CHAPTER 17

153 2 0
                                        

Habang kumakain kami...

"Ate Riri. Jowa mo ba si Kuya Arthur?" Tanong ni Kath.

Wtf?

"Hahahahahahahahaha! Sira ka ba Kath? Hahahaha." Tawa ni Arthur.

"Uhhhh.. Sorry. Kase ikaw yung una niyang dinala na babae dito. Madalas lalaki. Di ko nga alam kong bakla tong si Kuya." Sabi ni Kath.

"Kath naman! Hahahahahahahaha. Ang gwapo gwapo ni Kuya tapos gay? Oh please." Tawang tawang sabi ni Janella.

Nangingiti lang si Arthur.

"Pasensya ka na sa mga batang ito, Ri ah?" Sabi ni Tita.

"Hala, okay lang po. Hahahaha. Ang saya nga po dito." Hindi tulad samin.

"Ate. Mamaya sama ka samin. Punta tayong perya!! Omg! Libre ni Kuya!!" Sigaw pa ni Nella na sobrang excited.

"Wow ha! Ikaw nag aya, ako gagastos? Wow!"

Hahahahahaha! Ang cute nila. Omg!

"Tawa tawa ka diyan Ri? Saya mo ah?" Inis na tanong ni Arthur. Kase kanina pa nila siya pinagtitripan.

Hala, tumatawa pala ako.

"Sorry na. It's just that... Pft. Hahaha. Wala. You, guys, are so cute. Pfft." Bakit ba ako natatawa?

*
"Koya!!" Sabay cling nila Janella sa braso ni Arthur. Ayan nanaman sila. Hahahaha.

"What?" Bagot na tanong ni Arthur.

"Ferris Wheel!" Sabay turo pa sa ferris wheel.

Oh no. Ayoko. No. Takot ako sa heights. Nakakahiya. Ayoko. No.

"Tutal dalawahan lang yan. Kami ni Kath magkasama tapos kayo ni Ate Ri, ha? Ha?" Kulit ni Nella.

Oh please Arthur, wag ka pumayag. Please no.

Tumango si Arthur.

Fuck! I'm dead.

Bumili na sila Janella ng ticket.

"Oh, namumutla ka. May sakit ka ba? Ayos ka lang?" Concern na tanong niya.

"Ayoko Arthur. Natatakot ako." Binigyan niya lang ako ng what-are-you-talking-about look.

Napa iling nalang ako. Nakakahiya.

"You can hug me?"

Yumakap ako sakanya. Bigla naman ako naiyak.

Hinaplos niya ang buhok ko at "Shh. Don't cry. Tell me what is it." Should I tell him?

"Natatakot ako heights. Ayoko."

"Face your fears, Riri. Nandito ako." Umiling lang ako. Ayoko talaga.

Sabihan niyo na ako ng OA pero kase natrauma na ako.

"Sige na please. Harapin mong kasama ako. Bilang kaibigan please Riri."

Hindi ko alam kung anong espiritu ang sumapi sakin at napa-oo nalang ako. Maybe it's time na subukan ko ule. Wala namang masama diba?

Hinawakan niya ang kamay ko at tumingin sakin na parang sinasabi na 'Everythings gonna be alright.'

Habang palapit na kami sa entrance. Dumoble ang kaba ko. Nanginginig nginig pa ang tuhod ko. Napahawak din ako ng mahigpit sa kamay ni Arthur. "Wag mo ko iiwan, ah? Kahit anong mangyare ah?" Sabi ko sakanya. Naiiyak parin ako.

Tumango siya at ngumiti.

Sumakay na kami sa loob. Tangina yung kaba ko doble doble.

"Huy! Kalma." Sabi ni Arthur. Magkahawak parin kami ng kamay.

"What is it? Tell me. Maybe I can help."

Huh? Ah. Oh. Okay.

"Nung mga 9 years old kase ako. Nagganto kami nila Dad. Tapos..." Naiiyak ako. "Go on." Sabi ni Arthur.

"Tapos medyo umuga yung sinasakyan namin. Eh, natakot ako. Napasigaw ako at napaiyak." Itutuloy ko pa ba?

"Anong ginawa ng parents mo?"

Umiling ako. "Wala. Hindi nila ako pinansin. Eh kase yung kakambal ko yung nag-aya. Sumama lang ako. Tapos sinabihan pa nila ako ng 'Stay put you piece of shit.' Eh, dahil di ko pa naiintindihan yung 'piece of shit' sumunod nalang ako. Pero naiiyak padin ako. Ang masakit pa non, silang tatlo, sila Mom Dad at yung kakambal ko nasa isang side tapos ako dun sa isang side. Parang ako, anak ba nila ako? Tapos tumatawa sila. Nagkekwentuhan. Ako, wala. Nakatingin lang sakanila habang umiiyak. Parang hangin lang ako. Ang sakit ang sakit sakit." Umiiyak nanaman ako. Nakahug na ngayon si Arthur sakin.

"Wag ka na umiyak, oh. Please? Nasasaktan rin ako. Hayaan mo nalang sila. Dito ka na samin. Palitan natin ng masayang memory ang pagsakay mo sa ferris wheel."

"Thank you, ah? Napaka bait mo. Sobra."

Nakakagaan pala ng pakiramdam kapag nasa taas na kayo tapos kasama mo pa yung taong nakakaintindi sayo.

Natigil kami sa itaas. "Okay ka na?" Tanong ni Arthur sakin. "Yes, A." Sagot ko.

"What A?" Tanong niya.

"Eh, ang haba ng Arthur. Hahaha. Kaya A nalang, okay lang ba?"

"Hahaha. Yes. Ikaw palang yung unang babaeng nahabaan sa Arthur. You're different."

Bakit ako... kinikilig?

"Nako! Namumula ka. Naka smile pa. Haha. Cute mo. Mas maganda ka kapag nakangiti at tumatawa."

Hinampas ko siya kase ewan? Haha.

Siya. Siya palang yung unang nagsabi sakin na maganda ako. Lalo na pag masaya.

Dito lang ako naging masaya. Dito nalang ako.

Just An OptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon