Naiangat ni Demeter ang paningin buhat sa pinipirmahang papeles nang bumukas ang pinto ng kanyang opisina at pumasok roon si Trevor. Pansin niya ang hawak nitong newspaper. Hinintay niya 'tong makalapit.
"Wala ka bang ipag-uutos patungkol sa nakalathala d'yan?" Seryuso nitong sabi pagkalapag ng newspapaer sa kanyang mesa.
Sinundan lamang niya ng tingin iyon. Sa penthouse pa lang niya kanina, nakita't nabasa na niya ang nakasaad sa pahayagan.
"No. I am not in showbiz so why I bother?"
"How about your investors? Maraming hindi magandang komento sa social media patungkol sa mga larawan na 'yan, maging kay Hestia. Baka iyon pa ang makasira sa pangalan ninyong dalawa? Ang iba'y sinasabi na ginagamit mo lamang ang nasabing modelo para sa iyong pansarili interest."
Tumiim ang bagang ni Demeter sa sinabi ng kaharap. Kailanman, hindi niya kailangan gumamit ng iba para lamang sa sariling kapakanan. Naabot niya ang kinatatayuan niya ngayon dahil sa sariling pagsisikap at sakrepisyo.
He's a private man despite his status in life. Tanging mga tauhan, kasosyo, kaibigan at pamilya lamang ang nakakakilala sa presensiya niya. Hindi niya inaasahan na ang isang gabing pagtulong sa modelong iyon sa kanyang bar nang mapatid ito dahil sa kalasingan ay maging dahilan sa pagkakadawit ng pangalan niya rito. Wala siyang kaalam-alam na may kumukuha na pala sa kanila ng larawan, nagulat na lamang siya kinabukasan na laman na siya ng balita, na iniuugnay sa nasabing babae.
Ang larawan na nakalathala naman ngayon sa nasabing pahayagan ay ang pag-uusap nila ng modelo sa lobby ng gusali kung saan ang agency nito. Kuha iyon sa iba't ibang anggulo at ang sa kanila naman ni Hestia ay nang akayin niya 'to sa passenger seat at maging nang nasa restaurant na sila't pinagsilbihan 'to.
"Hestia and I both knew what was true, so we didn’t have to explain everything to them. Let that be. That issue will also stop when they get no answer. I’m a businessman, Trevor. And in business, all you have to do is be smart, be wise and be strategic in the field you are entering. Dapat alam mo 'yan dahil negosyante ka rin. Hindi ako artista o modelo na kapag nadawit sa isang eskandalo o anumang gulo, babagsak na agad ang karera."
"You said so. But what about Craig? Man, his girlfriend is one of the people involved here, I'm sure he'll get mad at you."
"'Pag nagkaganun, napakakitid ng utak niya't wala siyang tiwala sa girlfriend niya."
"Is this your plan?" Tanong nang-uusyuso nito.
"What do you think? You know me when I plan, Trevor," nakangisi, aniya.
Ngunit, hindi niya gagawin iyon. Hindi niya kailangan manira ng isang relasyon dahil lang sa nararamdaman niya. Kung anuman ang kinikilos niya kapag kaharap niya si Hestia, iyon ay dahil sa nararamdaman niya't hindi dahil sa gusto niyang manira.
"How's the model I picked up?" Pag-iiba niya sa usapan, saka sumandig sa headrest ng swevil chair.
"Tss! Huwag mo akong kausapin patungkol d'yan," nakangiwi nitong tugon.
"Why not? Manolo told me that he was good and professional." Bago pa siya masagot nito, nakarinig sila ng pagkatok. "Come in!" Hiyaw niya.
Pumasok ang kanyang matandang sekretarya. "Sir, here is the sample invitation for your company's anniversary and the list of guests who will be given and will attend the said occasion. Please, check it if that's okay with you." Inabot nito ang nasabing papel.
Tiningnan niya 'yun at binasa ang nakasulat roon. "Yeah, it's okay with me," aniya nang makitang naroon lahat ang gusto niyang dumalo at ang maayos na desinyo ng imbitasyon.
BINABASA MO ANG
Beginning Of Their End
RomanceMga bata pa lamang sila, gustong-gusto na ni Hestia ang kababatang si Kreios. But due to an unexpected event in Kreios' family, they had to leave the country. Hestia was left in the hands of her new friend and son of their hacienda staff, Craig. Ito...