Kabanata 15
Free
After the talk with that Engineer, natawa nalang ako habang nasa kotse. Hindi ko lubos akalain na magiging ganito ang pag-uusap namin. It's our first time to meet after fifteen years. Well, to be honest, ang daming nagbago sa kanya. From the looks, to being arrogant. Oo, ramdam kong arogante na siya dahil ano? Dahil mayaman na! Dahil sikat na! Dahil pinag-aagawan ng mga businessman sa bansa. Kaya lumalaki ang ulo at kanina habang nag-uusap kami, naramdaman ko ang pagiging hambog niya.
Ang hindi ko lang maintindihan, bakit kailangan niyang tumutol sa pag-alis ko sa bansa? Bakit kailangan niyang sabihin 'yon? Ano ko ba siya? Magulang? Iyon ang hindi ko maintindihan kasi unang-una, wala na dapat siyang pakialam sa buhay ko, ang trabaho niya ay pagiging engineer ng bahay, hindi maging marites sa buhay ko! Aba'y siguro ganoon na nga siya, naging tsismoso ang gawain pagkatapos ng ilang taon.
But anyways, I shouldn't be stress. I have a vacation to attend, tsaka hindi ko na dapat pa iniisip ang lalaking iyon. I have to move on! Hindi pwedeng ganito lang habang tumatagal ang panahon, mas lalong naiisip ang nakaraan. I have to think a way to move on. Baka may asawa at anak na 'yon tapos nagkukunwaring binata kasi hindi pa tapos sa pagiging malaya niya. Hindi ako pwedeng basta-bastang magtiwala, lalo pa't siya rin naman ang rason kung bakit may trust issue ako ngayon.
Bago umuwi sa bahay, naisip kong mamasyal muna sa mall. Iba ang mga malls dito at sa ibang bansa. Well, mas malalaki ang mga malls sa States pero para sa akin, mas maganda sa sariling bansa natin mamasyal lalo pa't mararamdaman mo talaga ang pagiging Pinoy. Iyon ang essence ng kultura at tradisyon natin, kahit nasa malayong lugar, kahit malayo sa Pilipinas na sinilangan, hindi pa rin nakakalimot sa bansang kinalakihan at kulturang pinaniniwalaan.
I parked my car on the basement. Bitbit ang purse, pumasok ako sa entrance door at dumiretso sa loob. Malamig dahil sa air-con, I walked confidently while scanning the mall. Maraming tao, mostly mga batang namamasyal siguro kasama ang magulang nila. Pumasok ako sa isang bookstore at naghanap ng pwedeng basahin. Nang wala namang mapili, lumabas nalang ako at naglakad upang hanapin ang elevator. Naisip kong mag-movie marathon ako sa sinehan. When I found the elevator, agad kong pinindot ang button ngunit may kamay na sumabay rin sa pagpindot ko. Nang binalingan ko ang may-ari ng kamay, napahinga nalang ako ng malalim.
It's him again, the arrogant engineer! Umiwas ako ng tingin sa kanya at pumasok ng walang ingay. Ano naman kaya ang ginagawa ng lalaking ito dito? Don't tell me, may date siya ngayon? O, baka nandito ang mag-ina niya at naghihintay sa kanya sa ibang floor? Ganoon ba? Hindi naman sa iniisip ko 'yon pero damn it, hindi ko lang mapigilan na maisip ang gagawin niya dito. Nagkatuluyan ba sila ng babae niya? Siya ba ang pinunta niya dito?
Umiling-iling ako habang napapahinga ng malalim. Kitang-kita ko sa repleksyon sa harapan namin ang kanyang malalim na pagtitig sa akin. Kumunot ang noo ko at nagtaka, bakit kaya siya titig na titig sa akin? Kanina pa siya sa restaurant huh! Ano, may dumi ba ang mukha ko? O, baka tinatawanan niya ako dahil sa walang pagbabago ang mukha ko? I nipped my lower lips to avoid cursing.
"Stop biting your lips, Ciandra." marahan niyang basag sa katahimikan.
Napabuga ako ng malalim na hangin bago tinaas ang kilay sa kanya. Ano na namang pake niya?
"None of your business." malamig kong sabi.
He breath heavily.
"Yes, but I'm just concern. Maaaring masugat ang labi mo kapag kinakagat. Mabuti pa naman kung ako ang kakagat, siguradong dadahan-dahanin ko lang." aniya sa halos pabulong na boses.
Binalingan ko siya na nakataas ang kilay. Balak ko na sanang sumagot ngunit bumukas na ang pinto kaya mas pinili ko nalang na lumabas upang magkahiwalay kami. Tumingin-tingin ako sa paligid, wala naman akong maisip na kainin kaya dumiretso nalang ako sa movieworld. Bumaling ako sa likod habang naglalakad at nanlaki ang mata dahil nakasunod pa rin siya sa akin hanggang ngayon.
BINABASA MO ANG
Almuevo Series 1: Started With You (HANDSOMELY COMPLETED)
RomanceConciandra Ricote is known for being a classy and radiant girl. Kung ano ang gusto niya ay nakukuha. Spoiled by her parents and cousins, ginagawa niya ang mga bagay na gusto niya. Ngunit may isang gusto siya na hindi makuha dahil alam nito ang ugali...