Kabanata 30

542 17 16
                                    

With the strong presence of the Cardenas in front of them, Hestia couldn't help but to feel awkward when she remembered what happened at the event that was concealed from her family's knowledge. But to her surprise the man in front of her didn't even look at her.

"I'm so glad to see you again, Dahlia!" Masigla at nakangiting saad ng kanyang ina rito. Hindi sila tinawagan nito upang ipaalam na may plano pala itong imbitahan ang mga Cardenas para sa pa-welcome nito sa pag-uwi ni Dahlia dito sa Pilipinas. Nalaman na lang nila nang masundo na nila ito at sabihin sa kanila ni Craig habang nagbibiyahe pauwi. "And look at your daughter, isn't she so beautiful, sweety?" baling nito sa kanya, na siyang katabi niya.

Sumimsim muna siya sa kanyang wine glass bago sumagot rito. Tumango siya't tiningnan ang magandang si Dorothy habang abala ito sa kinakaing pasta. "She really is, Ma."

"Thank you, Tita Athena," ani Dahlia, inayos ang ilang hibla buhok ng anak at isinabit sa tenga nito. "I'm also happy to see you all again. Grabe! Napakatagal na panahon na rin. Tingnan mo nga naman, ang dating mga batang binabantayan ko lang noon kapag nakikipaglaro dito sa kapatid ko ay eto na ngayon. A well-grown women with a strong and confident personality," anito, pagtukoy sa kanila ni Astraea habang nakangiting tiningnan sila.

"Oo nga! Naalala ko tuloy na madalas kang naging referee nitong mga anak ko kapag nag-aaway," natatawang pagdugtong ng kanilang ina, na ikinatawa din ni Dahlia.

Binalingan ni Hestia si Astraea na napangiwi sa sinabi ng kanilang ina. Ayaw na ayaw nito na binabalikan o pinag-uusapan ang mga kakulitan nila noon.

"Magtatagal ba kayo dito? Wala ba kayong balak na tumira dito o doon sa Santa Barbara, Dahlia?" Ang kanilang ama.

"Naisin ko man, Tito, pero naroon kasi sa Italya ang negosyo nitong asawa ko na hindi niya maiwan." Binalingan nito ang asawa na tumingin rin dito at matamis na nginitian. "Ayaw ko din naman itong iwan ng mag-isa doon dahil baka kung sino pang babae ang iuwi nito sa bahay namin," natatawa nitong tugon, ngunit batid niyang may bahid na katotohanan iyon.

Sa panahon ngayon, iilan na lang ang matino at tapat sa mga kapareha nila. Pero para sa kanya, hindi rin seguridad na porket magkasama na kayo ay hindi na mambabae ang kapareha mo. At the end of the day, it is still up to your partner to decide whether to remain faithful or unfaithful.

"Sabagay," pagsangayon ng ina. "Mahirap din naman na ikaw at ng mga bata lang ang titira dito. Kailangan din ng anak niyo ang presensiya ng kanilang ama."

"Staying by your partner's side does not guarantee that he or she will be faithful to your relationship," wala sa sariling nasambit niya habang naghihiwa ng kanyang steak.

Ramdam ni Hestia ang pananahimik ng paligid, kaya inangat niya ang paningin. Lahat ng mga kasama niya dito sa hapag-kainan, nakatutok sa kanya ang paningin, maging si Kreios na nasa kanyang harapan.

"What?" may pagtataka aniya.

"Yeah, you're right, Hestia," pambabasag ni Dahlia sa katahimikan at napangiti na lamang. "But that's up to you if you let your partner cheat on you. If he cheated on you, why would you stay?"

"Because of their children, maybe," pagsingit naman ni Astraea bago sumubo.

"Tigilan niyo ang pag-uusap ng ganyang bagay sa harap ng pagkain." Ang kanilang ama habang nakatuon ang atensyon sa pagkain nito.

"Siyanga pala, hija," si Tito Damian na nakatingin sa kanya, "nasaan pala ang nobyo mo? Ipakilala mo naman sa'kin para maikumpara ko dito sa anak ko.."

"Cough! Cough! Cough!" Hindi niya napigilan na mabilaukan dahil sa sinabi nito. Mabilis niyang inabot ang kanyang wine glass at inisang lagok laman niyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 29, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Beginning Of Their EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon