Dumating na si Dad. Kaya lumapit kami ni Lili para mag bless. Yes, kahit papano may galang parin ako.
"Saan Mama niyo?" Ay, oo nga pala. Di pa nauwi si Mom. "Di po namin alam." Sagot ko.
Umupo si Dad sa sofa at sinundan namin ni Lili. Nagkatitigan kami. It's now or never.
"Dad." Napatingin naman siya sakin. "Please let Lili explain. Please. Wag niyo naman gawin kay Lili yung ginawa niyo sakin." Napunta naman ang tingin ni Dad kay Lili.
"Dad.." Medyo naiiyak na siya. "Pinagsisihan ko na po. I'm sorry. I'm really really sorry." Now she's crying. "Alam kong hindi mababalik ng sorry ko yung nangyare pero please give me another chance." Halata naman sa mukha ni Dad na gusto niya patawarin ito at naawa ito. Pero syempre hindi mababalik ng sorry ang lahat.
"Kailan mo ba balak sabihin ang totoo?" Oo nga ano? Kung hindi ko pa sinabi yung totoo, hindi pa magkakaaminan. "Sasabihin ko naman sa tamang oras." Pagkasabi non ni Lili agad na nagpanting ang tainga ni Dad at napasigaw.
"Tamang oras?! Kelan yun?! Kung kelan napatay na namin si Riri?! O yung nagpakamatay na siya dahil hindi niya na kinaya ang mga ginagawa natin?!" Shit naman. Hinawakan ko si Dad sa kamay kaya medyo kumalma siya. Si Lili naman humahagulgol na. "Hindi Dad. Hindi pa ako handa kase nga alam kong magkakaganto! Pero maniwala kayo, araw araw nagsisisi ako na ginawa ko yun!" Natahimik kaming lahat. Hikbi lang ni Lili ang naririnig ko kaya lumapit ako at hinimas himas ko ang likod niya. Nang biglang dumating si Mom. "What's happening?" May dala siyang grocery. Lumapit si Mom kay Lili. Oo, okay si Mom at Lili kase ina siya eh. Inintindi niya kahit na mahirap. Pero bakit ako hindi niya naintindihan noon?
"Anong nangyare, Nak?" Tanong sakin ni Mom. "Ine explain po ni Lili kung bakit niya nagawa yun." Napatango naman siya at lumapit kay Dad. "Roberto, anak mo yan! Intindihin mo naman! Hindi pa ba sapat yung nagsorry na at pinagsisihan? Give her a chance." At dahil don, napaamo si Dad.
"Okay. Sorry Lili. Hindi ko sinasadyang masigawan ka." Napatingin naman si Lili at tumakbo payakap kay Dad. Napayakap na rin si Mom. Nakatingin lang ako sakanila ng "Tara dito Ri!" Sabi naman ni Mom.
Ang saya. Ang saya ituring na anak. Ang saya ng ganto.
*
Nagmall kami ni Lili. Oo, good mood eh. Haha! Ganyan yan kapag good mood, nanglilibre. Kahit naman hindi kami magkasundo dati, kilala ko parin yan. Dahil bukod sa kapatid ko siya, kakambal ko siya.
Habang kumakain kami sa isang fast food chain, may lumapit samin kaya napatingin kami.
Ah, si Kate.
"Oh, you're back." Sabi niya sakin at naka smirk pa. Tinignan ko lang siya. "Anong pakulo to Lili? Anong kaplastikan to? Haha! If I know, pakitang tao ka lang."
"Shut the fuck up, Kate. Wala kang alam. Get the hell out of here." Kalmado pero matigas na sabi ni Lili.
"Wag kayo gumawa ng eksena dito, please." Sabi ko. "Umalis ka na nga Kate. Kung gusto mo magkita tayo mamayang 5 pm sa playground malapit samin. Doon tayo mag-usap." Dagdag ko pa. Medyo nainis siya kaya padabog siya na umalis.
