Kabanata 13

3.1K 98 12
                                    

Kabanata 13

Recommend

Mahigpit akong niyakap ni Braze habang nasa office kami ng CVHC. Tatlong araw pagkatapos naming makauwi dito sa Pilipinas, isang araw kaming namalagi muna sa Manila bago umuwi sa Samar. Sobrang maraming nagbago sa negosyo nila. Mas lalong naging makapangyarihan lalo pa't si Braze ang humahawak ngayon. Napatingin ako sa paligid, punong-puno ng mga empleyado ang building, busy sa mga trabaho nila.

Natawa ako kasi nagselos pa sa akin ang asawa ng pinsan ko. Akala siguro babae ako ni Braze. Umiling ako at dumiretso sa office niya, yakap-yakap niya ang baywang ng asawa niya habang sakay kami ng elevator. Hindi ako makapaniwala sa lumipas na taon, ito na ang nangyari sa buhay nila. Lola passed away, tapos sobrang nalungkot ang buong pamilya kasi dalawa na ang nawala sa angkan.

That's life. May nawawala, may duma-dating. Kaya siguro umalis si Lola kasi miss niya na si Lolo. Sa lumipas na panahon, I appreciate that love exist in a person who really feel it. Kung walang laman ang pagmamahal, hindi magtatagal ang pagsasama. Sa mga pagsubok na dumaan sa akin, naisip kong siguro kaya hindi siya binigay sa akin dahil hindi kami ang para sa isa't-isa. That God didn't plan him for me. Na baka may ibang lalaki na nakalaan sa akin.

Pero imposible na magkaroon pa ako ng interest sa mga lalaki ngayon. Masyado akong busy sa negosyo at syempre, hindi na ako marunong magseryoso sa mga relasyon. I can do flings, but romantically in love? Not in my mood to feel it. Bitterness eating me when it comes to serious love. Masyadong luma ang mga ganyan sa akin, at kahit sabihin ng pinakagwapong lalaki na mahal niya ako, I won't believe it. I got a trauma because of love.

"So, what is your plan?" tanong ni Braze habang nasa elevator kami.

Napabuntong-hininga ako. Bumaling ako sa kanila, tahimik ang asawa niya habang nasa tabi ng pinsan ko.

"I'll stay here. Tsaka naisip kong gumawa ng bahay sa lupain ni Papa para maging independent na sa magulang ko." sagot ko.

Tumango-tango ang pinsan ko at ngumisi. Bumukas ang pinto kaya nauna silang lumabas at sumunod ako. Nagpapatuloy kami sa pag-uusap habang naglalakad, ang maingay kong takong ang nagbibigay ingay sa hallway.

"May ire-recommend akong engineer para sa plano mong paggawa ng bahay, Ciandra." si Braze ng papasok na kami sa office niya.

Ngumuso ako. Really? Sino naman kayang engineer? Magaling bang inhinyero? Baka sumablay kapag kinuha ko.

"Magaling ba?" tanong ko.

Umupo ako sa sofa at sila naman ay dumiretso sa swivel chair. Nahiya pa ako dahil pinaupo talaga ni Braze sa kandungan niya ang asawa. Mga walanghiya! Ano, papa-inggitin nila ako sa lambingan nila?

"Very excellent, Conciandra. Sa katunayan, siya ang engineer ng mga new building ng CVHC sa Tagaytay at Mindoro. Siya rin ang kinuha ko para sa gagawing bagong condo ng Archimedian Cost sa Iloilo." sagot ni Brase.

Napanguso ako at kumunot ang pag-iisip. Really? Excellent? Sigurado ba siya? Baka gawa-gawa niya lang 'to para makumbinsi akong kunin ang engineer na ito!

"Ayaw mong maniwala? Tapos ng Electrical Engineer, pasado sa bar exam, nag-aral ng Architecture, top notcher sa board exam. Imagine, dalawang mataas na pag-aaral ang natapos niya, pinag-aagawan ng mga negosyante ngayon dahil sa magandang quality ng pagta-trabaho. Sa tingin mo kukuha ako ng cheap na engineer at architect, pinsan? Hindi." eksplenasyon niya.

Napakagat-labi ako at tumango-tango. Oo nga naman. Hindi naman siguro kukuha ng cheap si Braze. Tsaka mga negosyo nila ang nakasalalay dito. Kaya siguradong kukuha siya ng best of the best engineer sa bansa. Tsaka base sa sinabi niya, tapos ng dalawang mataas na pag-aaral ang engineer na 'to, kaya siguro pinag-aagawan.

Almuevo Series 1: Started With You (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon