Klein's Pov
"Akin na yan."
"Akin to oy, nandon yung sayo."
"Share tayo, baby."
"Tangina. Mga sanggol ba kayo?"
Sunod sunod nilang sabi nang mailapag na sa lamesa yung mga binili namin ni Yangyang.
"Ayaw mo kumain?" Tanong sakin ni Yangyang at umupo sa tabi ko.
"Di pa naman ako gutom." Sabi ko sakanya.
"Teka lang ha." Sabi n'ya at tumayo. Tinawag ata ulit nila kuya Kun.
Naiwan yung cp. Wag natin galawin, red flag yon.
"Bheh khaihn nha." Sabi ni kuya Lucas na may nginunguya pa.
"Mamaya na kuya. Lunukin mo muna yan." Sabi ko at tumawa. Ang cute kumain.
"Oy teh, nakita mo na post ni Yangyang sa twt?" Tanong sakin ni kuya Xiaojun kaya tumango ako.
"Ano balak mo?" Tanong n'ya sakin.
"Diko alam, kuya." Sabi ko sakanya. Katangahan lang po ang meron ako, don't judge me.
"Ay, naiwan ni Yangyang yung cp n'ya." Sabi n'ya at kinuha yung cp ni Yangyang.
"Sana ol." Sabi n'ya habang tinitingnan yung cp. Ayoko maging chismosa pero sinilip ko hehe.
"Ay shet, may diary." Sabi n'ya at tumawa ng mahina.
"Wag mo buksan kuya, privacy jigeum." Sabi ko at tumawa.
"Hyung naman eh!" Pagmamaktol ni Yangyang nang makita n'ya si kuya Xiaojun na kinakalikot yung cp n'ya.
"Labas ako dan." Sabi ko at tumawa nalang.
"Oy Dejun! Lika dito!" Pagtawag ni kuya Ten kay kuya Xiaojun.
"May ginalaw?" Tanong ni Yangyang sakin kaya umiling ako.
"Wala ka naman sigurong nakitang kung ano diba?" Sabi n'ya kaya umiling ulit ako.
Napabuntong hininga nalang s'ya at umupo sa tabi ko. Ang cute naman. Pero wag ka mastress, wallpaper mo lang nakita ko. Infairness, ang ganda ko don.
YOU ARE READING
Chase •Liu Yangyang•
Fanfiction//COMPLETED// I love chasing...especially you, my love. The Neos series #3 By: Haeitsu