Kabanata 5

215 16 6
                                    

Sa sumunod na mga araw ay hindi pa rin pinayagan na pumasok sa trabaho si Hestia ng kanyang mga magulang.

Nasa Maynila ang kanyang ama kasama si Craig, na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tinetext at tinatawagan. Mahigit isang linggo na matapos ang huling punta nito dito at huling kausap rin.

Nangangabayo siya ngayon at marahan lamang ang pagpapatakbo dahil nais lamang niyang magliwaliw, pantanggal sa inip na nararamdaman. Hapon na at maganda ang papalubog na araw.

"Hooo! Tsk! Tsk! Tsk!" Pagpapatigil niya kay Ruckus.

Napatingin siya sa katabing lupaing pagmamay-ari nila. Iyon ang lupain ng pamilya Cardenas----dati.

Ang alam niya ay naibenta ito noon sa mga Miranda dahil nagkaroon ng malaking problema ang pamilya habang nasa States ang mga 'to.

Nasa dulo ng bahagi ng kanilang pinyahan at tubuhan naman sa katabing lupain.

Mukhang magaling din sa pagpapatakbo ng asyenda ang sinumang humahawak sa pamilya Miranda. Mas lalong lumago at naging maganda ang tubo ng tubuhan. Sa hitsura pa lang, nasisiguro niyang matamis iyon.

Hinila na niya ang renda ng kabayo at pumihit pabalik. Kasabay niyon, may nahagip ang kanyang mga mata na isang lalaking hubad baro at tanging maong na kupas lang ang suot habang nakasakay sa maitim na kabayo. Hindi niya masyadong klaro ang mukha ng lalaki dahil may kalayuan ito sa kanya at naka-cowboy hat.

Ngunit iisang tao lamang ang pumasok sa kanyang isipan.

Kreios.

"Your wounds have not healed very well, Hestia. Why are you riding your horse now?"

Gulat na napalingon si Hestia sa kanyang likuran dahil sa narinig.

"C-Craig?" Hindi siya makapaniwala na nasa harapan na niya 'to ngayon matapos ang ilang araw na hindi pagpapakita.

Sakay nito si Rocky, ang isa sa kabayo ng kanyang ama.

Sa kasuotan nito ngayon, mukhang kakauwi pa lamang nito galing Maynila dahil nakasuot pa 'to ng puting long sleeve na bukas ang ilang butones sa itaas at naka-dark wash maong pants habang naka-leather shoes.

"Is that what you always do when your mom leaves the house?" Dugtong nito sa mariin na pananalita habang walang mababakas na emosyon sa mukha nito.

Nais niyang talunin ang pagitan nila upang mayakap ito....kung maaari lang sana. Tiningnan niya ang mukha nito. Ni hindi man lang niya nakitaan ng pananabik ito na ngayo'y nagkita sila.

Napayuko siya dahil sa pagkapahiya. Hindi ba puwedeng kamustahin muna siya nito? Sabihin kung bakit ngayon lang ito nagpakita? Kung bakit walang komunikasyon ng mahigit isang linggo? Kahit pa nawala ang dating cellphone nito, kabisado naman siguro nito ang numero niya para kontakin siya sa bago nitong cellphone, 'di ba? Dahil kung sa kanya nangyari iyon, baka wala pang isang minuto nakontak na niya ito.

Hindi niya sinagot ito't agad pinatakbo si Ruckus.

"Hestia!" Tawag nito na agad siyang hinabol.

Mas binilisan pa niya ang pagpapatakbo.

Chase me if you can, asshole!

Naiinis siya. Dismayado. Matapos hindi magpakita nito'y biglang susulpot at pagsasabihan siya? Craig is such an asshole! Hindi ba nito alam na nasasaktan siya sa ginagawa nito?

Hindi ito ang Craig na kilala niya.

"Slow down, Hestia, baka kung ano na naman ang mangyari sa'yo!" Sigaw nito, naiinis sa kanyang ginagawa.

Beginning Of Their EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon