si Papa ngayon. Hindi niya na ako binibigyan ng malaking allowance. Gosh, I can't live without luxury life." I said like it's the end of the world.
Bumuntonghininga ang pinsan ko. Alam kong hindi niya rin ako matitiis kasi mahal din ako niyan. Si Brazier lang naman ang siraulo at hindi talaga magbibigay sa akin. Tsaka ang kuripot din talaga no'n!
"Okay fine! Natutulog ako e! I will send it to your account later." he said.
Ngumisi ako.
"Good." sagot ko.
Mabilis kong pinatay ang tawag. Sabado ngayon at dapat nasa bahay lang kami kasi family time. Sabado at linggo ay oras para sa pamilya kaya iyon ang gusto ni Papa. Ngunit tumakas lang ako ngayon kasi gusto kong puntahan ang lugar ni Tajik. Bahala ng sabihin na walang delikadesang babae basta gusto kong makita kung paano sila mamuhay doon. Mabilis kong pinaandar ang kotse at umalis sa village.
Base sa information na nakalap ko, sa isang tagong barangay sila nakatira. Camayse ang pangalan ng lugar nila at kailangan pa daw na dumaan sa gubat bago makarating sa mismong lugar nila. Medyo natatakot ako pero ayos lang, ang importante makapunta ako doon. 40 minutes ang biyahe mula sa lugar namin papunta sa kanila. Kaya medyo nangawit ang kamay ko sa pagmamaneho. Nang may nakita akong 'Uswag ha Santa. Rita' na welcome signage, pumasok ako doon at nagtanong sa mga taong nakita.
"Hi po. Alam niyo po ba ang lugar ng Camayse?" tanong ko sa isang lalaki.
Tumango ito at ngumisi.
"Oo, miss. Dumiretso ka lang at sa susunod na barangay ay 'yon na po ang Camayse." sagot niya.
Tumango-tango ako at ngumiti. Mabilis kong sinarado ang bintana at umalis. Binilisan ko ang pagmamaneho hanggang sa may makita akong isang basketball court at may mga taong nag-iigib yata sa isang gripo. First time kong pumunta dito at medyo nagtaka ako sa mga ginagawa nila. Binaba ko ang bintana at muling nagtanong.
"Hi Kuya, ito na po ba ang Camayse?" tanong ko.
Tumingin sa akin ang lalaki at kumunot muna ang noo bago sumagot. Naku, namangha yata sa kagandahan ko.
"Oo." maikli nitong sabi.
I nodded. Ah, so this is his home huh!
"Ah Kuya, kilala niyo po ba si Tajik?" tanong ko muli.
BINABASA MO ANG
Almuevo Series 1: Started With You (HANDSOMELY COMPLETED)
RomanceConciandra Ricote is known for being a classy and radiant girl. Kung ano ang gusto niya ay nakukuha. Spoiled by her parents and cousins, ginagawa niya ang mga bagay na gusto niya. Ngunit may isang gusto siya na hindi makuha dahil alam nito ang ugali...