Kabanata 2
Makikinig
Kahit kabado at nanginginig sa hiya, tinatagan ko pa rin ang sarili na maging maayos. Nandito na ako kaya tatapusin ko 'to. Hindi ako uuwi na hindi siya nakakasama. Nang pumasok ako sa kanyang kwarto, natahimik ako. Hindi siya spacious, ang kanyang hinihigian ay gawa sa kawayan, ang kanyang lalagyan ng mga damit ay gawa rin sa kahoy. Imbes na mandire, namangha pa tuloy ako sa kanya. Sa pagiging maunawain niya sa kanilang kalagayan. Tinignan ko ang maliit niyang lamesa na nasa gilid ng higaan, nanlaki ang mata ko ng makita ang picture frame doon.
Tama nga ang sinabi ni Lola, may larawan nga ako dito. It was my recent picture taken abroad. Hindi ko alam kung paano niya nakuha, siguro dahil sa social media. Hindi naman siya malaking picture, wallet size lang pero nakikita ko ang mukha doon. Hindi pa rin ako makapaniwala na may ganito siya dito sa kwarto. Gusto kong sampalin ng ilang beses ang sarili kasi alam kong imposibleng mangyari ito pero totoo nga.
Overall, malinis ang kanyang room. May mini fan na siguro'y para lang sa kanya. May tatlong unan at isang puting kumot na ang tela ay gawa pa sa sako ng harina. Jusko, hindi ko ma-imagine ang sarili sa bahay na ganoon ang ginagamit. Nakakamangha siya! Ibang-iba! Gusto kong umiyak kasi kahit mahirap sila, nagawa niya pa ring tumayo bilang lakas sa kanilang pamilya. Narinig kong bumukas ang pinto kaya pinalis ko ang luha sa gilid ng mata. He lock the door again.
"Nasaan ang damit ko?" malalim niyang boses.
Napalunok ako at masayang humarap sa kanya. Napaatras ako kasi wala pala siyang suot na damit pang-itaas. Jusko, halos matumba ako sa kanya! Hindi ko tuloy napigilan ang sarili at napatingin sa kanyang katawan. Fair, moreno and well-body. Walang abs pero shit, hot siya! May biceps tapos ang kanyang adams apple ay sobrang nakakalaglag ng panga. Umiwas ako ng tingin at pinaypayan ang sarili gamit ang kamay.
"Ah…kukuha palang ako ng damit mo." naiilang kong sabi.
Lumapit siya habang nakangisi na ngayon. Shit! Ano ba 'tong kinikilos niya? Hindi ako sanay na ganito siya! Parang mas lalo akong kinabahan sa kanya.
"Ang sabi ni Nanay girlfriend kita, really? Kailan naging tayo, Conciandra?" may bahid ng sarkastiko ang kanyang boses.
Napahinga ako ng malalim at kinakalma ang sarili. May suot pa siyang short pero wala ng damit. Ngumiti ako at pinakita sa kanya na ayos lang ako.
"Ahm ewan ko. Wag mo ng pansinin 'yon. Nandito ako upang makita ang pamumuhay niyo dito." pilit inaayos ang sarili.
Ngumisi siya at umiling-iling. Lumapit siya sa akin at kumuha mismo ng t-shirt sa kanyang lalagyan. Kulay itim ang nakita ko, sinuot niya mismo 'yon sa harap ko. Nang matapos ay muli siyang tumingin sa akin at huminga ng malalim.
"You want to see how we live here huh, fine. Stay here!" he said while smirking.
I nodded and sighed heavily.
"Lumabas na tayo, naghihintay ang pagkain sa lamesa." aniya habang tumalikod na sa akin.
Hinawakan ko ang puso at tumango kahit nakatalikod na sa akin. Nauna siyang lumabas kaya bumuntonghininga ako at mabilis na inayos ang sarili. Gosh, para akong mauubusan ng hangin sa katawan! Lumakad ako palabas ng kanyang kwarto at sinarado ang pinto. Nang bumaling sa kaliwa ay nagulat dahil nandoon pa pala siya, nakatayo at naghihintay sa akin. Napalunok ako at umiling-iling.
"N-nagulat ako sayo…" mahina kong sabi.
Tumingin lang siya sa akin ng seryoso. Nauna siyang lumakad kaya sumunod ako. Medyo nawawala na ang kaba kaya umayos ako ng lakad lalo na nung pumasok kami sa kusina nila. Kung kanina namamangha na ako sa sala at sa mga kwarto nila, ngayon naman ay labis-labis na itong pagkamangha ang nararamdaman ko habang pinagmamasdan ang simple nilang lutuan, lamesa, at hugasan. Lahat ay gawa sa kahoy, pero wala akong masabi kasi malinis at maayos ang pagkakagawa.
BINABASA MO ANG
Almuevo Series 1: Started With You (HANDSOMELY COMPLETED)
RomanceConciandra Ricote is known for being a classy and radiant girl. Kung ano ang gusto niya ay nakukuha. Spoiled by her parents and cousins, ginagawa niya ang mga bagay na gusto niya. Ngunit may isang gusto siya na hindi makuha dahil alam nito ang ugali...