Yangyang's Pov
"Gabi na ah. Bat pumunta ka pa?" Tanong n'ya sakin.
"Alangan namang hayaan kitang umiyak dan. Samahan nalang kita." Sabi ko kaya natawa s'ya ng mahina.
"In a scale of 10, gano kasaket?" Pangbibiro ko sakanya kaya agad n'ya naman akong hinampas sa braso.
"Pakyu." Sabi n'ya sakin kaya natawa ako.
"Okay lang yan." Sabi ko sabay pat ng ulo n'ya.
"Pano magiging okay yon?" Sabi nya at nagsimula ulit umiyak.
Niyakap ko nalang s'ya. Alangan namang sumabay pa ako sa pag iyak n'ya diba?
"Beh, move on na. Kayanin mo, wag weak." Sabi ko habang hinahaplos yung likod n'ya. Diko nga magawang mag move on eh. Well, I have my reasons para hindi magmove on.
Hindi na s'ya ulit nagsalita at umiyak nalang sa may dibdib ko. Kahit ako nasasaktan din, panong hindi. Pero kaya ko pa. Oo, kaya pa. Wag muna isipin yung nararamdaman ko, s'ya muna.
"Yang, basang basa kana." Sabi n'ya at tumingin sakin. Kayakap ko pa din s'ya, itinaas n'ya lang yung ulo n'ya para makita ako.
"Okay lang yan." Sabi ko sakanya.
Kumalas naman s'ya sa yakap at pinunasan na yung luha n'ya.
"Naiyak mo na ba lahat?" Tanong ko sakanya kaya nagstart ulit s'yang umiyak.
"Sabi ko nga, hindi pa." Sabi ko at niyakap s'yang muli. Kala ko tapos na s'ya.
YOU ARE READING
Chase •Liu Yangyang•
Fiksi Penggemar//COMPLETED// I love chasing...especially you, my love. The Neos series #3 By: Haeitsu