CHAPTER 23

142 3 0
                                    

Today... Today is the day.

Pagkababa ko para kumain, andun na sila. "Good morning, Ri!" Masayang bati ni Lili. Huh? Is this for real? I mean... Wala akong nakikitang kaplastikan sa ngiti niya or kung san. "Hey." Sagot ko at ngumiti ng onti.

"Ano gusto mo? Egg, bacon or hotdog?" Tanong ni Dad. Sheez. Di ako sanay. Sobrang naninibago ako. "Tag iisa, Dad. Hehe." Ngumiti naman siya. Ang gaan ng loob ko. Hay. Masaya rin naman pala kapag may peace eh. Sana laging ganto.

"Plain or fried rice?" Si Mom naman. "Plain, Mom." At pinagsandok ako ni Mom.

"Dad... Uh." Napatingin ako kay Lili. "Sorry." Sabi niya sabay yuko. Uhmmmm... What's happening? "Shut up and just eat. Mamaya nalang natin pag usapan yan." Oh.

"Li.. Uh, what happened?" Sobrang naguguluhan na ako. Di ko alam kung tungkol to kay Nikki or sa mga pinaggagawa niya sakin or what.

"Di pa nila ako kinakausap ng maayos at di rin nila ako pinapansin." Oh, again. Tumango nalang ako at kumain.

Pagkatapos naming kumain, umalis na si Dad papuntang office and guess what? Hinalikan niya ako sa noo. Di ako sanay, ok.

Si Mom naman ay umalis rin kase may aayusin daw. At hinug niya ako. OMG. Gusto ko umiyak kanina nung ginawa niya yon kase first time eh. Pero buti napigilan ko.

So, kami nalang ni Lili ang naiwan. Nakita kong lumabas siya ng bahay. Yeah, walang paalam. Pero may problem naman siya, kaya okay na yun. Sinundan ko nalang siya. At pumunta pala siyang play ground.

Umupo siya sa swing at nagsimulang umiyak. Shit. Lalapit na sana ako ng "Bakit ganon? Hindi ko naman sinasadya eh. Pinagsisihan ko naman. Pero bakit ganon pa rin sila? Ang sakit sakit. Ang sakit pala. Ganto pala palagi yung nararamdaman ni Riri." Tinuloy ko ang paglapit ko at umupo sa katabi niyang swing. Nagulat siya kaya napatingin siya sakin. "Alam mo Lili, hindi naman kase ganon kadali magpatawad. To be honest, hindi ko pa kayo pinapatawad pero binigyan ko kayo ng chance. It takes time to heal a broken heart. Oo, broken heart kase pinatay mo yung isa pa nilang anak and worse kakambal mo, anak ka rin nila. Hindi naman sa pinapamukha ko pa pero yun yung totoo eh. Hayaan mo muna. Intayin nalang muna natin na lumamig lamig yung ulo nila saka mo i explain. Don't worry, nasa likod mo lang ako. I will help you, support you because you are my twin." Lalo siyang napaiyak sa sinabi ko. Hala? Mali ba? Jusko! "Ang tanga tanga ko para saktan ang isang katulad mo. Ang bobo ko. Ang engot ko! Tangina. Grabe! Sorry talaga Ri. Sorry." Tumayo ako sa harap niya at lumebel sa kanya. Yung parang nakaupo na na hindi. Ay ewan. Basta ganon! Pinunasan ko ang luha niya at "Wag ka na umiyak." At niyakap siya. Niyakap naman niya ako pabalik. "Thank you, sister."

Ang sarap sa pakiramdam. Ang saya ko! Sana lagi nalang ganto.

Just An OptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon