"Back to earth, Hestia." Pinitik ni Alec ang dalawang daliri sa harapan ng mukha ng kaibigan slash amo niya.
Natauhan naman si Hestia mula sa pagkakatulala at wala sa sariling tiningnan muli ang mga papel na nasa ibabaw ng mesa.
"What's the matter?" Hindi na napigilang tanong ni Alec.
Kilala nito ang kaharap. Ramdam niya na may bumabagabag rito kung bakit bigla na lamang napapatulala 'to.
"Nothing," pag-iling ni Hestia.
"Here." Pag-abot nito ng itim na folder. "That was the production report yesterday."
Tinanggap niya iyon at tiningnan.
"Wala ata akong nakitang Craig sa umagang ito?" Inilibot nito ang paningin kahit pa hindi naman nito nakikita kung sino ang nasa labas ng kanyang opisina dahil sa frosted glass partition wall na nakaharang doon.
Iyon nga ang bumabagabag sa kanya simula pa kahapon nang sumama ang binata sa kanyang ama. Ni isa sa mga text message niya na pinadala rito'y hindi sinasagot. Nang tawagan naman niya'y hindi rin sinasagot.
Hindi niya naabutan ito kagabi sa dinner with business partner ng kanyang ama sa kanilang bahay dahil umuwi agad 'to pagkatapos ng hapunan. Maging ang kasosyo ng kanyang ama ay hindi niya rin naabutan.
Late siyang nakauwi kagabi dahil may business meeting siya sa labas ng Santa Barbara. Itinawag niya iyon sa kanyang ama upang hindi na siya hintayin pa ng mga 'to.
Akala niya ay abala lang si Craig kahapon dahil kasama nito ang kanyang ama at pagod na kinagabihan kung kaya't hindi na nakapag-reply sa kanya, ngunit nang magising siya kinaumagahan ay wala pa rin ni isang mensahe mula rito.... magpahanggang ngayon. Hindi niya rin nakita ito dito sa kanyang opisina, na madalas naman ay pinupuntahan muna siya nito bago dumiretso sa Santa Inez, kung saan naroon ang planta nila ng langis at plantasyon ng niyog.
Iwinaglit ni Hestia ang alalahaning iyon at pinagtuunan ng pansin ang mga papeles sa kanyang harapan.
"Uh, baka nasa warehouse 'yun." Ito rin ang sumagot sa sarili nitong tanong. "Kamusta nga pala 'yung bata na muntikan ng madaganan ng kabayo mo kahapon, Hestia?"
Inangat niya muli ang paningin sa kaibigan at sumandig sa headrest ng kanyang swevil chair.
"She's fine now. Parang wala lang sa maliit na katawan nito ang natamong sugat kung makatakbo kanina." Sumilay ang ngiti sa labi ni Hestia nang maalala niya ang inosenteng mukha ni Mara, iyon ang pakilala ng ina nito kahapon sa anak. Masyado ngang makulit ito sa kabilang ng batang edad nito.
"Did you visit her earlier?"
Tumango siya. "Sa bahay nila."
Dahil mga gasgas at hindi naman raw masyadong seryuso ang natamo ng bata ay pinauwi din sila kaagad kahapon matapos malinisan at magamot ang mga sugat nito.
"You are really fond of kids, do you?" Umiiling, anito.
"Who doesn't? Every time I see kids, I don't know but I feel comfort and happiness in what they do and in the innocence they show," paliwanag niya habang nilalaro ang pen sa kanyang daliri.
"You should get married. You're already twenty-five years old, so it's okay. Kahit ilang anak ay kaya mong buhayin. Masaya iyon," nakangisi nitong sagot.
"Tss! If you could speak, you thought it was that easy, huh? At sino pakakasalan ko? Sarili ko?"
"Craig! Of course!"
Craig.
Nanliligaw pa lang 'yung tao. Ayaw din naman niya madaliin ang sarili. Ayaw niyang magpadalos-dalos sa ganoong bagay. Kahit sabihing may puwang na sa puso niya ang binata, hindi pa rin sasapat iyon. Gusto niyang makasigurado. Ayaw na niyang umasa at masaktan uli dahil lang sa mga desisyon na hindi napag-iisipan ng mabuti.
BINABASA MO ANG
Beginning Of Their End
RomanceMga bata pa lamang sila, gustong-gusto na ni Hestia ang kababatang si Kreios. But due to an unexpected event in Kreios' family, they had to leave the country. Hestia was left in the hands of her new friend and son of their hacienda staff, Craig. Ito...