Wakas

4.4K 142 11
                                    

Wakas

Napahinga ako ng malalim habang nakaupo sa sofa at pagod na pinagmamasdan ang larawan ng pinakamamahal kong asawa. Ngumiti ako ng malungkot habang pinipigilan ang damdamin na malungkot muli. Hindi ko na dapat pa iniisip ito. Hindi ko na dapat pa binibigyan ng panahon na isipin pa ang lahat. Lumipas na ang lumipas, at hindi maibabalik ang lahat kahit umiyak ako ngayon. Hindi maibabalik ng pighati at lungkot na nararamdaman ko ang lahat sa amin.

Kahit pigilan ko ang sarili, kahit ayaw kong gawin, kahit sobrang hirap na sa akin. Bakit kailangan sumapit sa ganito? Bakit kailangan dumating kami sa puntong ito? Bakit sobrang lungkot ng lahat sa amin? Bakit ang sakit-sakit? Anong pagkukulang? Anong kasalanan? Anong ginawa ko at bakit nangyari sa amin 'to?

Tinignan ko ang masasayang mga larawan ni Ciandra. Sinariwa ko ang mga masasayang alaala namin. Kung paano niya kami mahalin. Kung paano niya kami alagaan, bigyan ng importansya, hindi pinagpalit at higit sa lahat, hindi binitawan. Ang unfair ng tadhana sa amin. Ang unfair ng buhay sa amin. Ang unfair ng lahat. Kung kailangan siya na ang babaeng para sa akin, tsaka pa nawala.

Pumatak ang luha ko sa mga mata. When I was about to wipe it, biglang may humawak sa balikat ko at pilit akong ginigising. May naririnig din akong boses na para bang nag-aalala at gusto akong magising. I shook my head, ilang sandali na paggising ay biglang bumukas ang mga mata ko at pawis ay hindi magkamayaw sa pagpatak. Mabilis akong bumaling sa tabi at nakita ang babaeng sobrang nag-aalala sa akin.

I close my eyes tightly while I can't believe this is happening. Why is she here? My wife is here! At humihinga siya! She's breathing and she's very concern the way she look at me. Mabilis ko siyang niyakap at binaon ang mukha sa kanyang leeg. Humigpit ang yakap ko sa kanya. Hindi ko siya binitawan dahil natatakot ako. Natatakot ako na baka mawala siya sa oras na bumitaw ako. Natatakot ako at ayokong mawala siya.

She caressed my back gently.

"Are you okay, Pa?" she asked concernedly.

Napahinga ako ng malalim. Damn it, it's just a nightmare! I thought I really lost her! Those dream are my fucking death! Ayokong mangyari 'yon sa totoong buhay. Ayokong mawala ang babaeng pinakamamahal ko. Hindi ko makakaya. Hindi ko kayang mawala ang asawa ko. Kaya ngayon, hindi na ako magkakaroon ng kaginhawaan dahil sa panaginip na iyon.

"I got just a nightmare." mahina kong sabi.

She breath heavily. Muli ko siyang yinakap ng mahigpit habang baon na baon ang mukha sa leeg niya. Hindi ko hahayaan na may mawala sa pamilya ko. Humiwalay siya kaya lumuwag ako ng kaunti pero hindi pa rin bumibitaw sa kanya. Pinahid niya ang pawis sa noo habang titig na titig ako sa kanya. She's my wife, my very beautiful wife. She's my everything, and I cannot live without her.

Takot ako sa maraming posibilidad na mangyari. Takot ako na baka mawala siya sa akin. Takot na takot ako at ayokong mangyari 'yon.

"Ano bang napanaginipan mo?" tanong niya.

Muli kong niyakap ang asawa ko. Ayokong sabihin sa kanya 'yon. Baka mag-isip pa siya ng masama at makadagdag pa 'yon sa iniisip niya. May pasaway pa nga kaming anak, at kapag sinabi ko 'yon, dagdag lang sa kanya.

"Forget it. I'm fine now. I just want to hug you." marahan kong sabi.

She sighed. Ilang sandali pa'y biglang bumukas ang pinto at pumasok ang pasaway na anak naming babae. She's already a five years old, stubborn little brat.

"Mommy." sigaw nito.

Ngumiti ang asawa ko at sinalubong ang paborito niyang anak. Umakyat sa kama si Catania at yumakap sa ina niya.

"Good morning, sunshine." bati ng asawa ko.

Ngumuso si Tania at sumimangot sa akin. Mag-away talaga kaming dalawa. Hindi ko alam kung bakit simula ng magkaroon siya ng pag-iisip, palagi niya akong inaaway. Nung narinig ko silang nag-uusap, sinabi ni Tania sa Mommy niya na kaya siya inis sa akin dahil inaagaw ko daw si Conciandra sa kanya. Natawa nga ako dahil ganoon ang iniisip ng batang 'to sa akin gayong ako ang kanyang ama.

Almuevo Series 1: Started With You (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon