Umalis alis ako ng bahay, tapos hindi ko naman alam kung saan ako pupunta.
Pumunta ako sa nearest park.
And guess what, may tao run. Isa lang naman pero nakakahiya magdrama.
Pero yae na, ayoko muna umuwi.
Papalapit ako ng maaninag ko kung sino ito. Si Nathan.
What should I do? Jeez, nawawala ako sa sarili ko.
Ahhhh, doon nalang ako sa isang bench.
Pagkaupo ko, napansin siguro ako ni Nathan kaya agad siyang lumapit.
Ay teka, bakit siya andito? Hmm. Eh, malayo bahay nila dito?
"Ri." Pukaw atensyon niya sa akin. Napa angat ang ulo ko sa pagtawag niya sakin.
Nginitian ko lang siya. Yung ngiti na hindi mahahalatang may problema ako.
Tumabi siya sakin. "May problema ba?"
Sasabihin ko ba, or nah?
"Oo sabihin mo, tutal kailangan mo ng kausap ngayon." Sinasabi ng isang parte ng utak ko.
"Wag! Wala namang pake yan sayo eh. Tulad ng marami, option ka lang niya!" Wika naman ng isa pang parte.
Pero napagdesisyunan ko na, sundin nalang yung pang-una. Hayaan ng magsisi, basta nailabas ko tong sama ng loob ko.
"Nathan, bakit ganon? Bakit kayo ganon? May nabasa ako na 'Hindi ka isinilang ng nanay mo para maging option' pero ang nanay ko mismo ang nagpaparamdam na option ako. Bakit? Of all people why me? Bakit ako yung pinili niyong maging second choice? Nakakasawa na. Paulit ulit nalang yung tanong ko na bakit, eh di ko rin masagot."
Hindi ko napansin na umiiyak na pala ako.
Walang masagot si Nathan sa akin.
"Okay lang na wag kang sumagot, gusto ko lang na may mapaglabasan ng sama ng loob." Tuloy ko.
"Alam mo nga, Nathan. Minsan naisip ko death is the solution kaso bigla kong maiisip na, baka mag bago kayo, or baka may ibang tao na iba sa inyo, na ittreat ako as first choice kaso di ko pa nakikilala. Eh ang tanong, meron nga ba? Alam mo, hindi ko na alam gagawin ko. Lahat na ginawa ko. Pero wala pa rin. Ang sakit sakit na." Sinabi ko yang lahat na yan sa gitna ng pag-iyak ko.
Niyakap niya ako.
Nathan, bakit ka ganito? Bakit? Eh diba, si Rika yung gusto mo? Ang sakit mo naman sa bangs eh, kahit wala ako non. Hindi kita mabasa lintek ka.
"Hindi ko alam Riri ang sasabihin ko dahil isa ako sa mga taong nagpaparamdam na option ka. Sorry. Sorry kase ganon. Hayaan mo akong bumawi sayo, pwede ba?"
Napatango nalang ako dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko.
"Sana sa yakap kong to malaman mo na mahskqakwkans."
Hindi ko maintindihan yung huli niyang sinabi kase mahina ito at inaantok na ako kakaiyak.
For once, may nakaramay ako. Thank you Nathan.
![](https://img.wattpad.com/cover/36341481-288-k226068.jpg)
BINABASA MO ANG
Just An Option
Fiksi RemajaREMINDER: THIS STORY IS TAGLISH. IT CONTAINS FOUL WORDS, MOSTLY. Ever felt being an option? Well, I guess this story suit for you. I'm not telling I can help with your problem, but atleast you will realize some things. Like you are not the only pers...