Nakatingin sa harapan ng entablado si Hestia kung saan nagsasalita ang emcee. Wala siyang maintindihan sa sinasabi nito dahil sa naglalakbay niyang isip.
"Are you his past?"
She couldn't get out of her mind what Hillary had asked her earlier. She was about to answer it when Kreios preceded her and it was he who answered.
"She is my past but I will make sure she will be my future."
Hindi na siya nakasagot pa nang biglang hilahin siya nito palayo. Nais man niyang umalma sa binitawan nitong salita, ngunit hindi niya nagawa dahil sa mga lumapit sa kanilang kasosyo nito sa negosyo at ibang politiko.
Napangiwi si Hestia nang pumitik sa sakit ang kanyang sentido.
Hindi nakaligtas sa mapanuring tingin ni Demeter ang nangyayari sa kanyang katabi habang hindi inaalis ang tingin rito, na kanina pa nakatulala habang nakatingin sa entablado.
"Are you okay? Does your head hurt?" Nag-aalalang tanong niya rito, na ikinabalik ng ulirat nito.
"I-I'm fine," sagot nito, tumuwid sa pagkakaupo.
Kung ang akala nito maitatago nito ang dinaramdam sa kanya, puwes nagkakamali ito. Bata pa lamang sila, kilala na niya ito. Bawat kilos nito kapag may nararamdaman na hindi maganda ay nababasa at napapansin niya agad.
Alam niya kung kailan ito masaya o malungkot. Alam niya ang mga nagpapasaya rito at ayaw nito.
"Liar," turan niya sabay lapat ng likod ng palad sa noo nito.
"K--"
"Shut up!" Mariin, aniya.
Ayaw niyang magalit rito, pero sa ginagawa nito ngayon na kahit may dinaramdam na ay nagkukunwari pa ring maayos.
Damn it! Hindi niya kayang balewalain ito.
Hinubad niya ang suit jacket na suot, saka ipinatong sa balikat nito. Nilagnat na nga nagsuot pa na walang takip sa likod. Punyeta!
Nilabas niya ang kanyang cellphone at inutusan si Trevor na bumili ng gamot para sa sakit sa ulo at lagnat.
Naiilang si Hestia dahil sa ginagawa ni Kreios sa kanya ngayon. Hinila nito ang kanyang upuan at mas idinikit pa lalo rito. Ipinatong nito ang braso sa ibabaw ng sandalan ng kanyang upuan at inayos ang pagkakapatong ng suit jacket sa kanyang balikat.
She should not be at this table because it was not the seat reserved for her, but Kreios did not allow her to sit in another table earlier. Tuloy, kasama niya ang buong pamilya nito na ngayo'y nakangiti at napapailing na nakatingin sa kanila.
"You're so stubborn. Why did you come here if you knew you had a fever?" Ramdam niya sa boses nito ang 'di gusto sa kanyang ginawa.
"I need to, K. My father needs me to talk to Mr. Ty about his business proposal to the old man." At hindi naman nasayang ang pagpunta niya dito dahil nakausap niya kanina ang matanda at nais nitong makipagpulong sa kanya sa Lunes.
"Tss!" Dinig niya rito. "Does your boyfriend know your condition?"
Umiling siya bilang sagot.
"Gago!" Malakas na mura nito na ikinabaling ng mga kasama nila dito sa mesa.
Napayuko siya dahil sa hiya na naramdaman lalo na sa nagtatakang mukha ng mga matatanda na nakatingin sa kanila. Maya-maya lang ay may lumapit sa kanila na isang naka-suit rin at gwapong lalaki, si Trevor. Nakilala niya ito dahil ito ang naghatid sa kanyang sasakyan nung isang araw na pumutok ang likurang bahagi ng kanyang gulong.
BINABASA MO ANG
Beginning Of Their End
RomanceMga bata pa lamang sila, gustong-gusto na ni Hestia ang kababatang si Kreios. But due to an unexpected event in Kreios' family, they had to leave the country. Hestia was left in the hands of her new friend and son of their hacienda staff, Craig. Ito...