Flashback...
"Hestia!" Tawag sa kanya ng kilala niyang boses.
Nasa Batibot siya ng kanilang campus at nagbabasa ng kanyang paksa sa panghuling klase niya para sa hapon, ang Araling Panlipunan dahil siya ang nakatakdamg mag-re-report mamaya.
"Hmm?" Aniya habang nanatili pa rin ang atensyon sa binabasa.
Naramdaman niya ang paglapit nito, saka hinawakan siya sa magkabilang pisngi upang pihitin. Nakabusangot siyang humarap rito dahil sa pang-iistorbo nito habang nanatiling nakalapat ang kamay nito sa kanyang mukha.
"Cruuaaig!" saway niya tila hindi maintindihan dahil sa pag-ipit nito sa kanyang magkabilang pisngi.
He suppresses his laughter as he looks into her face. She pushed his hand away because she knew it would make her funny again. Lagi na lang. Kung hindi siya niloloko mg kung anu-ano nito'y pinagtitripan naman ang kanyang mukha.
"You're annoying do you know that?" asik niya, saka inirapan. Ibinalik niya ang sarili sa binabasa.
"Gusto mo naman," agaran nitong sagot.
She raised her eyebrow at what he said. Meanwhile, he grinned like a fool.
"Whatever, Craig Abella."
"Ito naman hindi na mabiro. Kiss na lang kita, oh!" saka ito ngumuso na parang baboy. Agad nailayo niya ang sarili habang natatawa sa pagkapamakulit nito. "Ayan. Iyan ang gusto ko, ang nakangiti ang palalabs ko."
She grimaced at the last thing he said. "Mangilabot ka sa sinasabi mo, Abella." Napapailing at napapangiti na lamang siya sa mga kalokohang lumalabas sa bibig nito.
Sasagot pa sana ito nang tumunog ang kanyang cellphone na nasa ibabaw lang din ng sementong mesa, sa gilid ng kanyang libro. Inabot niya iyon at binasa nang makitang may mensahe siya.
From: Kreios
Good afternoon, baby!😘 Is your class still going on? Can I call you?
Agad sumilay ang matamis at malawak niyang ngiti. Wala naman sa harap niya ito, ngunit kay lakas ng tibok ng puso niya kahit sa simpleng mensahe lamang nito.
"Hindi na ako magtatanong kapag ganyang ngitian na ang ipinapakita mo." Craig said while folding his arm into his chest and looked at her seriously.
"Shut your mouth, okay?" babala niya dahil madalas sumasabat ito at kung anu-ano ang isinusumbong kay Kreios.
"I don't want." Sa ngisi nitong nakakaloko, tila may binabalak na naman 'to.
"Try to do what you plan and I won't talk to you for a week," she threatened.
His forehead immediately furrowed, he didn't like what she said.
She ignored him and immediately called her boyfriend via skype. Naka-isang ring pa lang iyon nang sinagot nito agad.
BINABASA MO ANG
Beginning Of Their End
RomanceMga bata pa lamang sila, gustong-gusto na ni Hestia ang kababatang si Kreios. But due to an unexpected event in Kreios' family, they had to leave the country. Hestia was left in the hands of her new friend and son of their hacienda staff, Craig. Ito...