CHAPTER 19

124 2 0
                                    

Hindi ako makatulog... Ahh. Tabing dagat nalang ule. Ano ba, kotang kota yung tabing dagat sakin ah?

Habang nakaupo ako at nakatingin sa malayo, naisip ko.

Hinahanap kaya nila ako?

Alam kaya nilang nawawala ako?

Nag aalala kaya sila?

Masaya kaya sila?

Ano kayang ginagawa nila?

Hindi ko na alam. Oo, masaya ako. Masaya kase kahit papano, nawalan ako ng problema. Naging masaya ako.

Pero syempre, malungkot. Kase kahit anong gawin ko, pamilya ko parin sila.

"Anong ginagawa mo dito? Ala una na ah?" Napatingin ako sa nagsalita. Si Arthur pala.

"Wala. Hindi ako makatulog." Umupo siya sa tabi ko. "Eh, ikaw? Ano ginagawa mo rito?"

"Nauhaw kase ako, tapos nakita kong wala ka. Hinanap kita tapos dito kita natagpuan." Naka tingin lang ako sakanya.

Ang tangos ng ilong niya. Bagay ang panga niya sa mukha niya. Ang ganda ganda ng mata niya, parang laging nagmamakaawa.

"Ano, kabisado mo na mukha ko?" Bigla naman akong nahiya. Uggh!

Hinampas ko siya. "Wow! Ikaw pa gana mang hampas ah? Ikaw na nga tong tumititig." Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Alam mo, kung hindi ikaw si Riri at kung hindi ako nangako sayo. Hahalikan kita." Napatigil ako sa sinabi niya.

What?

"Ganun ginagawa ko sa mga babae non eh. Kapag tinititigan ako, hinahalikan ko."

Sheez, Arthur.

"May naging girlfriend ka na ba?" Pag iba ko ng topic. Namumula ako eh. Jusko.

Umiling siya. "Wala. Ayoko ng commitment."

"Huh, ah eh. Bakit?"

"Kase hindi ko naman maipapangako sakanila na hindi ko sila sasaktan tapos baka magawa ko yung ginawa ng Tatay ko."

Tumango nalang ako.

Pero bakit mo sinabi na, hindi mo ko sasaktan? Bakit? Papaasahin mo ba ako?

*

"Ri. Ang tahimik mo." Sabi ni Tita.

Umiling lang ako.

"May sakit ka ba?" Sabay hawak ni Arthur sa noo ko tapos sa leeg.

"Hala! Ang inet mo!" Sabay takbo niya sa kwarto. At pagbalik niya, may hawak na siyang thermometer.

Kaya pala ang bigat ng katawan ko. Sheez.

Kinuhanan niya ako ng temperature at "Tangina Ri! 39! Jusko! Humiga ka na pagtapos mo kumain."

Wala ako sa mood makipagtalo kaya tumango nalang ako.

Humiga na ako at pumikit.

"Anak, uminom ka muna ng gamot." Napadilat ako. Si Tita.

Anak? Ngayon lang may tumawag sakin ng ganon.

Inabot ni Tita ang gamot at ininom ko ito.

Lumabas na si Tita para raw makapag pahinga ako. Humiga ako. At pumikit.

Narinig ko ang pag uusap nila Tita.

"Ma, kamusta siya?"

"Napainom ko na ng gamot. Wag ka maingay. Pagpahingahin mo muna siya. Sige."

Dahil wala akong lakas dumilat, hinintay ko nalang na maupo siya sa tabi ko.

"Ano ba yan. Anong nangyayare sayo? Pinangako ko na iingatan kita. Aalagaan kita. Pero hindi ko magawa. Sorry Ri. Magpagaling ka na please." Sabay halik sa noo ko.

Ngayon lang. Ngayon lang may nag alaga sakin kapag may sakit ako. Ang sarap sa pakiramdam.

Just An OptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon