Kabanata 20

3.8K 102 3
                                    

Kabanata 20

Treasure

Pinagmasdan ko ang mag-amang naglalaro sa bakuran ng bahay namin. Hinahabol ni Tajik ang anak namin habang tumatakbo ito ng mabilis. Tumawa ako ng marinig ang malakas na tawa ng anak namin ng mahabol ito ng asawa ko. Sobrang saya nilang pagmasdan. Nakakawala ng pagod sa pag-aalaga sa kanila. Mas lalo pa akong naging masaya ng makita kung gaano kasaya si Tajik sa pagkakaroon namin ng anak.

"Pa, mag-snack muna kayo." marahan kong sabi sa asawa ko.

Huminto sa paghahabulan ang mag-ama at bumaling sa akin si Tajik. Ngumiti siya at kumindat na para bang nasa teenager pa rin kami. 

"Opo, Ma. Tatapusin na namin 'to ni Tarius." sagot ng asawa ko.

Tumango ako at ngumiti sa kanila. Napahinga ako ng malalim bago inayos ang mga pagkain na hinanda ko sa lamesa. Alas-tres ng hapon kaya naisipan nilang maglaro dahil nabo-bored ang anak namin. Knowing that Tarius is like him, hindi talaga maipagkakailang mag-ama sila. 

Apat na taon ang lumipas ng makasal kami. Nabuo ang magandang regalo sa amin ng Panginoon na siyang inaalagaan namin ngayon. Tarius Angelo is a four years old son. Kuhang-kuha ang ugali at mukha ng kanyang ama. Wala manlang nakuha sa akin na labis kong kinataka. Kaya tuloy sinasabi sa akin ni Tajik na mas mahal ko siya kaya ang lahat ng meron siya at katulad sa anak namin. 

Hindi ko naman itatanggi na mas minahal ko si Tajik ngayon. Simula ng maging mag-asawa kami, wala siyang ibang ginagawa kundi iparamdam sa akin kung gaano niya ako kamahal. Lahat tinalikuran niya para sa amin. Kahit ang pagpasok sa kanyang trabaho ay hindi niya na ginawa dahil mas gusto niyang manatili sa bahay namin. Maraming nagbago sa pagsasama namin, at pinatunayan 'yon ni Tajik. 

Love will conquer everything. At kahit sinubok kami ng panahon noon, naging instrumento 'yon upang maging malakas at maging mabuting tao kami ngayon. Kaya hindi rin ako nagsisisi sa nagawa ni Papa, at hindi rin ako nagagalit sa nangyari, kasi may mabuting naidulot no'n sa amin. Tajik become responsible father. Hindi niya pinapabayaan ang anak namin. At sobrang masaya ako kasi kahit lumipas ang maraming taon, nanatili ang pagmamahal niya sa akin.

Lumapit sila sa akin, karga niya ang anak habang tumatawa pa rin. Magkamukha talaga sila. Walang pinagkaiba ang mukha, pati ang anggulo, balat at taas ay napunta lahat sa kanya. Siguradong pag-aagawan din 'to ng mga babae kapag lumaki na. 

"Ma, ang kulit talaga ng anak mo. Ayaw pang bumalik dito kasi gustong maglaro lang." tumatawang sabi ni Tajik.

Ngumisi ako. Pareho lang naman sila. Mga pasaway. Pero mahal na mahal ko sila, at kahit anong mangyari, hindi ko sila isusuko. 

"Baby, snack muna kayo ni daddy. Pinapawisan ka na." marahan kong sabi habang kitang-kita ang pagtulo ng pawis sa kanilang noo.

Ngumisi ang asawa ko. Umiling-iling ako sabay kuha ng panyo upang pahirin ang pawis nila. Mabilis akong hinalikan sa pisnge ni Tajik. Inirapan ko siya dahil sa ginawa niya. 

"Gawa pa tayo baby mamaya." malambing niyang bulong. 

Ngumuso ako sabay tampal sa kanyang bibig ng mahina. Walanghiya ang lalaking ito. Baka marinig ni Tarius. 

"Wag ka ngang ganyan. Nandito ang anak mo, baka marinig ka." mahina kong sabi.

Ngumisi siya at muli akong hinalikan sa pisnge. 

"Malapit na akong tumanda, kailangan marami tayong anak." aniya habang nakangisi.

Inilingan ko siya. Walanghiya talaga. Nahihiya ako kahit pa ilang taon na kaming magkasama. 

"Tsk. Tarius is enough, Pa." nakangiti kong sagot.

Umirap siya. Hinalikan ko nalang siya sa labi bago sinunod si Tarius sa pagpahid ng pawis. Nang matapos, pumasok ako sa kwarto ng anak namin upang kumuha ng damit. Basang-basa kasi kasi dahil sa pawis. Bumalik akong bitbit ang bagong damit na susuotin ni Tarius. Binigay ko kay Tajik 'yon kaya siya na ang nagsuot sa anak niya. 

Almuevo Series 1: Started With You (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon