CHAPTER 14

141 3 0
                                        

Akala ko pagkatapos nung nangyare kahapon, okay na. Akala ko lang pala.

Pumasok ako ngayon. I mean kami. And guess what? Hindi ako pinapansin ni Nathan at Rika. May bago ba dun?

Natapos ang araw na mag-isa lang ako.

Hindi muna ako umuwi ng bahay. Dumeretso muna ako sa park. Ayaw ko dun.

Bakit ka ba ganyan Nathan? Sabi mo babawi ka? Ano na nangyare? Hanggang salita ka lang ba? Sabi mo, gagawin mong iba ka sakanila. Bakit? Bakit pinapaasa mo ako?

Tulala lang ako at tumitingin sa mga batang masayang naglalaro.

Kailan ba ako magiging masaya ule?

"Ate. Bakit parang malungkot ka?" Tanong ng isang batang babae sakin.

Buti pa siya alam yung nararamdaman ko.

"Ha? Nako hindi. Hahaha. Sige na magplay ka muna dun."

"Ehhhh, ate sama ka samin. Dali na! Habulan lang naman eh. Ikaw yung taya! Hahahahaha. Uy taya si Ate!!!" Isinigaw niya sa mga kalaro niya at tumakbo sila. Eh, ano pang magagawa ko? Edi sumali na.

Naghabulan kami.

Ang saya ng ganto. Kelan ba ... Kelan ba dadating yung panahon na mangyayare ule ito? Kung di kase siya namatay, edi sana ayos ang lahat. Pero wala eh. Itinadhana na siguro sakin ang ganto.

"Mahilig ka pala sa bata." Napatingin ako sa likod ko, sakto nagpapahinga na kami kaya nakaupo ako sa bench.

"Hindi. Medyo lang. Hahaha." Kausap ko si Kei. Oo si Kei. Akala ko nga si ano eh.

"You laugh." Sabi neto sabay ngiti.

Nagtaka ako kaya binigyan ko siya ng what-do-you-mean look.

"Sa school kase tahimik ka. Tapos never pa kita narinig tumawa. Ngayon lang." Sabay ngiti. Ang saya naman neto.

Tumango tango nalang ako. Oo nga pala. Hindi niya alam. Si Nathan lang may alam pero wala siyang pake.

Dati, madaldal ako. Masayahin. Pero nagbago yun simula nung mangyare yun.

"Kain tayo. Treat ko." Aya ni Kei sakin. Tutal gutom na ako kaya, go. Tsaka pagkain yun tapos libre pa. Oha.

Habang kumakain kami.

"Musta kayo ni Nate?" Tanong ni Kei.

Huh?

"What?"

"Wala, nakita ko kayo kahapon eh. Ang saya niyo tignan. Doon lang kita nakita ngumiti ng ganon." Ahh .. kahapon.

"Ah yun? Wala." At kumain nalang.

"Kamusta na si Rika?" Tanong ko.

"Huh? Bakit, di ba kayo nagkakasama? Eh sabe niya sakin nagbobonding naman kayo."

Huh? Ano?

"Ahh. Di na kami nagkakasama. Anyways, layuan mo ako sa school ah?"

Binigyan niya ako ng why-would-I-fucking-distance-myself-from-you look.

"Eh kase ano basta hahahaha sundin mo nalang ha?"

Tumango siya pero bakas parin ang pagtataka sa mukha.

Natapos kami kumain at inihatid niya ako sa bahay namin.

"Thanks Kei."

"Next time ule and hindi kita lalayuan, bye." Aalis na dapat siya pero bumalik siya at hinalikan ako sa noo.

Bago siyang tuluyan na umalis ngumiti pa muna siya sakin.

Naalala ko nun nung hinahalikan kami ni Dad sa noo pag matutulog na. Kailan ba ule mangyayare yon?

Pagpasok ko ng bahay.

"At saan ka galing? Bakit ngayon ka lang? Sino yon? Napakalandi niyo!" Tuloy tuloy na sabi ni Dad. Siguro nga, hindi na ule mangyayare yon.

"Akyat na po ako." Sabi ko. Di ko na sinagot kase hahaba pa.

"Bastos ka ah!"

"Nakakasawa na Dad. Tama na." At pumasok na sa kwarto ko.

Hindi ba matatapos yung araw na hindi ko sasabihin yung mga katagang pagod na ako o dikaya sawa na ako?

Just An OptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon