Wow! It's been a month. Maraming nagbago. Mas palangiti na ako. Masaya na ako. Minsan nalang ako lumungkot kapag sumagi sila sa isip ko, pero split seconds lang. Hahaha. Dito ko rin nailabas yung isang side ko. Yung side na makulit and such. Dito ko rin naramdaman na mahalaga ako. Sila hindi nila ako tinuturing na option second choice. Sa katunayan, ako lagi ang first nilang naiisip. At nakakatuwa yun syempre.
Samin naman ni Arthur. Wala. Ewan ko. Magulo. Minsan, sweet. Tapos minsan parang umiiwas siya. Ewan! Basta masaya ako sa piling niya ---- ay este sa piling nila. Hehe.
Sila kath at Nella naman. Wala, lagi paring sabay sa gagawin or sasabihin. Hindi na ako na wi weird-an. Hahaha! Pero alam ko si kath may jowa na. And guess what kung sino? Ford is the name. Hahahahahahaha! Oo nakakaloka. Parang kathNiel. Tapos si Nella, wala. Landi landi. Hahaha! Ayaw niya pa raw. Tsaka, dumating nga yung point na, nagselos si Nella kila kath at Ford. Haha! Syempre, alam mo na. Magbestfriend sila tapos biglang ganon. Pero ayos naman. Boto naman si Nella sakanila. Actually, may nanliligaw kay Nella ngayon. Si Marlo ata? Ewan. Basta yun. Hahaha!
Mas naging close kami ni Tita. Parang nanay ko na nga siya eh. Siya yung nagparamdam sakin kung paano mag alaga, magdisiplina at magmahal ang ina. Oo, dinidisiplina ako niyan. Hehe. Tigas mukha ko eh.
Siguro nagtataka kayo kung bakit hindi pa ako umaalis sakanila no? Nagplano naman ako, kaso sila mismo ang may ayaw. kaya nakiki share nalang ako sa mga gastusin. Hindi parin ako nauubusan ng pera kase minsan na side line ako. Like, gawa ng bracelets from shells. Ganon. Sakto lang yung kita pero ayos na. Atleast may magagawa ako.
*
Nandito kami ngayon sa tabing dagat ule. kami nila Tita, kath, Ford, Nella, Marlo, A at ako. Oha! Saya saya. Hahahaha! At oo, close na namin sila Ford at Marlo. They're one of us. Yiz. Hahahaha! Ang hyper ko nanaman. Pero yun nga, mabait naman sila. Si Nella at Marlo, ewan ko kung sila na. kasi ang sweet tapos ewan. Hahaha!
"Are you okay?" Tanong ni A sakin.
Tumango ako at ngumiti sabay sabi ng "Yep!". Nginitian niya nalang rin ako.
"Ate! kuya! Laro tayo taya tayaan. Taya si kuya A!" Sabay takbo namin. Hahahaha! Parang mga bata naman kami.
"Hayup ah! Ako nanaman! Pero sige! Hahaha."
Ayun masaya kaming naglalaro. Natataya rin ako minsan pero mabilis lang. Hahaha!
Masaya na eh. Masaya na kaming naglalaro. kung wala lang akong nakita.
Napatigil ako. "Oh, Ri. Taya ka!" Sigaw ni Arthur sakin. Hindi ko siya pinansin kase dina digest ko pa yung nakikita. "Huy! Nyare sayo?" Tanong sakin ni A ng makalapit. Lahat sila nasa likod ko pwera kay A kase nasa tabi ko siya.
"Riri." Sabi ni Mommy.
Bakit? Bakit kung kelan okay na ko dito, saka sila nandito? Bakit kung kelan masaya na ako? Bakit?! Talagang bang pinagkaitan ako maging masaya?
Lumapit sila sa akin. Oo sila. Sila Mom, Dad, my dearest twin Lili, ang bestfriend ko Rika at si Nathan. Oo andito sila ngayon. Sa harap ko.
"Umuwi ka na." Sabi ni Mom.
Umiling lang ako. I can't say a damn word!
"Putangina naman! Ang daming pera ang ginastos namin para hanapin ka tapos di ka sasama?! Leche ka talaga! Wala kang kwenta! Sana ikaw nalang ang namatay!" Sabi ni Dad.
