CHAPTER 15

152 1 0
                                        

Gumising ako. Aba natural, papasok eh. Pagkababa ko para kumain andun na silang tatlo.

Ano kayang mangyayare ngayon?

Kumakain ako ng "Mom, late ako uuwi ngayon. You know." Maarteng sabi ni Lili. Jusko naman! Napaka aga!

"Isama mo na yang walang galang mong kapatid." Nag panting ang tainga ko. Napahawak ako ng mahigpit sa kubyertos ko. Sino ba yung tinutukoy nila?! Ako lang naman kase wala na siya! Tinuloy ko nalang ang pagkain ko.

"Hell no! Bawal basura sa bar, Dad." SOBRA NA! TAPOS NAKO. PAGOD NAKO.

"Pwede ba wag sa harapan ng hapag?! Nakakaputangina naman eh. Bastusan kung bastusan! Sabihin niyo na ayaw niyo akong andito para lumayas nako! Sawang sawa nako sa impyernong to!" Padabog akong tumayo. Ganon rin si Mom at Dad. Si Lili? Wala. Naka ngisi pa.

"At saan ka pupunta kung sakali?!" Gusto mo talaga Dad ha. Ako pa hinamon mo.

"Sa malayong lugar na hindi niyo matatagpuan!"

Nagpahatid na ako sa school.

Ang ganda naman talaga ng umaga ko. Puta.

"Hey Ms. Riri!" Pukaw atensyon sakin ng isa sa aming teacher.

"Uh, yes sir?"

"Have you seen Rika? Kanina ko pa kasi siya hinahanap." Umiling ako bilang sagot. Alam kong bawal yung ganon kase nakakabastos. Kaso naman tangina kakadating ko lang! Tapos si Rika nanaman?!

"Ahh! Ikaw nalang. Tutal wala siya." See? Second choice.

Sumama nalang ako para matapos.

Pagkatapos ni Sir sa pinagawa niya sakin pumasok na ako sa classroom. Hindi pa ako late dahil napaka aga kong pumasok dahil sa putanginang eksena kanina sa bahay. Tapos madali lang pinagawa ni Sir na kaya naman ng lahat ng students bakit si Rika pa. Tss. Favoritism.

Nako, pasensya na kayo ah? Napaka aga ko mag mura at puro ka-bitter-an lumalabas sa bibig ko.

"Hey Ri." Napatingin ako kay Nathan na abot tainga ang ngiti. Jusko, napaka gwapo. Teka, teka Ri. Tandaan mo. Hindi ka kinausap kahapon tapos ngayon, ayan nanaman? Nagtatampo ka. Nagtatampo. Tama na muna landi.

Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Have you seen Rika?" Eh, isa pa pala to eh. Tangina. "Mukha ba akong hanapan nang mga nawawalang tao? Jusko naman! Tao ako! Hindi lost and found. Tsaka bakit hindi si Kei tanungin mo, eh siya yung pinsan?! Utak naman!" Napa walk out nalang ako. Ano ba?! Wala bang taong lalapit sakin ngayon at iparamdam na hindi ako nabuhay sa mundo para maging option! Wala ba?!

"Ate." Lapit sakin ng isang freshie. Thank you naman at tinupad ang hiling ko.

"Yes? May kailangan ka?" Nginitian ko siya. "Wala po. Napansin ko lang na mag-isa ka at on going ang klase ng seniors tapos nasa labas ka. May problem po ba?" Sabay upo sa tabi ko. Madami baby girl. Kaso wag mo nang alamin.

"Wala wala. *tingin sakanya then smile* Nalate lang ako kaya hindi na ako pumasok." Pagsisinungaling ko.

"Ehem. Get lost." Mataray na sabi ni Kate doon sa freshie. At dahil kilalang leader ng mean girls si Kate at senior siya dito, umalis nang natatakot yung freshie.

Bakit ba andito to?! May klase kame ah! Eh, sabagay di rin ako pumasok. Kilala si Kate na hinding hindi mo mata tame kaya kahit anong gawin niya ayos lang. Spoiled.

At himala, mag-isa siya ngayon.

"What?" Walang gana kong tanong. "Asan mga aso mo?" Tanong ko pa. Nako Kate, wag ngayon. Wrong timing ka, Tanga.

"I just want you to stay away from Kei because he's mine."

"Nabibili na pala ang tao ngayon? At may titulo mo na. Parang bahay lang." Bored kong sabi sakanya.

"What are you talking about?"

"Hindi ko kailangan layuan si Kei kase on the first place yung pagmamay ari kuno mo ang unang lumalapit." Iniwan ko siyang nakatunganga doon.

Sabi sa inyo wala akong sa mood.

Nagcut ako ng klase. Oo, ngayon lang kase for sure. Walang kakausap sakin. Kaya ano pang sense?

Last na to. Pagod na talaga ako. Ayoko na. Ayoko na rito.

Just An OptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon