Volleyball na. Kinakabahan ako na naeexcite.
Btw, nasabi ko na ata to pero okay sige ulet. Kateam ko si Rika.
----
"Okay?! Are you all ready? Let's all welcome the beautiful ladies of Ford University!!!!!" Marami silang taga suporta,tbh.Lahat sila ay pumasok ng court, aba kung pakinisan laban tangina panalo na sila. Puputi ng legs, tila di nag vo volleyball. Pero wala eh, walang ganda ganda kailangan dito ng galing at team work.
"And now let us all call our ladies!! The one of a kind ladies of Divine University!!!!!!" Dinig namin ang malakas rin na hiyawan. Shit, kinakabahan ako.
----
Okay naman ang game.Fifth set na. Takte, yung tuhod ko puta.
Ganto naman ang nangyare.
First set - Ford University (FU)
Second set - Divine University (DVU)
Third set - FU
Fourth set - DVU----
Oh my god!! 14-12 in favor of DVU!!!!! Shet shet. Concentrate na ko!!
Service ng FU
At pag spike, patama sana kay Rika ang bola ngunit nagmabuting loob na ako tinulak ko siya upang hindi siya matamaan. Kaso mali. Maling mali ang pag tulak ko, napalakas. Tumama ang ulo niya. Kaso yung bola ang lakas ng impact sa ulo ko.
Nahihilo ako. Nabibingi ako. Medyo nagdidilim ang aking paningin.
Naririnig ko ng konti ang pagtawag sa pangalan ko "Riri!!" Hindi ko maaninang ko sino ito.
At biglang dumilim.
----
Pag gising ko ... Nasa hospital ako????Huh? Bakit? Aamabang umupo ako pero biglang sumakit ulo ko, masakit parin.
May lumapit sa akin para alalayan ako maka upo ng maayos.
"Dahan dahan lang." Sabi ni ..... Kei.
Oo siya. Siya nanaman. Ano? Lagi nalang ba tayong aasa na si Nathan ang sumagip sa akin?
"Sabi ng Doctor, sobrang lakas daw talaga ng impact sayo ng bola. Dinala ka namin ----"
"Sinong nagdala sakin dito?" Pag putol ko sakanya.
"Ano uhmm ano uh ... a-ako" sabi na eh. Ano bang bago?
"So ano ayun nga, una dinali k-kita sa clinic" iwas niyang tingin "tapos sabi nung assigned nurse doon, hindi kaya ng clinic. Kailangan raw sa ospital. Hindi ko alam, basta ano sabi ni Doc, pwede ka na naman lumabas. Basta kaya mo. Kasi may posibility raw na sumakit sakit ang ulo mo."
"Thanks Kei. Salamat talaga. Paano nalang kung wala ka dun?" Pero nagtataka ako bakit hindi ang pinsan niya, si Rika, ang niligtas niya?
"Wala yun." Sabay ngiti niya at hawak sa kamay ko. Napatingin ako sa kamay namin, pero hinayaan ko nalang.
"Eh ano uhm, sinong nag ligtas kay Rika? Kamusta na siya? Okay lang ba siya? Anong sabi ni Doc? Bakit hindi siya ang niligtas mo? Bakit ako?" Sunod sunod kong tanong.
"Kalma. Hahahaha. First, ang nagligtas kay Rika ay si ano uhm Nathan." Tangina, hindi na nasanay yung puso ko. Ang sakit padin. "Second. Okay na siya. Una rin dinala siya sa clinic kaso sabi rin dalin dito. Ang sabi ni Doc, napalakas ang bagok ng ulo nito. Kaya titignan pa kung anong pwedeng mangyare. So, magstay parin siya dito. Bakit hindi siya? Kase ikaw ang gusto ko." Huh? Double meaning ba yung last niyang sinabi? Pero pinabayaan ko nalang.
"Pwede ba siyang puntahan?" Tanong ko.
----
Katapat lang namin ang room ni Rika kaya medyo hindi mahirap sa kondisyon ko.Kumatok si Kei at binuksan ang pinto.
Nakita kong nag uusap si Nathan at Rika. Mukhang seryoso. Anong pinag uusapan nila? Ang tungkol "sakanila" ba? Bakit ang sakit?
"Excuse me." Pag interrupt ni Kei.
Napatingin sila sa amin. Gulat.
"May narinig ba kayo?" Tanong agad ni Nathan.
"Wala bro, wag ka masyado pahalata." Sinabayan pa ng ngisi ni Kei.
"Rika, okay ka lang ba? Sorry ah? Gusto lang sana kita iligtas kaso mali pa ata."
"Nako, ayos lang ako. Ikaw okay ka ba? Salamat pala ah?"
Napangiti ako sa kanyang tanong. Kahit papaano, may concer parin siya sakin.
"Oo, ayos lang ako. Magpahinga ka lang dyan ah?" Ngumuti siya sa sinabi ko. Kay tagal ko ng huli nakita ang kanyang matatamis na ngiti.
----
Pagkapasok ko sa kwarto ko, ako nalang mag isa kase pinauwi ko na si Kei. Sumosobra na ako. Nung una ayaw pa niya, pero napilit ko padin."ANO BANG PINAG GAGAGAWA MO?! PURO KA NAMAN PROBLEMA BAKIT DI KA GUMAYA KAY RIKA?!!" Bungad ng Tatay ko. Galing ano? Tangina.
"Ano ba Dad? Pwede bang pagpahingahin niyo ako?"
"Dagdag gatos ka pa eh! Wag ka ngang magpaka hero! Kase kahit anong gawin mo, wala ka ng mababago sa nakaraan!" Sobra na. Ang sakit na.
"Dagdag gastos? Bakit nasaan ba yung mga pera niyo na galing sa trabaho niyo? Nasaan? Nasa luho ng anak niyo! Wala naman akonh dapat baguhin sa nakaraan kase alam kong wala akong mali doon! Kase ako nandoon, kayo wala!"
Umalis ako doon. Pumunta ako ng garden ng ospital. Nagmadali ako, at dahil doon sumakit ang ulo ko. Bawal ako ma stress.
Nakaka relax dito. Dito ko narin nilabas ang lahat ng sakit, pag hihinagpis. Lahat lahat. Sana mawala na to.
BINABASA MO ANG
Just An Option
Teen FictionREMINDER: THIS STORY IS TAGLISH. IT CONTAINS FOUL WORDS, MOSTLY. Ever felt being an option? Well, I guess this story suit for you. I'm not telling I can help with your problem, but atleast you will realize some things. Like you are not the only pers...