"Nathan, bakit ka pala andito sa park? Ang layo ng bahay mo rito ah?"
"Ah .. Ano Ri, ah .. Wala. Napadpad lang. Tsaka may tatagpuin sana ako, hindi lang ako sinipot."
Sino kaya? And btw, medyo okay nako. Medyo.
"Sino?" Curious na tanong ko. Kase seryoso, wala naman akong kilala na ka school mate ko na taga dito.
"Uhh .. Ano .. Eh .. Si ano, si uh .."
Parang nag-aalangan siyang sabihin?
"Si Rika." Oh, great. Bakit ko pa tinanong? No hate kay Rika, pero ano bang meron sakanila kase puta nasasaktan na ako ... ng sobra.
"Ah, bakit?" Galing mo rin Ri, ano? Nasasaktan ka na, tatanungin mo pa kung bakit? Hays bobo.
"Ah, wala wala. May pag-uusapan lang."
Pag-uusapan? O maglalandian? Ang bitter ko.
Eh bakit dito pa sa village namin? Nananadya ba sila or talagang napakatanga ko lang at sobrang assuming ko?
"Bakit dito? I mean, hindi naman kayo dito nakatira parehas. Napaka layo naman ng meeting place niyo?"
Ang hirap pigilan ng pagkabitter ko.
"Ah ano kase, uh hahaha dami mong tanong." Sabay kurot sa ilong ko.
"Wow lang, Nathan! Akala mo close tayo? Tandaan mo, second choice mo lang ako." Pabiro ko.
Pabiro nga ba? Awan.
Nginitian niya lang ako.
"Thank you Nathan. And sorry, kase ang daldal ko."
"Hay nako Riri, pwede ba wag ka mag-isip ng ganyan? Jusko!" Hahahahaha, omg. Ang cute lang ni Nathan.
Kaya ko pa palang tumawa?
"Yes boss. Hahahahaha!"
"Alam mo Ri, naisip isip ko. Ang tanga namin lahat kase tinrato ka naming second choice."
Hindi ako umimik kase hindi ko naman alam sasabihin ko eh. At totoo naman, ang tanga nila.
"Again, I'm sorry. Alam kong walang magagawa yung sorry ko pero sana please. Hayaan mo akong bumawi."
Masyadong seryoso. Ayoko ng ganito.
"Jusko, pagkain lang sapat na. Hahahaha!"
Tangina, parang ang feeling close ko.
"Sorry" paumanhin ko.
"Ayan ka nanaman eh! Pwede ba, just today ipakita mo sakin yung ibang side ni Riri? Yung side na masayahin. Palatawa. Madaldal. And so. Please kahit ngayong araw lang runaway from your problems with me, please?"
Eh, ano pang magagawa ko? Galing kay kras eh. Edi go! Ay shet, sabi yung side ni Riri na masayahin hindi yung malandi. Jusko naman, Ri!
---
"What do you want?" Nandito kami sa ..... Basta parang candy store. Puro sweets."Ice cream." Sabi ko with ngiti na super wide kase ice cream lang nagpapagaan ng loob ko.
"Flavor?"
"Chocolate po, Daddy." Ang cute lang namin para kaming mag-ama. Pero pwede ring maging ama siya ng mga anak ko.
Ay sos, sorry na talaga. Pagbigyan na dali. Ngayon lang, please?
"Daddy ka diyan, tigilan mo ko Mommy ah!" Banat ni Nathan. Enebe kenekeleg eke.
"You're cute when you blush." Putek, lalo akong kinilig eh.
"Jusko Nathan please. Tinawag kitang daddy because para kitang tatay kung magtanong! Mommy mommy ka diyan! At please, ibili mo nakong ice cream." Sabay pout ko. Natawa naman siya.
"Sir ang cute niyo ni Ma'am. Bagay na bagay kayo. Stay strong." With ngiti pa si Ate. Ay nako Ate, tigilan mo ko baka maniwala ako. Ay joke lang!
"Ate ice cream, chocolate flavor. Yung nasa biggest cone po ah? Matakaw po kase yung baby ko."
Wtf?
"Hoy maka-baby to! Mukha ba ako----" aba bastos rin pala tong si Nathan, ano?
"Oh diba, sabi mo Daddy mo ko? Edi baby kita kaya wag ka maingay baby, pinagtitinginan tayo oh!"
"Ugh, Nathan!!"
"Oh, where's the daddy thing? Hahahahaha."
"Shut up, I'm busy." Busy eating my ice cream, yay!! Sarap talaga.
"Dugyot mo baby!" Sabay punas nung ice cream sa gilid ng bibig ko.
Ano ba naman yan, Riri! Napaka kadiri mo talaga! Nakakahiya ka! Pero well, gusto ko naman. Pero shet, kahiya padin.
"Nate, kung daddy kita tapos baby mo ako, sino yung mommy ko?" Seriously Ri, gusto mo talaga malaman?
Nginitian niya lang ako at "Busy ka diba? Hahaha. Kumain ka na muna." Ay sus, lakas maka iba ng topic, eh. Pero okay na yon, atleast di ko nalaman. Baka mahimatay pa ako eh, ay joke. Ang OA naman.
At ganon lang kami maghapon. Nagsaya. Kinalimutan ang problema.
Sana ganon nalang talaga. Sana hindi na matapos to. Sana bukas ganito pa din.

BINABASA MO ANG
Just An Option
Roman pour AdolescentsREMINDER: THIS STORY IS TAGLISH. IT CONTAINS FOUL WORDS, MOSTLY. Ever felt being an option? Well, I guess this story suit for you. I'm not telling I can help with your problem, but atleast you will realize some things. Like you are not the only pers...