"Wow Dad! Sino bang nagsabi sa inyo na hanapin niyo ako?! Ha?! For damn's sake wala! And on the first place, bakit niyo ba ako hinahanap?! Eh wala naman kayong pake sakin! Ayoko! Ayoko sumama sa inyo! Ayoko na sainyo! Kase sawang sawa na ko sa kashitan niyo! Oo talaga! Sana ako nalang yung namatay! Sana ako nalang yung nasunog pero hindi eh." Now, I'm crying. "Siya. Si Nikki yung nasunog! Ako na nga yung nag magandang loob non kase kakambal ko siya! Kung sana pinalaki niyo ng tama yang si Lili, sana walang ganon na nangyare! Kung sana hindi inggitera yang putanginang yan, sana masaya tayo ngayon! Kumpleto! Pero hindi." Nakita ko ang mga gulat sa mukha nila. Now, I need to tell the truth. "Hindi ko na kaya itago kase sawang sawa nako sa putanginang buhay na to! Naglalaro kami non. Tapos sinabi ni Lili sakin na 'Riri, hindi ka ba naiinis kay Nikki? Kase lagi siya yung pinapansin nila Mom. Eh samantalang triplets tayo tapos ganon pa. Tara sunugin natin to tapos hayaan natin siya.' Hindi ako sumang ayon sa plano niya dahil alam kong masama yon! Oo naiinis pero hindi aabot sa puntong gusto ko siyang patayin! Naiintindihan ko naman na may sakit si Nikki pero for heaven's sake! Tatlo kami! May dalawa pa! Pero bakit hindi kayo pantay magmahal?! Pagkatapos nun habang naglalaro kami, sinunog ni Lili yung kubo at tumakbo pababa kasama ako. Naalala ko si Nikki. Kaya tumakbo ako papasok pero wala na. Masyado pa akong bata non. Hindi ko kinaya ang usok kaya umalis na ako dun. Pakatapos nun wala na! Nagkanda leche leche na yung buhay ko! Kase kung hindi magaling gumawa ng kwento yang si Lili edi sana walang ganto! Iniba niya ang lahat! Ako ang sinisi niya para siya lang ang mahalin niyo!" Umiiyak parin ako. Putanginang luha to oh. Ayaw tumigil. Nakita ko rin umiiyak na si Mom at Lili. Si Dad, hindi makapaniwala at parang humihingi ng tawad ang mukha niya. Si Nathan, Rika at sila A ay gulat lang sa pangyayare. "Sana sa susunod, magtatanong kayo kung sino ang nakakaalam. Kase hindi niyo alam, may nasasaktan na pala kayo." Nag walk out ako. Ayoko na. Pagod na pagod na pagod na ako.
Nang makalayo na ako sakanila, napaupo nalang ako at umiyak. Hindi pa ba ako pagod umiyak?
"Riri." Yung boses na yun..... Matagal ko ng hinintay to. Bakit ngayon lang?
"Sorry." Napatingin ako sa bestfriend ko.
Pinilit ko ngumiti. Pero ayaw talaga eh. "Sorry kase parang iniiwasan kita. Sorry kung hindi kita nakakasama. Sorry na kapag kailangan mo ako, wala ako. Sorry kung hindi ko maparamdam na bestfriend mo ko. Kase ayoko masaktan ka." Ayaw? Eh hindi niya ba alam na sa ginagawa niyang yon nasasaktan ako? "Sinabihan kase ako nila Kate na kapag di kita nilayuan, sasaktan ka nila. Dapat sakanila ako para gawan sila ng assignments. Sorry talaga." Ngayon umiiyak na siya.
Okay lang naman eh. Kaso sana sinabi niya na dati pa para hindi ako sobrang nasaktan. "Una nako." At umalis papalayo ule sakanya.
Sa ngayon, hindi ko pa kaya magpatawad. Sapat na marinig ko ang dahilan.
"Ri." Ano nanaman? Napalingon ako kung sino yon at laking gulat ko kung sino. Si Nathan.
"I just wanted to say sorry. Sorry kase sabi ko babawi ako pero di ko nagawa. Natorpe ako. Hindi ko alam gagawin ko. Ri, matagal na kitang gusto. Matagal ko na gustong sabihin pero di ko kaya. Sobrang torpe ko eh." Matagal ko ng gusto to marinig pero bakit ganon, hindi ako masaya. "Natandaan mo nung tinanong mo ako kung sino yung gusto ko tapos sabi ko Rika knows. Hindi ko kase alam. Hindi ko alam kung paano kase nga, torpe. Si Rika ang may alam ng lahat kase sakanya ako nagpapatulong. Nagprisinta siya na tutulungan niya ako kase bestfriend mo raw siya. Nung battle of the bands sinabi ko na para sayo yung kanta na yun pero bigla kang umalis kaya hindi mo narinig. Nung nasa park, magkikita kami ni Rika para sumilay sayo. Oo lagi kaming ganon kaya ang layo ng meeting place namin. Matagal na kitang gusto Ri." Hindi ako makasalita. So, all this time mali ang akala ko?
"Naiintindihan ko naman na hindi ka sasagot pero sana itong tanong ko sagutin mo. Ano mo yung lalaki don?" Sino? Tatlo sila eh. Tinignan ko siya na parang nagtatanong kung sino. "Yung kaedad natin na ka height ko." Ah, si Arthur. "Ano mo siya? Kayo na ba? Huli na ba ako? Sagutin mo naman ako. Alam ko may gusto ka sa akin dati ewan ko lang ngayon. Kaya please. Answer me. Si Arthur o ako? You choose." Kilala naman pala niya eh. Wait --- what?! I need to choose?! Why?!
"Iwan mo muna ako." Sabi ko at sinunod naman niya. Bakit ganon? Bakit kailangan pang mamimili? Naguguluhan naman ako eh! Hinanap ko si Arthur. I need to clear things out.

BINABASA MO ANG
Just An Option
Teen FictionREMINDER: THIS STORY IS TAGLISH. IT CONTAINS FOUL WORDS, MOSTLY. Ever felt being an option? Well, I guess this story suit for you. I'm not telling I can help with your problem, but atleast you will realize some things. Like you are not the only pers...