CHAPTER 7

176 7 2
                                        

"Excuse me sir. Pakibitawan si Rika." And boom! I knew it!

Napabitaw ang lalaki ng makita na si Nathan ang nagsabi.

Umalis ang grupo na iyon.

Pero lintek, hindi pa ako binibitawan ni Allen.

"Fuck, can you please take your hands off?!" Sigaw ko! Nakakaasar na talaga! I don't care kung nakakagawa kami ng scene.

"Not until you come with me." Sabay ngisi nito.

"Put your fucking hands off her, sir." Matigas. Mariin. Claro. Na sabi ni.... Kei.

Yes. It's Kei. Akala niyo si Nathan no? Ako rin eh.

Busy lang naman si Nathan sa pagcomfort kay Rika sa counter. I guess natakot talaga yun.

"Who are you?" Tanong ni Allen. Pero hindi parin inaalis ang kamay sa aking braso. Tangina! Lukot na long sleeves ko!

"The manager. Kei Smith. Got a problem with that?" Kei is famous because kasali siya sa varsity and tito niya ang Mayor dito.

Napabitaw si Allen sa akin.

Nang mabitawan niya iyon. Agad ko siyang sinampal.

"Tangina mo! Tandaan mo yan! Ban na kayong Allen and friends sa café na to! Manyak! Bastos!" Sayang ang gwapo! Sheez!

Napahawak siya sa sinampal ko. Masyado itong malakas. Siguro pati narin ang galit ko kay Nathan nasama ko?

Umalis na sila. Pati yung nambastos kay Rika. Ban na rin pala sila.

Inako ako ni Kei. I owe him.

"Kei. Thank you." Sabi ko na buong puso.

"Wala yun" sabay akbay sa akin "Paano nalang pag wala ako? Puro ka kasi Nathan eh."

Inalis ko ang akbay niya. "Baka pag initan ako nila Kate. May gusto yun sayo."

Napapansin niyo wala akong kaibigan no? Wala eh. Everytime na may lalapit sa akin, binubully nila Kate. Pag gusto nila yung lumalapit sa akin. Ako ang binubully. Hindi ako makaganti kasi syempre ang paboritong anak ay mag susumbong kila Dad. At ako nanaman ang mali.

"Then, I will always at your side." Napatingin ako kay Kei ng sabihin niya iyon. What? As in what? Nginitian niya lang ako. Pumasok kami sa parang office niya dito.

"Pahinga ka dyan. Kasalanan ko ito eh. Bakit yan pa pinili kong uniform niyo. Hay." Sabi nito.

Tahimik lang ako. Nag iisip. Bakit nung nagpa plano naman, grabe si Nathan maka "no". Bakit ngayon hindi ako yung pinagtanggol niya?

Si Rika ba talaga ang gusto niya?

Oh, kung hindi si Rika yung andun, ako kaya ipagtatanggol niya?

Oo, kasi option lang naman ako eh.
Tangina. Nakakasawa!

*knock knock*

Pumasok si Nathan. "Oh, yes Nathan?" Tanong ni Kei.

"May I excuse Riri?" Napatingin ako saknya at tumingin agad kay Kei. I want to tell him na wag siya pumayag dahil ayoko muna maka usap si Nathan! Pero damn "Yes you may." Agad kong pinanlakihan ng mata si Kei. Nginitian niya lang ako.

Lumabas kami ni Nathan at pumuntang garden. Dahil maraming booths. Walang tao dito, kundi kami.

"Are you okay?" Bigla akong nainis sa tanong niya at hindi na napigilan ang bunganga ko sa pagdaldal.

"Yes. Thanks to Kei."

"I'm sorry." Ang lungkot ng boses niya. Hell no! Di ako papatinag!

"Sorry for what? For choosing Rika over me? Or for not saving me? Let me ask you kung hindi si Rika yon, will you save me?"

"Of course. But .."

"But andun si Rika. Kaya wala ako sa paningin mo. Ganyan naman kayo! Second choice lang ako! Tangina."

"Why are you like this, Ri? Why? I can't understand you!" Bahid na rin ang inis sa tono niya.

"Wow! At ikaw pa ang may gana mainis?! Just wow! You can't understand me because you are not me!" Naiiyak ako. Pero ayoko umiyak.

"Then let me understand you! Explain!"

"How can I explain if you will never ever understand me?! Tell me! Sayang lang laway at oras ko! Kasi tangina wala namang magbabago kapag sinabi ko eh. Diba?!" Pesteng luha. Traydor!

Hinaplos niya ang likod ko "Calm down. I will try to understand you." Umiwas ako saknya.

"There. How can I calm down sa lahat ng nangyayari sa buhay ko?! And why are you like this? Bakit parang biglang naging concern ka?!" Naiinis ako na naiiyak na nasasaktan ugh! I don't know what to feel!

"Be-bacause you're my uhm you're my friend." Hindi niya mahanap ang tamang salita. Umiwas ang tingin niya ng banggitin niya ng friend. Ganun ba kahirap ako kaibiganin? Tangina! And please, friend?! C'mon!

"Friend?! Hahahaha. Tangina! Ikaw friend turing mo sakin pero tangina mahal kita. At kung wala kang balak mahalin ako, lumayo ka nalang please."

Iniwan ko siya doon.

Bakit? Ang sakit sakit. Napapagod na ako.

Just An OptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon