CHAPTER 22

148 2 0
                                    

This is the day na babalik na ako sakanila. Oo, tama ang nabasa niyo. Babalik ako sakanila. Bakit? Kasi pamilya ko parin naman sila eh. Binuhay naman nila ako, hindi nga lang nila ako minahal. Pero ayun nga, sabi ni Tita: Everybody deserves a second chance.

Bibigyan ko sila, pero kapag walang nangyare...kapag hindi nila tinama ang mali nila...kapag ganun pa rin...at kapag hindi pa nila ako minahal... Aba! Tama na! Hindi ako Diyos na handang magpatawad ng magpatawad.

Lumabas na kami--Tita at Arthur-- sa bahay at andun na sila.

"Tara na, Anak. Uwi na tayo." Hindi ba napapagod si Mom kakaiyak? The f.

"Give me a second." Sagot ko. Hindi na masyadong cold. Hehe.

I hug her--Tita. "Tita." Shit. I'm getting emotional. "Thank you. Thank you sa lahat. Sa pagpapatira niyo sakin. Sa pag alaga. Sa mga pangaral. At higit sa lahat, sa pagtrato sa akin na parang anak at sa pag mamahal." Tinap niya lang ang likod ko at "Mag-iingat ka don, Nak ah? Ingatan mo sarili mo. Kapag may problema, tawag ka lang kay Arthur. Okay?" Tumango ako. Hindi na ako makapagsalita dahil sa iyak. Sabihan niyo na ako ng OA pero sa isang buwan na yun pinaramdan nila na may halaga ako eh.

Lumapit ako kay Arthur at niyakap "A! Ohmygod! I didn't see this coming, jeez. Pero thank you ah? Salamat sa lahat. Alam na yun, jusko. Papahabain pa ba?" Kinalas niya ang yakap niya at pinunasan ang luha ko. "Wag ka na umiyak. Papanget ka. Sige ka. Haha!" At hinampas ko siya pabiro. "Mag-ingat ko don, okay? Kapag may problema ah?" Sabay halik sa noo at pisngi ko. Hays. Eto talaga yung pinaka mahirap sa lahat eh. Yung "Leaving the people you love." pero hindi naman sila mawawala sa puso ko.

"Ate!!!" Sabay na sabi ni Kath at Nella sabay yakap sakin habang umiiyak. Napangiti naman ako. "Hala! Wag kayo umiyak. Lagi ko kayong tatawagan tapos magkekwento ako pati kayo ganon. Haha! Pero salamat sa inyo ah? Ang saya niyo kasama at maging kaibigan. Mahal na mahal ko kayo." Sabay halik sa ulo nilang dalawa. "Magbabait kayo ah?" Dagdag ko pa. Tumango tango sila habang nagpupunas ng luha. Such a cutie.

Lumapit ako kila Ford at Marlo. Niyakap ko sila pero kumalas rin agad ako. "Ford, iingatan mo Bebe Kath ko ah? Kase pag nalaman kong umiyak yan pupunta ako rito para batukan ka lang." Napatawa naman siya ng onti. Aba! Kagwapong bata. "Opo Ate. Mamimiss kita." At hinug ko uli siya. "Marlo, kayo na ba o hindi?" Ngumiti lang siya. Aba! "Ay jusko! Haha! Pero ingatan mo rin Bebe Nella ko ah? Tulad ng sinabi ko kay Ford, gagawin ko rin yon sayo." Hinug ko ulit siya at "Mamimiss kita, Ate."

Lumapit na ako kila Mom. Kumaway ako sakanila--Tita, Arthur, Nella, Kath, Marlo at Ford.--- at "Mamimiss ko kayo!"

*

Nasa kotse na kami, pauwi. Kasama ko lang sila Mom and Dad. "Anak, how are you? Are you good with them? Did they treat you right?" Wow Mom! Ikaw talaga may ganang mag tanong ng ganyan? "Yes. They treated me the way I wanted to. They treated me good. Tinrato nila ako sa paraang hindi niyo nagawa." Hoo! Inhale. Exhale. Kalma. Kalma. "Hayaan mo kaming bumawi, Riri." Sabi ni Dad. Tumango lang ako.

Sana wag nila sayangin tong pagkakataon na to. Sana.

Just An OptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon