CHAPTER 21

142 2 1
                                    

"Arthur." Napalingon siya sakin. "Ri!" Sabay takbo niya papunta sakin at yakap. Shit. Naiiyak ako.

"Kanina pa kita hinahanap. Saan ka galing? Are you okay?" Umiling lang ako. Hindi ko alam kung ano isasagot ko.

"We need to talk." Bumitaw siya sa yakap. Nauna ako maupo sa sand. Sumunod naman siya.

"Nathan wants me to choose between you and him." Sabi ko habang naka tingin sa kawalan.

"Choose him." Wait... What? Huh? Why?! Alam niya naman yung ginawa sakin non eh! Ano ba! Ang gulo gulo niya!

"Choose him, Ri. Mas nauna siya sa buhay mo. Tsaka diba narinig mo na yung side niya? Hindi pa ba sapat yun?" Napatingin ako sakanya. Why am I crying again? "Shit. Don't cry."

"Why Arthur?"

"Anong why ka diyan? Haha. Gusto mo pa siya or should I say mahal mo pa siya. Nafi feel mo lang na gusto mo ako kase ako yung kasama mo, ako yung tumulong sayo, ako yung nagparamdam sayo na mahalaga. Pero nung narinig mo ba yung side niya, hindi ka natuwa?" Umiling ako. Totoo naman eh. "Kaya ganon kase iniisip mo ako. Iniisip mo na baka masaktan ako. Tama ba?" Hindi ko alam. "Oo Ri nasasaktan ako. Kase nagustuhan na kita eh. Pero wala. Wala akong magagawa. Extra lang naman ako. Dumating lang ako sa buhay mo para ipakita na may silbi ka sa mundong to. Masakit mang malaman na mapupunta ka sakanya pero kailangan kong tanggapin. At nakita kong mahal na mahal ka niya. Kanina, nung nag walk out ka dapat susundan kita pero pinigilan niya ako at sinabing ako na. Kitang kita ko sa mata niya na nasasaktan siya para sayo."

Pero sapat na ba yun para piliin ko si Nathan?

"Iniisip mo siguro na hindi pa sapat yun. Ri, everybody deserves a second chance. Hindi habang buhay magagalit ka or kung ano man. Maikli na nga lang ang buhay natin tapos puro hinanakit pa ang dadalhin mo? Wag ganon. Handa akong isuko ka sakanya kase alam ko na worth it. Alam kong hindi niya na gagawin yung katangahan niya dati. Alam kong mamahalin ka niya."

Siguro nga. Tama siya. "Salamat Arthur." Tumayo ako at ganon rin naman siya. Niyakap ko siya at "Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka. Salamat."

*

Sabay kaming bumalik sa tabing dagat kung saan naroon silang lahat -- Mom, Dad, Lili, Rika, Nathan, Kath, Ford, Nella, Marlo at Tita.

"Anak." Sabay na tawag nila Mom at Dad. For once, tinawag nila akong anak. Dapat masaya ako eh. Pero wala. Wala akong nararamdaman. Kung hindi pa nila nalaman ang totoo, hindi pa nila ako tatawaging anak.

"Riri." Tawag ni Lili sakin habang umiiyak parin. Now what? Tinignan ko lang siya. Unti unti siyang lumuhod at "Sorry. Patawarin mo ako. Sorry kase nagawa ko yun. Nainggit lang talaga ako. Pero sana bigyan mo pa ako ng isang pagkakataon. Itatama ko lahat ng mali ko."

"Tumayo ka diyan." Sabi ko. With my super super cold voice. Tumayo naman siya.

Humarap ako kay Tita. "Tita." I hug her and start to cry again.

Parang si Tita pa yung nanay ko ano?

Pagkahug ko kay Tita, narinig ko namang umiyak si Mom.

Bakit? Nasasaktan siya dahil mas close kami ni Tita? Bakit, hindi ba nila naisip na pag nakikita kong mas mahal nila si Lili hindi ako nasasaktan?

Hindi naman sa gumaganti ako pero ewan ko. Masakit parin.

"Anak. Umuwi ka na sakanila. Pamilya mo parin sila kahit papano." Napaka bait niya talaga. Bakit ganon?

Kumalas ako sa yakap ko at humarap kila Mom. "Uuwi ako bukas. Wag muna ngayon." Sabi ko sakanila at umuwi sa bahay nila A.

Bastusan na kung bastusan pero ayoko muna. Hindi pa ako handa.

Pumasok na rin sila Arthur. Tinabihan naman ako ni Tita samantalang si Arthur ay naghahanda ng pagkain namin.

"Masama yung ginawa mo." Sabi ni Tita sakin.

Ang alin? Yung tinalikuran sila? Bakit hindi ba masama yung hindi nila ako tinrato ng tama?

"Wala pa yun sa ginawa nila sakin, Tita."

"Hindi tama yan, Riri. Magulang mo sila. Pamilya. Kahit anong mangyare, walang magbabago dun. At kelan pa naging tama yung gumanti? Wala. Hindi kailanman magiging tama yon. Patawarin mo nalang sila. Oo, mahirap. Hindi man ngayon pero itry mo. Kahit anong kasalanan nila, hindi mo sila matitiis kase mahal mo sila. Kahit na sabihin mong hindi mo sila mahal, hindi totoo yun. Kase kaya mo lang sinabi yun dahil galit ka. Pero hindi pwede na mabuhay ka sa galit. Matuto ka magpatawad."

Hindi ako makasagot. Siguro nga tama sila. Siguro nga dapat bigyan ko sila ng pangalawang pagkakataon.

Just An OptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon