CHAPTER 16

149 4 0
                                        

Alas tres ng madaling araw. Tila ako magnanakaw na dahan dahan kumilos dahil baka isang maling galaw ko magising sila.

Ano bang ginagawa ko?

Lalayas.

Yeah, oo. Wala eh. Sinabi ko naman sainyo na. Ayoko na rito eh.

Nang makalabas ako ng bahay, sakto may dumaan na taxi kaya pinara ko ito. Nagpahatid ako sa terminal ng bus na pauwi ng probinsya.

Saan ba ako pupunta?

Hindi ko alam. Basta ang alam ko ayaw ko na rito. Gusto ko sa malayong malayo na hindi nila mahahanap.

Buti nalang talaga nilalagyan nila ng pera atm ko. May allowance ako.

Nang makarating ako sa terminal. Tinignan ko ang mga sign board.

Palawan

Doon nalang ako. Hindi ko na alam. Sana lang hindi nila ako mahanap. Pero sa tingin ko hindi naman nila mapapansin na wala na ako dun dahil wala lang naman ako sakanila diba?

Mahaba haba ang byahe. Makatulog muna.

Nagising ako na medyo malapit na raw kami.

Napalingon ako dahil may katabi na ako. Kanina ay wala. Siguro ay nung tulog ako saka siya sumakay.

Lalaki eto. Gwapo. Talagang magugustuhan ng mga babae. Malakas ang dating. Katamtaman ang laki ng katawan. Mukhang mabait. Mukhang gentleman.

"Miss, baka matunaw ako at hindi na ako makauwi sa amin." Napaiwas naman siya ng tingin at nahiya ng konti. Kanina pa pala ako nakatingin. Sabi ko sa sarili ko. Narinig pa niya itong tumawa ng mahina. Lalo siyang nahiya.

"Okay lang Miss. Sanay naman na ako." Napatingin ule ito dito at nakangiti na ito sakanya. Ang hangin naman! Pero well, totoo naman.

"Sorry." Yun nalang ang nasabi ko dahil natabunan nanaman ako ng hiya.

"Saan ka pala papunta Miss?" Saan nga ba? Eh alam ko lang Palawan. Tapos never pa ako napunta dito.

"Ah eh ano sa Palawan."

"Haha! Oo Miss, alam ko. Kase ako rin doon. Ang ibig kong sabihin, saan dun? Anong bayan or kung ano." Jusko, anong sasabihin ko? Wala akong alam. Nakakahiya naman talaga.

"Ah kase ano uh. Hindi ko alam. Ng-ngayon lang k-kase ako napunta rito." Napayuko pa ako sa sobrang hiya.

"Ah, I see. Nako Miss, wag ka na mahiya. Arthur nga pala. Arthur Ramos." Sabay abot ng kamay.

Tatanggapin ko ba? Or wag? Bakit ba ako nakikipag usap sakanya? Jusko. Eh mukhang mabait naman. Sige na nga! "Riri Garcia." Sabay shake hands namin. Bakit ganon? May... May kuryente? Nafeel niya kaya yon?

"Bakit ka napadpad sa Palawan, Riri? Eh, mukhang mayaman ka. Maginahawa ang buhay. Taga Maynila. Pwede ba malaman?" Maginhawa? I don't think so.

Should I tell him? Yes. Mukha naman siyang katiwa tiwala.

"Naglayas ako." Napa-'ohh' naman siya with tango tango pa.

"Sorry."

"De, ayos lang. Tsaka proud pa ako na lumayas ako samin."

"Bakit kaya ganon, ano? Yung mga nakakaanggat sa buhay yun pa yung may problema sa pamilya." Hugot ni Arthur.

"Hindi siguro nasulatan sa dictionary ng pamilya namin yung peace at love."

"Eh, matanong kita. Wala kang alam dito diba?" Tumango ako. Nakakahiya talaga, ugh. "Wala ka ring pupuntahan?" Tumango ule ako. Isa pa bibigwasan ko to. "Kung ganon, samin ka na muna tumuloy." Huh? What?

Just An OptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon