Weeks passed
"Okay class. Open your book. Read on page 125. Take down notes, okay?" Ani Miss Pascual.
Haay. Nakakatamad! Psh.
"Uh, excuse me Ms. Garcia, Riri. Pls go to my office later." Tumango lang ako bilang pang sang ayon.
Bakit kaya? Hmm.
Ay teka. Bakit wala si Rika?
"Uyy Kei. Si Rika?" Tanong ko sakanyang pinsan na kaklase namin.
"Ah. May pinuntahan silang pamilya eh." Sagot niya sa malalim na boses. Gwapo siya. Oo. Pero bakit hindi ko siya magustuhan? Umamin siya nung grade 8 na may gusto siya sakin pero wala eh. Kahit anong pilit ko, hindi siya yung gusto ko.
"Salamat." Ani ko.
After class
*knock knock*
"Miss, si Garcia po ito."
"Ay, ija. Pasok."
Pumasok ako. Pinaghalong puti at sky blue ang kulay ng paligid. Ngayon lang ako napunta rito. Paano kasi, laging si Rika ang tinatawag niya.
Ayoko isipin, pero mukhang tama ako. Second choice nanaman ako.
"Miss, bakit niyo po ako pinatawag?"
"Ah, hindi naman kasi ikaw talaga ang dapat na nandito. Eh, wala si Rika. Kaya ikaw nalang. Papatulong lang sana ako magcheck ng test papers."
Tumango nalang ako. Oh, diba? Tama ako. Second choice lang naman ako. Ever since, never ako yung naging una sa paningin nila. Lagi si ganito o kaya si ganyan. Nakakasawa rin ang gantong takbo ng buhay, pero wala. Kailangan tanggapin na never akong magiging first choice. Eto ang role ko sa mundo.
Habang nagche check. Napansin ko ang pangalan niya.
Wow! Ang talino naman niya! Siya ang pinaka mataas na marka sa kanilang section. Kaya gustong gusto ko siya eh. Matalino na, hindi pa isnabero at sporty pa. Oh, diba.
"Ay, oo nga pala. Si Mr. Nathan Dela Vega ay lilipat sa ating section."
What?! As in we?! Omg! Yung crush ko magiging classmate ko na! Omg!
"Ah.. Eh.. Uhm.. Bakit.. Po?" Hindi ako makapagsalita sa excitement.
"Hindi ko lang alam. Baka may gusto sa section natin? Alam mo na, kapag kamag anak ng may ari eh madali makuha ang gusto. Pero hindi niya naman pinapabayaan ang pag aaral niya. Kita mo naman diba?"
Um-oo nalang ako. Hindi ko alam isasagot ko dahil naeexcite ako! Sino kaya ang gusto niya?
Oh Riri, wag ka mag assume. Masasaktan ka lang eh.
Sabi ko nga.
At the end of the day, naging option lang ako. Kelan ba dadating yung panahon na hindi na ako magiging pamalit?

BINABASA MO ANG
Just An Option
Teen FictionREMINDER: THIS STORY IS TAGLISH. IT CONTAINS FOUL WORDS, MOSTLY. Ever felt being an option? Well, I guess this story suit for you. I'm not telling I can help with your problem, but atleast you will realize some things. Like you are not the only pers...