Kinabukasan
"Okay class. We have a new student here in our class, okay? Please. Be kind." Ani Ms. Pascual
Omg! Omg! Naeexcite ako! Like duh, sinong hindi eh kaklase mo na crush mo!!
Andito na pala si Rika, btw. Kakarating lang nila sa Baguio. Namatay pala ang kanyang lolo, ang papa ng kanyang dad. Kaya pala halos 1 week rin siyang wala.
"Hi. I'm ..."
"NATHAN DELA VEGA!!" Sigaw ng isang babae at sabay tila ng iba pa niyang kasama. Well, sino bang hindi makakakilala sakanya? Varsity tapos pamangkin ng may ari. Oh, diba!
Kumamot siya sakanyang batok. Oh my God, ang cuuuuuute!!
"Hehe. Ayun nga. I'm Nathan Dela Vega. I transfered here because of some personal reason. I hope we can all be friends. That's all." Sabay ngiti niya.
Rinig ang mga impit na tili ng mga kaklase naming babae kase tinitignan na sila ng masama ni Ms. Pascual. Hahahaha.
"Thank you for that Mr. Dela Vega. Please take your seat beside Ms. Rika Smith." Tumango bilang pag sang ayon si Nathan sa sinabi ng aming guro. Kita mo rin ang saya sakanyang mukha ng malaman niyang katabi siya ni Rika. Anong meron?
Medyo nalungkot ako dahil hindi ko siya katabi. Pero ayos lang. Katabi ko naman si Rika eh! Hahaha. Medyo malapit lapit.
"Okay class. Dahil wala namang gagawin, free time. Oh Rika, pag may problema or what punta ka lang sa office ah?" See? Nandito nanaman siya, kaya ako parang hangin nanaman.
Normal students. Narito ang may magsigawan. Kantahan. Kwentuhan. At kung ano pa. Ngunit dalawang tao lamang ang pumukaw ng aking atensyon. Sila Rika at Nathan.
Masaya silang nag uusap sa aking tabi. Hindi ko gusto o sinasadya pero narinig ko ang usapan nila.
"Hi Rika!" Unang approach ni Nathan kasabay ng kanyang ngiti. Napaka gwapo nga naman talaga niya, oh!
"Hello! Uy, talagang sineryoso mo ang paglipat rito ha! Naks." Ani Rika.
Naglagay ako ng earphones sa tainga at yumuko. Kunwari may tugtog pero wala. Ewan ko, gusto ko makinig sakanila eh.
So, matagal na pala silang nag uusap? Bakit hindi ko alam? Bakit ko pala dapat malaman, eh hindi nga ako tinuturing na bestfriend ni Rika eh. Hahaha nako talaga Riri. Napaka engot mo!
Patuloy akong nakinig sakanila.
"Oo naman! Alam mo naman may isa akong salita diba?" Sabay tawa nila.
"Eh teka, ano bang plano?" Tanong ni Rika. Plano? Anong plano?
Matagal na katahimikan ang narinig ko sakanila. Sampung minuto ang lumipas napagdesisyunan ko ng tumunghay.
Wala na pala sila kaya pala tahimik na.
"Hi my dearest sister!" Anong kailangan nito?

BINABASA MO ANG
Just An Option
Genç KurguREMINDER: THIS STORY IS TAGLISH. IT CONTAINS FOUL WORDS, MOSTLY. Ever felt being an option? Well, I guess this story suit for you. I'm not telling I can help with your problem, but atleast you will realize some things. Like you are not the only pers...