Shit. Bigla kong naalala. May alipores siya! Ugh! "Shit." Bulong ko pero narinig ni Lili. "Why?" Tanong niya. "May alipores nga pala si----" She cut me. "Wala siyang alipores. Wala na. Simula nung umalis ka nabuwag ang 'mean girls' sa school." Huh bakit? "Si Nathan kase. Pinagsabihan niya lahat. Ay I mean, inaway niya. Yun. Ganon ka nun kamahal. Nilabas niya lahat ng baho ni Kate. Tapos nagalit sakanya mga alipores niya kaya mag-isa nalang siya." Napatango nalang ako. I owe Nathan.
*
It's 5 pm. Nandito na kami ni Lili sa playground, yes kasama ko siya. May tinawagan siya. "Dad, malalate po kami ng uwi. Opo. Kasama ko po si Riri. Nasa playground lang. Opo. Ok bye. Love you too." See? Maayos na sila. Haha! I'm so happy.
Nakita si Kate palapit. Kaya lumapit na ako sakanya. "Ano yung show mo kanina?" Tanong ko agad. "Bakit di mo tanong diyan sa kakambal mo na plastik?" Sabi niya with smirk at tinuro niya pa si Lili. Pagkatapos niya ituro, pinag cross niya ang kamay niya.
"Oh yes! You're right! Plastik ako. Plastik sayo! Ginamit lang kita girl." Sabi naman ni Lili. Agad naman napa baba ng kamay si Kate dahil sa gulat at inis.
"Will you two please shut up?!" Sabi ko. Ayoko ng away! Gusto ko ayusin to! Napatigil naman sila. "Pinapunta ko si Kate dito para mag usap, hindi mag away!"
Agad napangisi si Kate at "Pwes, ako away ang pinunta ko rito!" Sinabunutan niya ako. Aba putangina! "Gago! Bitawan mo nga kakambal ko!" Sabay hila rin ng buhok kay Lili. Shit. Pinipigilan ko sila pero nahila nanaman ang buhok. "Mang aagaw ka! Akin si Kei!" Sabi ni Kate sakin. "Wala akong inagaw sayo!"
"Kaaaaaate!" Narinig kong sigaw ng lalaki na hindi ko matukoy kung sino. May pumigil samin at nakita ko si Kei na inaawat si Kate at si Nathan nasakin samantalang si Rika at nakay Lili.
Biglang umiyak si Kate at yumakap kay Kei. What the fuck? "Siya ang nauna Kei. Sinaktan niya ako."
"Tigilan mo ko Kate! Nakita namin ang lahat! Lintek ka!" Sigaw ni Kei. All this time, alam nila? Nanunuod sila? Jeez.
"At hindi ako sayo! Never akong papatol sayo!" Dagdag pa ni Kei. Umalis na si Kate.
"Are you okay?" Tanong ni Nathan sakin. Tumango lang ako. Shit Ri! Bakit ka nawawalan ng salita? Tinignan ako ni Kei. "Sorry." Ngumiti lang ako. Inayos ko ang sarili ko. "Riri." Sabi ni Rika. "I'm fine. Thank you." Sabi ko sakanilang tatlo. "Ayos ka lang, Li?" Tanong ko. Inayos ko pa ang buhok niya dahil magulo sa sobrang sabunot ni Kate. Ngumiti siya sakin. "Mauna na kami ni Lili." Sabi ni Kei. At umalis na sila.
Napaupo ako sa bench. Ok, what was that? "Are you sure na okay ka lang?" Sabi naman ni Rika. "Yes, I'm fine. Pwede na kayo umalis. Kaya ko mag isa." Sabi ko at ngumiti pa.
"Una nako, may gagawin pa ako. Be careful Ri." Sabi sakin ni Rika. At umalis na.
Now, it's so awkward. Kami nalang ni Nathan.
Nakatingin lang siya sakin. Nakakailang. "What?" Tanong ko na medyo natatawa. Umiling lang siya habang nakangiti. "Can I hug you?" Nagulat naman ako sa tanong niya. Hindi pa ako sumasagot, niyakap niya na ako. Nagulat ako pero nabawi ko agad at napangiti. Gusto ko naman to. Matagal na.

BINABASA MO ANG
Just An Option
Ficțiune adolescențiREMINDER: THIS STORY IS TAGLISH. IT CONTAINS FOUL WORDS, MOSTLY. Ever felt being an option? Well, I guess this story suit for you. I'm not telling I can help with your problem, but atleast you will realize some things. Like you are not the only pers...