Kakapasok pa lang ni Hestia sa kusina mula sa pangangabayo nang marinig niya ang ina na may kausap sa cellphone nito. Nakasuot pa ito ng roba habang nakapamaywang na nagtitimpla ng kape. Kapag maliit na bagay at madaling gawin, hindi ito nagpapautos sa kanilang mga kasambahay. Ngumiti siya nang makasalubong ang kasambahay nilang si Lena.
"Gusto niyo po ba ng kape, Senyorita?" Tanong nito, hindi makatingin sa kanyang mga mata.
"I'll do it, Lena. Thank you," tipid na ngumiti ito at nagpatuloy sa pagtulong kay Nanay Lita.
"Talk to your daughter, Athena. Palala ng palala ang mga ginagawa niya." Dinig niyang boses ng kanilang Lola.
Bakas sa boses nito ang pagkadigusto sa ginagawa ng kanilang bunso.
Naka-loudspeaker 'yun kaya dinig ng lahat na nandito sa kusina ang pinag-uusapan ng mga ito.
Nagsimula siyang magtimpla ng kanyang kape.
"Ma, I didn't drive that car!" Boses na ngayon ng kapatid.
"Are you saying your Grandma is lying to me, Anastacia?"
"N--No."
"You were arrested because you did against the law. Do you know what will happen to you once your father finds out this, Anastacia, huh?"
Naibuga ni Hestia ang iniinom na kape dahil sa pagkagulat sa narinig sa dalawang nag-uusap.
"Okay lang po kayo, Senyorita?" Maagap siyang binigyan ng tissue ni Lena.
"Are you okay, Hestia?" Baling din ng ina na tinakpan pa ang speaker ng cellphone nito.
Tinanguan niya ang mga 'to.
Nagpasalamat siya kay Lena at ibinalik ang atensyon sa ina na bumalik na rin sa pakikipag-usap sa kanyang kapatid.
It seem they didnt know that something like that was happening to their sibling. Anastacia lives in the states with their grandparents, their mother's parents. She studied there since her first year in high school. And now, she’s senior high.
Ang masangkot ito sa hindi magandang gawain, lalo na ang mahuli ng mga awtoridad ay siyang ikinagulat niya. Ang bata pa nito para gumawa ng mga kalokohan, na aabot sa punto na hinuli na ng pulis. Gaano ba kalala ang mga ginagawa nito sa America?
"We didn't allow you to get a license because we didn't want you to drive yourself, then now you drove your friend's car while you were drunk? Where did you put your brain, Anastacia?" Bulyaw ng kanilang ina, na maririnig sa buong sulok ng kusina. "Gawin mo ulit 'yan at may paglalagyan ka sa amin bata ka!"
Napapailing na lamang siya sa sinabi ng kanilang ina. Hindi niya masisisi ito kung galit sa kanyang kapatid dahil nararapat lang din naman na mapagalitan ito at mapagsabihan.
"Listen to our mother, Acia," pagsingit niya. Binalingan siya muli ng kanilang ina. Bakas sa magandang mukha nito ang pagkadismaya dahil sa nangyari ngayon sa bunsong anak. "Don't give worries to our grandparents, Acia. Otherwise, I will pick you up there and bring you back here in the Philippines."
"No way, Ate Hestia!" Hiyaw nito.
"Yes way, Acia. I can do that kapag may narinig pa uli kami na ginagawa mo diyan na hindi maganda't ikapapahamak mo."
"You're just like Mama, ate," mariing reklamo nito, naiinis.
Nagkatinginan sila ng ina dahil sa sinabi nito. Sabay na lamang silang napapailing sa katigasan ng ulo ng kanilang bunso.
Parehas man sila o hindi ng kanilang ina, hanggat nasa mali ito'y hindi niya 'to kokonsentihin.
"Give the phone back to your Grandma, Anastacia, I want to talk to her." Ang kanilang ina muli.
BINABASA MO ANG
Beginning Of Their End
RomansaMga bata pa lamang sila, gustong-gusto na ni Hestia ang kababatang si Kreios. But due to an unexpected event in Kreios' family, they had to leave the country. Hestia was left in the hands of her new friend and son of their hacienda staff, Craig. Ito...