Nag-aayos ng sarili si Hestia nang marinig niya mula sa nakabukas na glass door ng kanyang silid na karugtong ang maliit na terasa, ang tunog na pagdating ng mga sasakyan. She hurriedly combed her hair, then left her room. She ran down their stairs.
"Senyorita, magdahan-dahan po kayo!" Dinig niyang saway sa kanya na hindi na niyang nakuhang pansinin pa dahil sa pananabik na makita ang kanyang Lolo't Lola.
When Hestia came out, she saw Nanay Lita and two other housemaid met with them.
"Lolo! Lola!" Hiyaw niya nang makita ang mga 'to pagkababa ng sasakyan.
"Oh my God, Hestia apo!" Nakangiti siyang nilapitan ng kanyang Lola, saka niyakap ng buong higpit.
Mahigit dalawang taon na hindi nakita ni Hestia ang mga 'to dahil abala din sa trabaho at pamahahala ng negosyo sa Florida.
"I missed you, Lola!"
"Me too, apo." The old woman kissed the cheek of her granddaughter, then hugged her again.
"How are you, apo?" Ang kanyang Lolo.
"Lolo." Binitawan si Hestia ng kanyang Lola upang malapitan at mayakap din nito ang kanyang Lolo. "Gaya ng lagi kong sinasabi sa inyo sa phone, maayos lang ako, Lo. I missed you, Lo!"
Nagkakamustahan sina Hestia at ng kanyang Lolo't Lola nang lumabas si Anastacia ng sasakyan. Hinawi nito ang hanggang bewang na kulay abo nitong buhok, saka itinaas ang Bottega Veneta square-frame sunglasses nito. Ang mga kasambahay na tumutulong kay Mang Karding sa pagkuha ng mga maleta ay napapanganga nang makita ang bunsong anak ng amo nila.
"Ang ganda talaga ni Senyorita Anastacia!" Bulong ng dalawang kasambahay na kasama ni Nanay Lita.
"The bratty is here," ani Hestia nang makita ang kanina pa niyang gustong batukan.
Anastacia chuckled and looked at her older sister from head to toe. One of its eyebrows rose.
"You see, La?" Inilahad ni Anastacia ang isang kamay kay Hestia, nagtuturo. "Pangit pa rin talaga si Ate Hestia," matatas nitong pananagalog.
Mabilis ngang nabutakan ni Hestia ito, na ikinahiyaw nito't matalim siyang tiningnan.
"Ouch! Ma! Pa!" Tila nagsusumbong anito sa kanilang mga magulang.
"Brat. It's like you're saying our parents are ugly," nakangiwi, aniya.
"Kayong dalawa tama na 'yan. Pumasok na tayo sa loob," saad ng kanilang ama.
Binalatan si Hestia nito, saka umabresete sa braso ng kanilang ama.
"Sasakit ang ulo mo sa kapatid mong 'yan kapag pinatulan mo, apo," ang kanilang Lola, nakangiti.
Pumasok na sila sa loob at doon pinagpatuloy ang pangungumustahan. Masaya at maingay dahil na rin sa pangunguna sa kuwentuhan ng bunsong Herrera. Napapailing na lang si Hestia habang nakatingin sa kanyang kapatid na nagsasalita. Ang bini-baby lang nila noon, napakalaki na ng ipinagbago ngayon. Anastacia looks mature now based on how she dress and communicate it to them.
Nagpaalam sa kanila ang ina upang asikasuhin ang pinapahandang pagkain nito sa mga kasambahay para sa kanilang hapunan mamaya. Sumunod din ang kanilang Lolo't Lola upang magpahinga sandali. Ang ama nila'y kanina pa umalis para pumunta sa Santa Inez sa planta ng langis nila.
"Isn't it forbidden in your school to dye your hair and to have so many earrings in your one ear, Acia?" Tanong niya habang umiinom sila ng tea dito sa beranda.
"Nope. It's pretty, isn't it?" Sumimsim ito sa tea cup nito.
Tumango siya. Kahit pa siguro anong kulay ang ilagay sa buhok nito at dami ng hikaw, lulutang pa rin ang ganda nito. Anastacia got their father's face, so maybe it’s closer to their father than their mother because it sees the similarities between them. It was also tall at the age of nineteen.
BINABASA MO ANG
Beginning Of Their End
RomanceMga bata pa lamang sila, gustong-gusto na ni Hestia ang kababatang si Kreios. But due to an unexpected event in Kreios' family, they had to leave the country. Hestia was left in the hands of her new friend and son of their hacienda staff, Craig. Ito...