"What do you need?" Tanong ko na may halong pagkairita.
"Easy there, sweetheart. Gusto ko lang naman sabihin sayo na ..." Agad ko siyang pinutol
"Mag ready ka na mamaya pag uwi ng bahay dahil for sure ako nanaman ang pupuriin nila Mom." Bakas ang pagkairita sa mukha niya. At siya pa ang may gana mairita ha? Wow lang!
"Hindi ka ba nagsasawa Lili sa mga sinasabi mo? Araw araw nalang na ginawa ng Diyos palagi mo yang sinasabi. Kita mo, na memorize ko na. I wonder kung pati sila Kate at yang mga kasama mo ay kabisado na ang mga linya mo." Tuloy tuloy kong sabi. Pasalamat nalang at kaklase ko siya. Kasi dito lang naman ako nakakapagsabi ng ganyan sakanya eh. Pano kasi sa bahay siya ang tama. Ako ang mali. Again, what's new? Best actress yang kakambal ko eh. Oo, kakambal ko pero hindi kami magkamukha at lalong hindi kami magkaugali no!
"Ang daldal mo naman." Sabi ni Kate.
"Wow! Sa pagkaka alam ko, kaming magkapatid ang nag uusap. Hindi tayo. Okay?" Bitch mode on. Araw araw nalang ba ako mag papaapi? Natural hindi! Nakakasawa na sila.
"Let me handle this Kate." Ani Lili kay Kate. "Ang tapang mo naman Riri! Bakit hindi mo gawin yan sa bahay?"
"Gagawin ko, then what? Ako yung mali kasi ikaw yung tama sakanila. Gagawin ko tapos ako pa may kasalanan. As if kasi alam nila yang ugali mo dito. Best actress ka kasi." Nakakapikon na talaga!
"Just accept the fact that they will never ever accept you again!" Sabay tawa nito.
"And it's because of you. This is all your fault." At inawan ko na sila.
Pumunta ako ng garden tutal 2 hours vaccant pa kasi wala naman si Sir.
Mukhang ako yung kontrabida sa story no? Pero no. Ako yung laging kawawa. Hahahaha. Pero hayaan mo na, sanay nako. Maliit na bagay kumpara sa nangyari dati.
House
"Hi dad! Mom! I'm home!" Sigaw ni Lili. Wow! Ang bait niya nanaman! Psh.
Nagbeso sila. Ako rin naman. Kahit ganito sila sa akin, may respeto pa naman ako.
"Come, mag dinner na tayo." Yaya ni Mom kay Lili.
Siya lang ba yung anak?
It's already 7 na pala. Lintek naman kasi yung last teacher eh. Math pa! Ugh.
"Oh, how's school anak?" Dad reffering to Lili.
Ganito lagi ang scenario sa bahay. Si Lili lang kinakausap, pinapansin and what so ever.
"It's okay dad. Why not ask Riri?" Hamon nito kila Mom.
Pumait ang mukha nila ng bumaling sakin.
"Kamusta Riri?" - Dad
Napaka pormal naman.
"Okay naman po."
"Yun lang? Okay lang? Bakit di ka tumulad kay Lili? Riri naman!" Aniya
May masama ba akong sinabi? Eh parehas lang naman kami ng sinabi eh.
Sa lahat ba ng kilos ko, mali? Lahat ng salita, mali? Ano ba naman!
At kelan ba ulit ako matatawag na "anak"?
BINABASA MO ANG
Just An Option
Novela JuvenilREMINDER: THIS STORY IS TAGLISH. IT CONTAINS FOUL WORDS, MOSTLY. Ever felt being an option? Well, I guess this story suit for you. I'm not telling I can help with your problem, but atleast you will realize some things. Like you are not the only pers...
